Chapter V

8.7K 254 1
                                    

HANGGANG ngayon sariwa pa rin sa isip ni Nisha ang nangyari sa restaurant noong nakipagkita siya sa kahuli-hulihang lalaking makikita niya. Palag na palag siya sa parusa nito kung sakali mang ayaw niyang sundin ang gusto nito kapalit ng pagtanggap ng lalaki sa proposal ni Curt. Actually, p'wede naman siyang mag back-out, kaya lang, alam niyang hindi tatanggapin ni Eldian ang business proposal ni Curt kung mag-backout siya.

'And he won't let you anyway.'

Kontra ng kaniyang isip. Napairap na lang siya sa hangin habang buhat-buhat niya si Shuji dahil namamasyal sila sa Ayala Mall kasama ang kaibigang si Andrea Montebon.

"Aish! Nakakainis talaga ang singkit na iyon," naiinis na bulong niya.

Hindi kasi mawala sa kaniyang isip ang lalaki. Ilang araw na mula nang magkita sila. At nagtataka siya kung bakit hanggang ngayon hindi siya nito hinanap o utusan gaya ng sabi nito.

"Uy! Ayos ka lang? Ba't ka nakasimangot diyan?" Kinalabit siya ni Andrea.

Napahinga siya ng malalim at tumango. Inayos niyaang pagbuhat kay Shuji bago nagsalita.

"Ayos lang ako. Tara, ro'n tayo sa isang boutique," yaya niya sa kaibigan.

Nakangiting tumango na lang ang kaibigan bago sila pumasok sa may boutique ng mga damit. Namili sila ng damit para kay Shuji.

Mula nang makabalik sila sa pinas ay ngayon lang sila nakapag shopping. Nakipagkita na rin siya sa kaibigang busy sa pag-aalaga ng anak nito. Kinukulit pa nga siya ni Gayle kung ano ang nangyari three years ago.

"Nish! Ito, bagay 'to kay Shuji," nakangiting sabi ni Andrea.

Tiningnan niya ang damit at napangiti siya sabay tango. Namili pa sila ng iba hanggang sa matapos at pumasok sa isang coffee shop ng mall. Masyado pang maaga para mananghalian na sila.

"Oo nga pala, may lakad ako mamaya. P'wede bang pakibantayan si Shuji?" nagpapa-cute na baling niya sa kaibigan.

Napangiwi ang kaharap sabay tango bilang sagot dahilan para matawa siya.

"Pasalamat ka at ang cute niya. Hindi ko maayawan eh," saad ng kaibigan.

Nginitian niya lang ang kaibigan habang hinihintay ang kanilang order. Napatingin siya sa cellphone niya ng tumunog iyon.

Napakunot ang noo niya ng makitang unregistered ang number na nag-text sa kaniya.

"Sino naman 'to?" nakataas kilay na bulong niya bago binasa ang text.

'Come to my office now.'

Basa niya sa text. Mas lalong tumaas ang kilay niya bago nag-reply. 'Ayuko ko nga. At sino ka namang hudas ka?'
Reply niya at akmang ibaba iyon ng tumunog ulit.

'Tsk! Do you want me to tie you on my bed, nakedly?'

Basa niya sa text dahilan para mabilis na napatayo siya. Pati ang kaibigan niya ay nagtatakang napatingin sa kaniya.

'Eldian Karl Yoshiko!'

"Anyare sa 'yo?"

"Pinapapunta ako ng hudas sa office niya!" Mabilis na sagot niya sabay halik kay Shuji at sinukbit ang shoulder bag niya.

ILS#2: His Intense Love Obsession (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon