"Concern?.."

4.9K 53 4
                                    

Pagdating ko sa bahay.

"Kamusta naman ang araw mo?" bungad na tanong sakin ni nanay nita..

"Ok lang naman po ako nay! sige po, akyat na ako!.."

"Sige anak! para makapagpahinga ka na.."

kahit minsan, hindi ko na tinanong kung nasan si daddy kasi sanay naman na akong wala siya, si mommy naman nasa USA may mga business din siya na inaayos.

pagpasok ko sa kwarto deretso na agad ako sa paghiga. pero hindi ako talaga maalis si marco sa isip ko, ewan ko kung bakit pero, naeexcite na akong pumasok bukas para lang makita ko na siya. pero, di din matanggal sa isip ko ung mga nangyare sa araw na ito. hanggang sa, ayun! nakatulog na ako sa sobrang pagiisip. hindi na nga ako nakapagpalit ng damit eh, dala na rin siguro ng pagod ko.

---------------------------------------

Nagising na lang ako dahil sa tunog ng CP ko, mat tumatawag! sino kaya to.

*tooot!

"Hello?" medyo tunog inaantok pa ung boses ko..

"Ah! good morning! si Marco to!"

grabe! nagising ung diwa ko.

"Oh! Hello! Good Mrongin din! san mo nakuha itong number ko?"

"Sa damit mo, kasi nung pinunasan kita, may nahulog na papel. number mo pala.."

Ah! oo nga pala hindi ko pa pala kabisado tong number ko, kasi bago lang.

"ha? pinunasan? hi-hinubaran mo ako?" tanong ko.

"hindi! ay Oo! pero wag kang magalala wala nmn akong ginawa.."

"ok sige, bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko.

"ahm, gusto ko sana, sabay tayo pumasok, ok lang ba?"

"oo naman!"

"sige! magready kana tapos hihintayin kita sa LRT station.."

"Sige! bye! maliligo na ako!"

*binaba ung phone tapos pumunta sa CR.

Nakakaexcite, ewan ko ba kung bakit pero yun lang ung bagay na nasa isip ko nung naliligo ako, todo linis nga ako ng katawan eh! para di ako magmukang mabaho kapag nakita niya na ako..

pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit, dali-dali akong nagalmusal bago tuluyang umalis.

sumakay ako ng jeep, siyempre hindi ako mapakali sa loob ng jeep, pasulyap sulyap ako sa bintana kung malapit na ba ako sa LRT station.

*ung jeep nasa LRT station na.

pagdating ko dun sa LRT station, nagmadali akong umakyat sa hagdan, hinanap ko kasi siya agad.

kaso hindi ko siya makita, nasan kaya siya?... nagulat ako ng biglang may nangalabit..

"Ken!" sabi niya..

"Oh! hi Marco!." sabi ko.

"Tara na?" aya niya.

"S-Sige!"

pagsakay namin sa LRT, as usual puno siya, kaya nandun kami sa bandang pinto pareho, awkward! kaya hindi ako humaharap sakanya eh, nakaharap lang ako sa bintana habang nandun lang siya sa likod ko. pero dun sa repleksyon nung bintana, napansin kong nakatingin siya sakin! kaya ayun! todo iwas ako..

Out of conciousness, nagbreak ung train! kaya naout of balance ako, muntik na akong matumba, bigla niya akong inakap para maalalayan ako.. watda!

"Ok ka lang ba?" tanong niya.

"Oo!" sabay tindig ng matuwid kaso, nagblush ako eh, amputi ko pa naman sana hindi niya nahalata.

pero in fairness, ambango niya sobra! haay! ewan! nandun lang ako sa bintana sa may pinto habang hinihintay ung station na bababaan namin.

*toot!

ayun na! andito na pala kami!

pagbaba namin ng LRT, nagmadali na kaming naglakad papunta sa hintayan ng jeep kasi malelate na kami.

nauna kasi ako sakanya, nahihiya kasi ako. ayun so, pagtawid namin, nagulat ako kasi hinila niya ako papunta sakanya, nayakap niya ulit ako, grabe! quotang-quota na!.

"B-Bakit?" tanung ko.

"Magingat ka na! muntik ka nang masagasaan!" sabi niya, nagalit yata sakin.

"Ahm, sorry hindi ako tumitingin."

ewan ko ba! kung bakit wala akong paki sa paligid ko, iniisip ko kasi siya samantalang kasama ko lang naman siya, nako!

sumakay na kami sa jeep.

ambilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na yon habang umaandar ung jeep, tinitignan ko siya habang humahangin yung buhok niya. ilang beses niya din akong nahuli na tumitingin sakanya pero parang ok lang naman yon sakanya.

pagbaba namin sa jeep sa tapat ng school, naghiwalay agad kami ng daan kasi magkaiba kami ng room.

"Kita tayo mamaya.." sabi niya.

"Ok, sige."

habang naglalakad ako, napatingin ako sa 2nd floor nung building sa may gilid ko, andun si Yeoji, nakatingin sakin..

kaya iniwas ko nalang ung tingin ko sakanya, dumeretso na ako sa classroom...

World's Greatest Love: A Man love Man story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon