Nagising si Niale sa tunog ng kanyang alarm clock. Tulog-mantika kasi ito kaya't kailangan niya ng karamay. Pumupungay-pungay pa ang kanyang mga mata ng ito'y napaupo. Pagkatapos niyang humikab ay nag-stretch muna siya ng mga muscles niya sa katawan. At agad niya namang inayos ang kanyang higaan saka tinungo ang bintana. Binuksan niya ito saka hinawi ang kurtinang humaharang rito. Sumilay ang napakatamis niyang ngiti at saka sumigaw ng 'Magandang Umaga!'. Hindi pa ata naubos ang tama nito simula pa kagabi. Gayunpaman, nagpakawala siya ng masigabong buntong-hininga at tumalikod na. Nakaka-isang hakbang pala siya ng may kung anong tumama sa likod niya. Napamura siya sa kaunting kirot na idinulot ng tamang iyon. Lumingon siya, dala-dala ang kanyang peymus na nakakamandag kuno na titig. Napamaang siya ng makita ang taong nangbato sa kanya. Naiyukom niya ang kanyang palad sa inis.
"Tarantado!" sigaw niya rito at mabilis pa sa alas kuwatrong nagbihis. Pagkalabas niya sa kanyang banyo, napamura na naman siya sa mga numerong nakapaskil sa kanyang orasan. 8:05 AM.
Malalaki ang mga hakbang tinungo niya ang pintuan. Pero bago pa niya simulan ang kanyang paglalakbay, hinanap niya muna ang taong talipandas na nangbato sa kanya. Nakita niya itong pasipol-sipol sa gilid ng poste. Aba naman ang pagkakataon, nananadya. Agad niya iyong sinunggaban sa kwelyo.
"Tarantado! Bakit mo ako binato?!" asik niya rito.
"T-teka Ma-master! pasensya na. Sa bintana ng kuwarto mo naman dapat tumama yun ehh. Hindi nga lang kita nakita." depensa ni Baek. Ang lalaking mala-maton ang hitsura. Ang lalaking taga-hugas ng pinggan sa restawrant ni Niazz. Ang lalaking takas gang. Pero, nagbago na daw siya. Naging sidekick na rin ito ni Niale.
"Pambihira! Nagsalita pa ako dun, hindi mo ako napansin? HA! Gusto mo atang makatikim!" sagot naman ni Niale saka pinagpupukpok ang ulo ni Baek. Siyempre, panay ang iwas nito.
"M-master! Aray ko naman! Tama na" natigil naman sa kalokohan si Niale saka tiningnan si Baek nang nakataas ang noo. Napatingin sa baba si Baek, marahil na rin yata sa takot. "Gusto lang naman kitang gisingin, dahil late ka na sa trabaho" pagkasabing-pagkasabi nito ni Baek, agad-agad na nagsilakihan ang mga mata ni Niale saka pinalo ang noo nito.
"Argh! Panira ka! Papunta na ako eh! Ayun na yun eh! Gago, halika na!" sigaw ni Niale saka nagtatakbo ang dalawa. Ganun sila kaloko. Tsk tsk.
--Kung pagsasama-samahin ang populasyon sa mundo sa isang bus, marahil ay maraming mamamatay sa kakulangan ng hininga. At ganun na lang ang problemang kinakaharap ngayon nina Baek at Niale. Partida, naka-Jacket pa sila, dala na rin sa lamig ng panahon. Sa kada break ng bus, napapasubsob si Niale sa salamin nito na halos dumugo na ang kanyang labi.
"Manong hinay hinay lang! Walang seabelt itong bus mo! pambihira! tsk" sigaw ni Niale. Saka inayos ang kanyang bag. "May kendi ka ba dyan Baek? Tuyong-tuyo na lalamunan ko" tugon niya sa kasamang sobrang naiipit na rin. Sinenyasan niya na lang si Niale ng WALA. Napabuntong-hininga ang binata saka inayos ulit ang bag.
"Kuya, nahulog po yung cellphone niyo oh" napalingon si Niale sa nagsalita. Isa itong babaeng maganda. Napatulala siya rito, dahil na rin siguro sa angkin nitong karisma. "K-kuya, yung cellphone niyo po, n-nahulog" sabi ulit ng babae. Bumalik agad ang diwa ni Niale, at nagpasalamat sa babae. Saka siya yumuko para pulutin ang kanyang--
"Teka. Sa pagkakaalam ko, sa bag ko lang iyon nailagay. Imposibleng nahulog iyon mula sa aking saradong bag. Maliban na lang kung--" napapikit si Niale sa kanyang katangahan. Agad niyang nilingon ang babae, pero wala na ito roon. Nang tiningnan niya ang kanyang bag, nagulat na lamang siya nang makitang bukas ito. At makitang wala roon ang kanyang wallet at cellphone. Napapikit nang mariin ang binata. "Magnanakaw! Kay gandang magnanakaw, pambihira!" sigaw niya sa kanyang isip. Awtomatikong hinanap niya ang babaeng magnanakaw. Hindi alintana ang mga murang naririnig niya mula sa mga pasaherong nakakabangga niya.
Ayan na. Naaaninag na ni Niale ang babae. Konting-konti na lang. Malapit na malapit na. Nang biglang bumukas ang pintuan ng bus at lumabas ang babae. The moves! Mabilis din siyang lumabas at hinabol ito. Ngunit sadyang mabilis ang babae kahit naka-stilleto ito. Hindi naman magpapatalo sa pabilisan si Niale. Nag ala Jackie Chan siya sa ginawa niya. Nariyan ang nagtatatalon siya sa mga building habang ang babae ay tumatakbo lamang sa daan. Nariyan namang tumalon siya't pinagtatapakan ang ulo ng mga taong naglalakad hanggang sa maabutan ang magnanakaw. Hinawakan niya ito ng mahigpit sa braso saka nginitian nang lumingon ito. Ngumiti rin ang babae. Akala ni Niale, sila na. Ngunit nagkakamali siya. Kinuha ng babae ang kamay ni Niale saka binaligtad hanggang sa mapatumba niya ang binata. Sumilay ang tagumpay na ngiti ng babae, ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Ipinulupot ni Niale ang kanyang mga paa sa binti ng babae saka ito pinuwersang pinupo saka siya pumaibabaw rito.
"Huli ka! May pa-Po po ka pang nalalaman, clepto ka! Akin na cellphone at wallet ko!" sigaw ni Niale rito. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa daan dahil sa kanilang postura. Nahiya ng mga isang segundo si Niall ngunit hindi na niya ito napansin.
"In your dreams!" wika ng babae at sinuntok si Niale sa mukha. Umikot ang mga ibon sa ulo ni Niale, at sila'y nagdiwang. Bago pa man maka-recover si Niale ay kumaripas na agad nang takbo ang babae.
Nang nahimasmasan na si Niale ay agad niyang hinanap ang babae. Nakakasiguro siyang mahahanap niya rin ito. Sigurado daw siya. Sinuri niya ang kanyang paligid. Nang taimtim. Nang, may nahagip siyang isang pigura ng babae na kakapasok lamang sa isang Bar na madalas niyang pagtambayan dati. Bagaman, ilang lakad pa ang Bar sa kanyang pwesto, ay agad niya itong namataan, dahil na rin sa kalabasa ang paborito niyang gulay. Linaw mata.
Malalaking hakbang ang kanyang iginawad sa kanyang mga lakad upang maabutan ang babae. Padabog niyang pinasok ang Bar at walang anu-ano'y hinatak ang babaeng uminom ng alak.
"What the Hell?!" sigaw ng babae. Babaeng di niya kilala. Humingi naman agad siya ng tawad rito. Katangahan 101.
Hinanap niya ang babae. Kahit saang sulok ng mundo, ay mahahanap niya daw ito. Kaya't naisipan niyang umakyat sa ikalawang palapag ng Bar. Alam niyang di kaaya-aya ang kanyang mga makikita ngunit nakasalalay rito ang kanyang wallet at cellphone. Kaya all the way na ito.
Nakakalat na mga bote, iba't-ibang klaseng kulay ng ilaw, mga nagsasayawan, inuman, mga naninigarilyo, ilan lang ito sa mga nakita niya sa ikalawang palapag ng Bar. Naglakad-lakad siya, nagbabakasakaling mahanap niya ang kanyang target. Nang di anu-ano'y may kaguluhang naganap. RAID.
Sa lahat ba naman ng araw kung kailan siya mamalasin, ay ngayong araw pa! Nanatili siyang nakatayo habang ang mga tao ay mabilis na tumatakbo pababa. Madali niya daw mahuhuli ang magnanakaw kapag nasa ganitong sitwasyon. Nagdasal muna siya na sana mahuli niya ang magnanakaw. At viola! Nang binuksan niya ang kanyang mga mata ay nakita niyang hinawakan pa siya mismo neto. Nagtiim agad ang kanyang bagang.
"Ano pa bang ginagawa mo?! Tumakbo na tayo!" sigaw ng babae kay Niale. Nag-aalangan man, ay tumakbo na rin siya. Lumusot sila sa secret door ng Bar. Survive.
Pagkalabas na pagkalabas nila, ay agad niya itong hinawakan nang mahigpit. "H-hoy! Niligtas na nga kita! Bitaw!" sigaw ng babae."Pambihira!Alam mo bang masesesante ako neto sa trabaho?! Lintek! Akin na wallet at cellphone ko! Kung hindi ay babaliin ko itong braso mo!" asik ni Niale. Nakipagtitigan rin sa kanya ang babae. Lumapit ito. Nang. Lumapit. Lapit. "Oww!" napasigaw si Niale sa sakit nang sipain siya ng babae sa pagkalalaki neto.
Gayunpaman, mabilis ang mga naging kilos ni Niale at agad na sinipa ang likod ng babae saka hineadlock ito. Mabilis niya ding kinapa ang bag at bulsa nito. At nakitang nasa secret pocket ng Jacket niya ito nailagay. Mabilis ding nakuha ni Niale ang kanyang pag-aari at mabilis ring pinatay ang babae. Ay, joke. Nang nakuha na ni Niale ang kanyang cellphone at wallet, agad siya kumaripas ng takbo. Leaving the girl in her filthy dress. At nasisiguro niyang,wala na siyang maabutang trabaho. Pambihirang araw, usal niya sa kanyang isipan.