Third Mission

8 1 0
                                    

Taimtim na naghihintay si Niale sa labas ng kanilang site. Nagbabakasakaling hindi pa siya masesante sa trabaho. Hindi rin nagtagal ay lumabas si Baek at tinungo ang kinaroroonan ni Niale. Tumayo naman agad ang binata. Nang may binigay na sobre si Baek sa kanya. Agad na binuksan iyon ni Niale.

"Haays. Kung mamalasin ka nga naman. Tsk, pambihira" sambit ni Niale pagkakita sa nilalaman ng sobre. Isa iyong sulat na nagsasabing tanggal na siya sa trabaho. At perang tumataginting ng  dalawang daan. "Tss. Pakonswelo ba itong dalawang daan sa'kin?!" inis na tanong ng binata kay Baek.

"Yan na raw yung sahod mo Master" tarantang sagot nito. Napamaang si Niale saka napamaywang. Napatakip rin siya ng bibig na waring di inaasahan ang nangyari. Napabuga siya ng hangin.

"S-sweldo? Eh kulang na lang huwag na lang niya ako suwelduhan eh! Naka ilang buwan naman ako sa pagtatrabaho dito sa bulok niyang site! Tapos bibigyan niya lang ako ng d-dalawang daan?!" asik ni Niale. "Sabihin mo nga sa akin Baek, makatarungan ba itong pinanggagawa niya sa kin? Ha?!" dagdag pa nito.

"Eh, m-master, kung hindi ba naman po kayo late parati eh baka madagdag pa yan" bulong ni Baek. "Ah master, kumalma po kayo. Bumili na lang po kayo ng Ramen saka kayo umuwi. Marami pa namang trabaho diyan eh hehe"

Napabuga na lang ng hangin si Niale. Saka tinitigan si Baek. Tinapik nito ang kanyang balikat saka tumango. "Tama ka. Hmm, tama ganun nga ang gagawin ko. Tss." sambit ni Niale saka umalis nang nakapamulsa. Napabuga na rin ng hangin si Baek dahil sa iniasta ni Niale. May saltik eh.
---

Napapikit ng mariin si Niale sa nangyari kani-kanina lamang. Hindi maproseso sa kanyang sistema ang mga nangyari. Una, nadukutan siya't nakasakit ng babae. Pangalawa, nasesante siya sa trabaho. Napabuga ulit siya ng hangin.

"Kung minamalas ka nga naman" wika nito saka pinagsisipa ang mga batong nadadaanan niya.

Napagdesisyunan niyang dumaan sa restawrant ni Niazz para makapagpahinga, saka para makakain na rin. Sigurado siyang makakarelax siyang talaga pagdating dun. Pero, awtomatikong nagtaka siya ng nakitang nakasarado ang restawrant ni Niazz samantalang hindi naman ito nagsasara ng maaga. O kahit may holiday o kahit pa na magkasakit siya. Nakapagtataka.

"Imposible. Ano kayang rason niya kung bakit nagsara siya ngayon? Tss, hindi man lang ako sinabihan. Si Baek kaya, alam niya kaya na hindi magbubukas si Niazz?" gulong tanong ni Niale saka ginulo ang kanyang napakagulong buhok. Nakakagulo. "Pambihira!" malakas na sigaw niya saka kinuha ang cellphone mula sa kanyango bulsa. I-dinial niya ang numero ni Niazz.

"The number you have dialed is unavailable. Please try again later"

Inis na binaba ni Niale ang tawag. May kung ano sa kanyang gustong makita si Niazz. Kaya napagdesisyunan niyang puntahan na lang ito sa kanyang bahay. Nang natuntong na niya niya ang bahay nito, ay agad siyang kumatok at bubuksan na sana ang gate ngunit nakakandado ito. Kumunot muli ang noo niya. Kumatok siya ulit ng ilang beses. Ngunit walang bumubukas. Hindi kaya? Awtomatikong tumibok ng di-normal ang kanyang puso.

"Niazz! Niazz! Buksan mo itong gate!" sigaw ni Niale. "Huwag kang magpapakamatay! Marami ka pang costumer na nag-aabang sa mga masasarap mong luto! At saka iinom pa tayo ng Soju! Nakikinig ka ba ha?!" Hindi na ito normal. Naisipan ni Niale na balibagin na lamang ang gate. Alang-alang sa kapakanan ng kanyang kaibigan.

Iminuwestra niya ang kanyang sarili para sa isang pulidong sipa. Ang kaliwang paa ay sa harap, habang ang kanan naman ay sa likod. Nakasentro ang kanyang paningin sa gate. Center. Concentration. Huminga muna siya ng malalim saka buong pwersang hinila ang kanang paa para sa isang high kick. Napapikit siya ng mariin. Nang wala siyang maramdanang bakal,napadilat siya.

Bumungad sa kanya ang seryosong Niazz na nakasangga sa kanyang pagsipa. Oww. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang paa. Nanatili pa ring seryoso ang dalaga. Napalunok siya. Seryoso pa rin ang dalaga. Napakurap siya. Seryoso pa rin ang dalaga. Nang ilang segundo na ang lumipas at wala pa ring nasasabi si Niale ay umatras na si Niazz at akmang isasarado na ang gate. Mabilis namang humakbang si Niale upang harangin ang gate.

Mataman niyang tiningnan si Niazz. Waring ang lungkot ng mga mata nito. Napatitig ng bahagya si Niale.

"Anong nangyari?"

Mission CreepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon