Kasabay ng pagkatahimik ng paligid ay siya namang pagmamasid ng taimtim ni Niale. Sinusuri ang buong paligid nang pulido. Bawat sulok ay siya nitong minamanmanan. At sa bawat segundong lumilipas ay nasasayang kaya't naisipan na niyang gumayak. Ngunit bago niya simulan, ay kanyang pinaglapit ang kanyang palad kasabay ng pagkiskis nito at saka sumipol.
"Let's get it on." ani niya saka nagsimulang higpitin ang taling nakapulupot sa kanyang bewang. Sinuri niya din ang mga gagamitin niya para sa inatasang operasyon. "Stay with me, kiddos." pabulong niyang sabi dito. Pagkatapos niyang isuot ang bonnet niya ay siya namang sinimulan ang pagbaba tungo sa kanyang isasagawang misyon.Maingat. Pulido. Mapagmatiyag. Matanglawin. Maingat siyang bumaba saka tinanggal ang taling itinali niya sa kanyang bewang. Saka ito pinagbuhol at inilagay sa isang estante. Paglingon niya sa kanyang target, napangisi siya. Umabante siya pero agad namang umatras ulit. May nakalimutan kumbaga. Dinukot niya mula sa secret bag niya ang goggles. Sinuot niya ito saka nakita ang mga laser na naroon. Good thing, at hindi niya nakalimutan ang mga iyon. Kung hindi, eh malamang kanina pa siya nahuli. At saka niya sinimulan ang kanyang misyon.
Dahan-dahan niyang nilagpasan ang mga laser lights. Paibaba, paitaas, wala siyang inurungan. Dumagdag ang kabiliban niya sa sarili ng nilagpasan niya ng pulido ang mga laser lights. At saka tinanggal ang goggles nito. Kumuha naman siya ng isang matulis na bagay saka kinorteng bilog ang sa itaas ng glass na pumoprotekta sa isang ancient tiara, na pinagkakaguluhang bilhin ng mga naglalakihang ancestors. Nang makorte na niya ito, ay maingat niyang tinanggal ito mula sa glass rail. Nang mahawakan na niya ito, hindi niya mapigilang suntukin ang kamao sa ere sa pagkatuwang naisagawa niya ang kanyang misyon. Puno ng saya ang kanyang isipan saka pinaghahalik ang tiarang iyon. At saka isinilid na iyon sa kanyang bag, at ito'y umabante na. Paghakbang niya, biglang may umugong na mga tunog. Umilaw ng pagkapula. Saka lang niya napagtanto na nakalimutan niyang isuot ang goggles upang makita ang mga dapat makita.
"Wala kang kasing tanga!" usal niya sa kanyang sarili. Saka siya kumaripas ng takbo. Sa pagkabuhol ng tali sa estante, nariyan namang nakita siya ng mga guwardiyang nagbabantay sa museum na agad na tumakbo nang marinig nila ang tunog na lumikha ng ingay sa buong silid. Narinig niya ang mga takbo at usal nito kaya't tarantang inayos niya ang tali. "Huwag kang pakipot. Tss" bulong niya sa estante na waring nakikinig ito."Ay, lintek. Andito ang clepto pare" rinig niyang sabi ng isang guwardiya. Awtomatikong lumaki ang mata ni Niale saka isinuot ang bonnet. Agad niyang ipinulupot ang taling kanina ay nakabuhol. Saka niya sinimulang akyatin ang nakaabang na kaligtasan. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at may humila pa sa kanyang paa.
"Akala mo makakatakas ka? Shit!" napamura ang guwardiya nang makorner siya ni Niale sa leeg. Saka pinaikot ito na nagdala sa pagtumba ng isang guwardiya. Ang isang guwardiya naman ay tinutukan siya ng flashlight kaya awtomatikong tumalikod siya. Pasimpleng kumuha ng swiss knife saka itinapon ito ng patalikod sa guwardiya. Agad na dumilim dahil malamang natamaan ang guwardiya at natapon nito ang dalang flashlight. Kung saang parte, ay kanyang di na niya inalam. Saka pangisi-ngising umariba na.
--
5:45 am. Magiliw niyang tinahak ang daan tungo sa restawrant na iminamahala ng kanyang kaibigan na si Niazz. Kaibigan niya ito simula nang maging magkatunggali sila sa sinalihang Taekwando competition. Napapangiti pa rin siya kapagka natatandaan niya ang mga araw na banas na banas siya rito. Masyado kasing wais at matalino. Kaya madalas ay siyang talo. Bumuntong-hininga si Niale saka sinilip ang dalang Ramen at KimChi na gawa pa ng kanyang mama. Naloko na naman sa pagngiti ang binata.Nang makapasok na siya sa restawrant, hindi magkamayaw ang mga tao sa order nila. Agad niyang iginala ang paningin sa apat na sulok ng kainan, nang namataan niyang nakaupo sa cashier area si Niazz. Sumipol ito saka patalon-talong lumapit sa dalaga. "Hi Miss" tumaas-baba pa ang kanyang kilay saka sumilay ang nakakalokong ngiti. Nakatuon lamang ang paningin ng dalaga sa notebook at calculator. Susulat tapos pipindot sa calculator. Paulit-ulit lamang. Sa pagkainip ni Niale, kukunin na niya sana ang notebook ng wala pa man siyang ginagawa ay itinabig ito ni Niazz. Oww.
"O?" tanging tanong ng dalaga. Napamaang si Niale sa inasta ng dalaga. Gayunpaman, pinagkibit-balikat na lamang niya ito, dahil ganun talaga ang babaeng ito. Saka niya inilapag ng may tunog ang kanyang dala. "Pinagluto ka ni Mama. Tss" Napahinto sa pagsusulat ang dalaga saka iginawi ang tingin sa inilapag ni Niale. Saka ito tiningnan ng mata sa mata.Lumaki ang mata ni Niale nang hinawakan siya sa balikat ni Niazz. Saka dahan-dahang lumapit. Palapit. Nang. Palapit. Nang. "Tabi" usal ng dalaga. Napanganga siya nang lumagpas sa kaniya ang dalaga saka tumungo sa kainan. May nilapitan itong tao. Sa paningin ni Niale, tila sinisigawan ng taong iyon si Niazz, kaya agad siyang lumapit.
"Ang yabang mo Miss ah! Ha! Nagbayad na ako! kahit itanong mo pa sa may-ari nito!" asik ng lalakeng mukhang adik.
"Alam nang may-ari na nakabayad ka na? " mahinahong tanong ni Niazz saka pinasadahan ng tingin ang lalaki. "Kung ganon" hanggang sa umabot ang kanyang tingin sa mukha ng lalaki. Kasabay ng paglapit niya rito ay ang pag-atras naman ng lalaki "bakit hindi ko alam?" patuloy nito.Awtomatikong napanganga ang lalaki sa usal ng dalaga. Napangisi naman si Niale saka nilapitan ang dalaga. Inilahad ni Niazz ang kanyang nakabukas na palad, at saka ang kanyang kamao sa mukha ng lalaki. "Mamili ka. Bayad o Kamao?" Bumalik ulit ang mala-hayop nitong itsura saka inambaan ng suntok si Niazz. Agad namang nakailag ang dalaga saka napangisi. Nagtiim naman ang bagang ni Niale saka hinila ang kuwelyo ng lalaki.
"HOY! Babae yan tarantado!" asik niya rito sabay porma ng susuntukin ito ng hinila siya na parang aso ni Niazz. "Huwag kang chismoso. Tabi" tanging sabi ni Niazz saka hinarap ang lalaking mala-maton ang itsura. Bakas ang takot sa lalaki pero makikita sa kanyang itsura ang pagka-palaban. Bigla niyang hinila ang upuang nasa kanyang tabi saka buong pwersang inihagis iyon sa pwesto ng dalaga, ngunit sa kasamaang palad, mukha sa kanya pa lalanding ang silya dahil binato pabalik ng dalaga ang silya papunta sa kanyang pwesto. Hindi na nakailag ang lalaki sa paparating na upuan kaya agad itong natumba. Gawa sa bakal ang silya, kaya malamang, namimilipit na sa sakit ang lalaki. Lumapit si Niazz sa nakahigang lalaki saka nagsalita. "Inuulit ko, bayad o kamao?" At doon na lamang umiyak ang lalaki na parang bata. Lumuhod ito kay Niazz at pinagkiskis ang mga palad sabay pagyuko nito na waring nagbibigay-galang. Ganun na lamang ang pagkagulat ng dalaga rito.
"Patawarin ninyo ako. Parang-awa niyo na, patawarin niyo na ako. Hindi ko na uulitin. Patawad. Patawad. Wala akong maibibigay na pera sapagkat wala akong kahit na ano. Hayaan niyo na lamang ako'y magsilbi para sa inyo" wika ng lalaki kasabay ng pagkahagulgol niya.
"Pare, haha. Hindi na bebenta yang drama mo ha. Magbayad ka na lang, tapos" sabat ni Niale pero agad naman siyang tinabig ni Niazz na parang lamok. "Aray ko naman" reklamo nito.
"Magsimula ka na. Maraming maruming pinggan sa kusina." tugon ng dalaga saka tumalikod na. Agad naman siyang sinundan ni Niale.
"Huy iazz ganun na lang yun? Aba, mabait ka pala." usal ni Niale na waring namamangha. Agad siyang nilingon ni Niazz. Ubod ng seryoso ang pagmumukha. "A-ah. Hahaha! Sabi ko nga" kabadong sabi ni Niale, pero agad iyon napawi nang tumawa si Niazz.
"Gagu. Halina't kumain na lang tayo" sabi nito saka pumunta na sa cashier area. Ilang segundong nakatulala si Niale. Napasipol siya sa pagkamangha. Bahagya pang natawa. 'HAHAHAHAHA!' sigaw niya sa kanyang isip. Ewan, hindi niya daw alam kung bakit siya napapatawa. Tumungo na lamang siya sa kinauupuan ng kaibigan.