Chapter Seven

107 8 0
                                    

LUMIPAS ang buong klase na walang imik si Lovelle. Ni hindi man lang niya kinausap ang dalawa niyang kaibigan kahit na maka-ilang ulit nang sinubukan ng mga ito na kausapin siya.

"Hoy, Lovelle. Sorry na kasi." Sambit ni Matthew habang sinusubukang habulin ang kaniyang kaibigan na nagmamadali sa paglalakad.

"Bitawan mo ako, Matthew. Uuwi na ako." Pagpupumiglas na saad niya.

"Ano ba kasing problema? Biglaan lang naman 'yong pagpunta ko sa bahay nila, 'e."

Huminto si Lovelle sa paglalakad at tsaka tinapunan ng tingin si Matthew. Nagbuntong hininga siya ng malalim bago magsalita.

"I thought, I belong to the group. Pero bakit 'yong simpleng pag-ba-bonding niyo, hindi niyo man lang ako ma-update? Is it because that I am a girl? Kaya ba may mga lakad kayo na hindi ko alam?"

May katamtamang lakas na ang boses ni Lovelle habang sinasabi niya iyon. Diretso ang tingin niya kay Matthew.

"Sa tingin niyo ba hindi nakakapagtampo kapag gano'n? Tatlo tayo dito, 'e. We' re trio pero bakit parang pakiramdam ko ay para akong saling-pusa lang sa inyong dalawa?"

Napapalunok na si Matthew habang diretso ang tingin nito sa kaibigan. Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil pinangungunahan siya ng kaba. Alam niyang sadyang matampuhin si Lovelle ngunit hindi niya inasahang ang ganoong bagay ay magiging big deal na sa kanya.

"Look, Lovelle... hindi gano'n. May dahilan talaga kaya ako pumunta kina Clark. Pinakilala niya ako sa bago niyang kapitbahay." Paliwanag ni Matthew.

"Bagong kapitbahay?" naguguluhang tanong ni Lovelle sa kaniya.

Tumango lang naman si Matthew bilang tugon.

"Bakit ka naman niya ipapakilala sa bago niyang kapitbahay?"

"Alam niya kasing matitipuhan ko 'yon kaya hindi siya nagdalawang isip na ipakilala sa akin kaagad."

"Iyan ka na naman, 'e. Naghahanap ka na naman ng bagong babae." Sambit ni Lovelle at saka inikot ang kaniyang mata kay Matthew.

"Hindi ko nga alam kung itutuloy ko pa rin ang balak ko do'n, o maghahanap na lang ako ng iba."

"Bakit naman? Ano bang problema do'n sa babae?"

"Natakot ako bigla do'n sa tatay, 'e. Mukhang strikto. Baka patayin ako no'n kapag sinaktan ko ang anak niya."

Ang seryosong mukha ni Lovelle ay biglang nagbago noong ngumisi siya. Naging pabor naman ito kay Matthew.

"O, bakit ka tumatawa?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Matthew habang diretso ang tingin kay Lovelle.

"Wala lang. Hindi ko kasi lubos akalain na may kinatatakutan ka pala." Tumatawang sambit ni Lovelle.

"A, 'yon ba?! Kaibigan ko nga kayo ni Clark. Parehong-pareho kayo ng reaksiyon." Napapailing na sagot naman ni Matthew.

Walang ano-ano'y bigla na namang nag-iba ang awra ng mukha ni Lovelle na kaagad namang napansin ni Matthew kaya't tinanong niya ito kaagad kung bakit.

"O, parang umiinit na naman ang ulo mo. Bakit na naman?"

"Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kasalanan ninyo ni Clark. Palagi niyo na lang akong kinakalimutan."

Pagkatapos sabihin iyon ni Lovelle ay nag-pout siya ng labi, dahilan para mapangisi si Matthew habang nakatingin sa kaniya. Kaagad niya itong nilapitan. At tsaka inakbayan bago guluhin ang kaniyang buhok gamit ang kabila nitong kamay.

Kaagad naman siyang inawat ni Lovelle.

"Stop it, Kendrix! Naiirita na ako." Wika ni Lovelle habang tinitingnan ng masama si Matthew. Tinatawan lang naman siya nito.

Missing Heirs series #6: Kendrix Matthew (Published under TMH Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon