Chapter VII

8.8K 226 2
                                    

Japan

Nagising si Nisha dahil sa huni ng mga ibong narinig niya. Parang isang musika iyon sa kaniyang pandinig na kailanman ay hindi niya pa naranig. Nakaamoy pa ito ng mabangong halimuyak na para bang pinaliligiran siya ng mga sari-saring bulaklak. Napamulat siya ng mata at tumingin sa paligid. Nakabukas na ang mga kurtina, nagbabadyang pumasok sa silid ang magandang sikat ng araw. Bumangon siya at inamoy ang mga bulaklak na naka-dsiplay sa nakabukas na balkonahe. Napangiti siya nang matanaw ang mga makukulay na bulaklak sa labas at ang magandang tanawin.

"Good morning," napalingon siya sa lalaking pumasok at tumabi sa kaniya.

"Good morning, too. Kanina ka pa ba gising?" Tanong nito kay Eldian.

"Mmm. I cook for our breakfast," nakangiting sagot ng binata.

Napatitig siya sa gwapo nitong mukha. Bagong ligo ito at napalunok siya nang makitang naka-topless lang pala ito.

Mabilis na nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa ibaba. They were in Eldian's Condo in Japan. Nakiusap ang binata sa kaniya kahapon na huwag na muna silang uuwi sa pinas dahil kailangan pa nitong tapusin ang problema ng kompaniya nito. As she said 'okay', Eldian brought her to his condo and they will stay there for a mean time.

"Do you like here?" Kapagkuwan ay tanong ng binata.

She nodded.

Kahapon pa nga siya namangha nang todo sa ganda ng lugar, lalo na sa loob ng condo nito. Masasabi niyang ito ang typical place na gusto niya sa Japan.

"Yeah. Ang ganda nga rito, eh." nakangiting sagot niya.

She didn't notice that Eldian was staring at him. Kundi pa siya lumingon ay hindi niya ito mahuhuli.

"B-ba't ganiyan ka makatingin?" nauutal na tanong niya.

"I just can't stop myself from staring at your beautiful face." Malamlam ang boses na sagot ng binata.

Parang biglang tumalon ang puso niya dahil sa sinabi nito. Ramdam niyang namumula ang mga pisngi niya kaya mabilis na tumalikod siya.

"Hey! Where are you going?" Tanong sa kaniya ni Eldian.

"I want to take a bath first," she answered.

Mabilis na pumasok siya sa banyo at napahawak pa ito sa dibdib niya.

"Gosh! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?" Bulong niya bago naghubad ng damit at nagsimulang maligo.

Nang matapos ay lumabas na siya at wala na roon ang binata. Mabilis siyang nagbihis pagkatapos ay bumaba.

"Hey! Let's eat!" Nakangiting sabi ni Eldian nang maabutan niya ito sa kusina na naghahanda sa hapag kainan.

Pinaghila pa siya nito ng upuan kaya naupo siya. Natakam siya sa mga ulam na hinanda nito.

"Japanese foods!" Masayang bulalas nito na ikinatawa ni Eldian.

Magsasalita pa sana ang binata nang walang pasabing nilantakan niya ang mga pagkain.

Napanganga na lang ang binata sa kaniya na halos punong-puno na ang bibig pero subo pa rin ito nang subo.

"Mmm... ang sarap!"

"H-hey! Eat slowly," saway ng binata pero hindi ito nakinig.

ILS#2: His Intense Love Obsession (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon