Magiliw na sumisipol sipol pa si Niale habang dinadala ang mga basurang kanyang itatapon. Ilang metro pa ang layo ng basurahan mula sa kinatatayuan niya, kaya't may naisipan na naman siyang kakaiba. Ihinilera niya ang mga supot ng basura sa kanyang paanan saka iminuwestra ang sarili na parang nag-kukung fu. Saka niya sinimulang sipain ito, na may kasamang iba't - ibang istilo.
"Heeya! Ha! Wuuushu!" sambit niya sa kada sipang ginagawa niya. At pasok sa basurahan lahat ng mga pinasisipa niyang basura. Sa huling basurang sinipa niya, nag-tumbling pa siya sabay iminuwetra ang postura ni Jackie Chan. "Yeah." huling sabi niya. Saka na siya tumalikod. Pero agad na lumaki ang mata niya sa nakita.
"K-kanina ka pa riyan?" kabadong tanong niya kay Niazz na nakataas ang noong tumitingin sa kanya.
"Galing ah" sagot ng dalaga saka ngumisi. Pero ilang segundo lang ang lumipas, hindi na napigilan ni Niazz ang pagtawa. "Hahahaha! Loko ka!" sambit nito.
"Aah. Ngayon, pinagtatawanan mo na lang ako? Grabe ka. Sana sinabi mo man lang na lalabas ka" tugon ni Niale saka nagsimulang humanap ng mauupuan. Saka siya nagpakawala ng buntong-hininga. "Nahiya tuloy ako" tuloy niya habang pangusong tiningan si Niazz.
"Ngayon ka pa nahiya? Drama mo rin no? Bahala ka, at ako'y uuwi na" sabi ng dalaga sabay talikod na. Tumayo naman agad si Niale.
"Uuwi agad? " tanong ng binata. Nilingon naman agad siya ni Niazz ng nakataas ang isang kilay. "Ah- baka kako gusto mo munang maglakad-lakad, tapos kakain. Ganun" paanyaya nito sa kaibigan.--
"Isang soju pa nga rito!" sabi ni Niale sa tindera ng turo-turong kanilang napasukan. Dito nila naisipang kumain. At, uminom. "Tss. Bingi ata si manang. Tsk, tingin mo iazz, ha?" tanong ni Niale sa kalmadong kaibigan na si Niazz."Tumahimik ka na lang" sagot nito sabay lagok ng soju.
"Oy, hinay-hinay naman, baka malasing ka niyan" suway ni Niale. Tinitigan lang siya ni Niazz.
"Hindi ako nalalasing sa soju totoy."
"A-anong t-totoy? Hoy, mas matanda a-ako sa sayo sa b-buwan!" pasinok-sinok pa nitong sagot. Habang si Niazz ay kalmado lamang sa pagsasalin ng soju sa baso sabay kain ng Ramen.
"Totoy ka pa rin. Sa utak mong yan? Tss" tugon ni Niazz saka nginisian si Niall.
"Aba't!-" biglang hinawakan ni Niale ang kanyang bibig saka lumabas sa kainan.
"Tsk. Pambihira" asik ni Niazz na lumagok ulit ng Soju bago inilalayan ang kaibigan sa labas.Binitbit ni Niazz ang kaibigan sa kanyang likod. Lasing na lasing dahil kung anu-ano na ang pinagsasabi. Pati yung plastik na pinagsukaan niya, ay kanyang kinausap. Aba, matindi. Nakaabot na sila sa bahay ni Niale kaya ibinaba na siya ni Niazz.
"Hoy, kutong-lupa." tawag ni Niazz sa kaibigan. Gumewang-gewang lang ito na parang alon na naghahampasan sa dagat.
"Nasa p-planetang nem-ik n-na ba tayo? Ahh" sigaw niya na waring nasasaktan. "Nararamdaman kong sinaksak ako dito" tinuro niya ang kanyang dibdib "Napakasakit" patuloy niya.
Napakati na lang sa batok ang dalaga saka kumatok na sa pintuan. "Mrs. Kwong? Andito na po ang anak ninyo" usal ng dalaga saka tiningnan ang kaibigang kinakausap ang mga halamang nandoon. "Tsk, malala na tama nito." wika niya.Bumukas naman ang pinto at iniluwa roon ang mama ni Niale na alalang-alala sa nangyari sa anak. Palibhasa, nag-iisa kaya No Choice. Nang papasok na si Niale ay agad naman siyang lumingon ulit kay Niazz, na nakatayo pa rin sa harap ng pinto nila. Tumaas ang kilay ng dalaga sa iniasta ng binata.
"Ihahatid na kita" sambit nito ng nakangiti. Iminuwestra naman ni Niazz ang kanyang kamay na waring pinapapasok na si Niale. "Ihahatid na nga sabi kita eh" pinipilit pa rin ng binata ang gustong gawin.
"Uuwi na po ako Mrs. Kwong" paalam ni Niazz na hindi na pinansin pa ang paanyaya ng kaibigan. Yumuko siya saka tumalikod na. Subalit agad namang hinabol siya ni Niale na pagewang-gewang pa rin ang paglalakad. "Pumasok ka na nga, ulol. Mahiya ka nga sa mama mo"
"Tinawag mo akong u-ulol? ha! Bad ka!" wika ni Niale na nag-aastang bata sa harapan niya.
"Hindi ka talaga papasok?" tanong ni Niazz na nakapameywang na.
"Hindi!" matigas na tugon ni Niale saka tumayo ng tuwid. Sumilay naman ang nakakalokong ngiti ni Niazz.
"Hindi talaga?" huling tanong ng dalaga. At sa huling tanong niyang iyon ay matigas pa rin ang ulo ng binata at pilit na pinipilit ang gustong gawin. Kaya't isang pulidong suntok mula kay Niazz ang kanyang natamo. At saka siya nawalan ng malay. Nagpaalam muna siya kay Mrs. Kwong na sang-ayon sa kanyang ginawa, saka umalis na.Sa paglalakad ni Niazz ay parang may kung sinong sumusunod sa kanya. Tanging hangin at mga dahong tuyo na natatapakan niya lamang ang kanyang naririnig. Hindi naman siya lasing kaya't minamanmanan niya ang bawat galaw ng mga sumusunod sa kanya. Hindi niya kailangang magpahalata, usal niya sa kanyang isip. Binilisan niya ang kanyang paglalakad. Ngunit sa bawat bilis niya, ay parang mas mabilis pa ang taong sumusunod sa kanya. Dun na siya kinabahan ng matindi. Tanging flashlight lang ang dala niya at supot ng grocery na binili nila kanina, kaya't baka siya'y mahirapan kung sugurin siya ng mga loko. Huminto siya sa paglalakad. Inikot ang mga mata. Pawisan. Kinakabahan. Nang may humawak sa kanyang balikat, na agad niya namang hinawak at inikot hanggang sa mapatumba niya ito. Pero dun siya nagkamali,dahil puppet lang iyon. At sa mabilis na paraan ay isang malakas na suntok ang nagpadilim sa kanyang paningin.