Chapter Fifteen

105 7 0
                                    

ISANG linggo makalipas ang paghihiwalay nina Matthew at Cassandra, tila lalong lumala ang iwasan sa pagitan ni Matthew at nang mga kaibigan niya. Kung dating nagkakatinginan pa sila, ngayon ay halos mga hindi na magkakilala.

Lumipat na rin ng upuan ang dalawa kaya't naiwang mag-isa si Matthew sa bandang likod. Nahihirapan siyang mag-adjust sa ganoong sitwasyon ngunit wala naman siyang magagawa dahil ang mga kaibigan niya na mismo ang nag-desisyon no'n.

Dahil may urgent meeting ang mga teachers, lahat ng subject ay naka-shorten period. Dalawa lang naman ang subject nila per day kaya't pagkatapos ng dalawang oras ay pinauwi na rin sila.

Naunang lumabas si Matthew sa classroom dahil sa likod siya nakapuwesto ngunit pagkalabas ay nanatili siyang malapit sa pinto upang kausapin sana si Lovelle.

Halos lahat ng kaklase niya ay nakalabas na. Kataka-takang ang natitira na lang sa loob ng classroom nila ay sina Clark at Lovelle. Walang bintana ang room nila dahil naka-aircon ito kaya't dahan-dahan siyang lumapit sa kabilang pintuan upang silipin ang dalawa.

Pagtingin niya'y bahagya siyang napa-atras dahil sa kaniyang nakita. Nakaupo pa si Lovelle sa kaniyang upuan habang si Clark naman ay nakapuwesto sa tabi niya habang naka-akbay kay Lovelle. Nakaramdam si Matthew nang bahagyang kirot sa kaniyang dibdib nang makita ang dalawa.

Kaya imbis na hintayin ang kaibigan ay mas pinili na lang ni Matthew na umuwi na lang. Ang tanging nasa isip niya noong mga oras na 'yon ay magpahinga dahil kahit wala namang masyadong ginagawa ang pakiramdam niya pa rin ay masyadong nakakpagod ang araw na 'yon.

Nang marating ni Matthew ang kanilang bahay ay takang-taka pa siya nang maabutang bukas ang pinto kaya't dahan-dahan siyang pumasok at marahang isinarado ito. Magaan ang kaniyang hakbang habang naglalakad siya ngunit isang malakas na ingay ang bumabasag sa katahimikan ng paligid.

Hinanap ni Matthew ang pinanggagalingan ng ingay at nanggagaling iyon sa kusina. Maingat ang galaw niya habang palapit siya nang palapit ay palinaw rin nang pa-linaw ang kaniyang naririnig hanggang sa mapahinto siya sa narinig.

"Ako na naman? Ako na naman ba ang kailangan umako ng responsibilidad?" sigaw ni Alan.

Hindi nakikita ni Matthew kung ano ang nangyayari dahil mas pinili niyang magtago upang makinig.

"Hindi sa gano'n, Kuya Alan. Magka-college na kasi si Kendrix. Alam kong mas makakapag-aral siya nang mabuti kung nasa Maynila siya." Wika naman ng nanay ni Matthew.

"Alam mo naman ang sitwasyon ko doon, hindi ba? Maliit lang ang tinutuluyan ko. At tsaka isa pa, 'yong kinikita ko, hindi ba't binibigay ko ang kalahati sa inyo? Bakit hindi na lang dito? Marami pa namang oportunidad dito, 'e."

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, Kuya. Kapag do'n na nag-aaral si Matthew, susunod din naman kami ni Ina doon. Magsasama-sama tayo do'n."

"Bakit ba kasi pinipilit mong dalhin sa Maynila 'yang anak mo? Ang ganda na nang buhay niyo dito, hindi ba?"

"Kinabukasan lang ni Matthew ang iniisip ko  Nang pamangkin mo."

"O, sige. Nando'n na tayo. Pero paano ka nakasisigurado na magandang buhay ang maibibigay ng Maynila sa kaniya?"

"Maraming oportunidad doon, Kuya. Kaya ka nga nando'n, hindi ba?"

"Iyon ba 'yong tingin mo? Kaya gusto mong ako ang magbantay diyan sa anak mo?"

"Oo, dahil alam kong maalagaan mo siya. At tsaka isa pa, may nag-alok sa akin ng trabaho, abroad. Sayang naman kung tatanggihan ko."

"So, 'yon. Lumabas rin ang totoo. Gusto mong mag-abroad kaya iiwan mo sa akin 'yang anak mo."

Missing Heirs series #6: Kendrix Matthew (Published under TMH Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon