Chapter Seventeen

103 7 0
                                    

KINABUKASAN, maagang gumising si Matthew upang umuwi sa kanila. Nakapag-search na rin sila sa internet ng mga impormasyon na maaaring makatulong sa kanila upang mahanap ang kaniyang ama.

Habang namimili si Matthew nang mga damit na kaniyang dadalahin sa pagluwas sa Maynila ay nagulat siya sa paglagabog ng pinto. Nang lingonin niya ito ay tumambad sa kaniya ang kaniyang Tiyo Alan na diretso lamang ang tingin sa kaniya habang seryoso ang mukha.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Alan.

Imbis na sumagot ay ipinagpatuloy na lang ni Matthew ang kanyang ginagawa. Binilisan niya rin ang kanyang kilos dahil hindi niya alam ang mga susunod na mangyayari. 

Ilang sandali pa'y hindi niya namalayan na lumapit na pala sa kaniya si Alan. Dali-dali nitong hinablot ang bag na hawak-hawak ng binata at ibinato ito sa sahig.

"Iyan ba talaga ang natututunan mo sa barkada, Matthew? Natututo ka nang maging bastos, ah?" litanya ni Alan. Medyo mataas ang kaniyang boses habang sinasabi iyon.

"Iwan niyo na po ako dito, Tito bago pa po ako tuluyang mawalan ng respeto sa inyo." Tugon naman ni Matthew sa kaniyang tiyohin.

"Aba, talagang sumasagot ka na, ha!"

"Sige po, saktan niyo ako. Lalo niyo lang akong binibigyan ng dahilan para hindi magdalawang isip na umalis dito."

Bahagyang napatahimik ang kaniyang Tito Alan dahil sa sinabi niya. Dahil dito'y nakahanap si Matthew ng oportunidad upang kunin ang mga gamit niya at magmadaling lumabas sa kuwarto ngunit hindi iyon naging madali para sa kaniya.  

"Sandali nga, Matthew. Bakit ba atat na atat kang umalis, ha? Ano bang ipinagmamalaki mo?" malakas na sigaw ni Alan habang hawak ang kamay ng kaniyang pamangkin.

Imbis na sumagot ay tiningnan lamang siya ni Matthew kaya't binitawan niya ang kamay ng pamangkin at itinaboy ito.

"Sige, umalis ka. Kapag lumagpas ang bente-kuatro oras at wala ka pa sa bahay na 'to, kalimutan mo nang kami ang pamilya mo."

Dahil sa malakas na sigaw ni Alan ay narinig sila ni Mathilde at nang kanilang ina. Dali-daling lumabas ang mga ito upang pigilan si Matthew. 

"Anak," pag-aawat ni Mathilde sa anak niyang palabas na nang pinto.

"Hayaan mo siyang umalis, Mathilde. May usapan kami na bago mag isang araw, kaapag wala pa rin siya'y wala na siyang pamilyang babalikan pa." Bulalas ni Alan habang hawak-hawak ang braso ng kapatid.

Tinanggal ni Mathilde ang kamay ng kaniyang kapatid mula sa pagkakahawak nito sa kanya. Nagbuntong hininga siya nang napagkalalim bago makipagsagutan sa kapatid. 

"Nahihibang ka na ba talaga, Kuya? Anong karapatan mong sabihan nang gano'n 'yong anak ko, ha?!"

"Anong karapatan ko? Ako lang naman ang bumuhay at nagsustento sa inyong mag-ina sa loob ng maraming taon. Ako lang naman ang nag-sakripisyo para sa ikabubuti niyong mag-ina. Oh, baka naman nakalimutan mo kaya ipapaalala ko lang sa'yo na ako rin 'yong nagsakripisyo ng sarili kong pangarap para ilayo 'yong kapatid ko sa boss ko na nakabuntis sa kan'ya."

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Alan dahil sa sinabi niya.

"How dare you, Kuya Alan.  Kung alam ko lang na isusumbat mo sa akin lahat 'yan, sana hindi ko na lang sinabi na nagkaanak ako. Nilayo ko na lang sana si Matthew sa inyo." Halos maluha-luha nang sambit ni Mathilde sa kapatid.

"As if naman na kakayanin mo. 'E, samantalang no'ng nagpabuntis ka kay Sir Alexander, halos hindi ka nga marunong tumayo sa sarili mong mga paa, hindi ba? Paano mo bubuhayin si  Matthew? Manlilimos ka? Magbebenta ng laman?"

Missing Heirs series #6: Kendrix Matthew (Published under TMH Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon