"Why can't i be the one?.."

4.1K 41 5
                                    

Pagdating nung Elevator sa 1st Floor, nakasalubong ko sa may bandang gate ng building si Mr. Colin.

"Good evening po sir!.." bati ko.

"Good evening din.." sabi niya.

tapos nun, umalis na ako para makauwi na agad ng bahay.

MARCO'S POV.

naiwan lang ako dun sa loob ng office ko na nagiisip habang naninigarilyo.

iniisip ko lahat ng may koneksyon samin ni Kenji, naguguluhan padin ako kung bakit ganun ung reaksyon niya nung gnawa ko sakanya yun, ganun na ba talaga katagal ung panahon at nagbago na yung nararamdaman niya sakin?

sabagay, 9 yrs ko siyang hindi nakita, 8 years naman siyang nagtatrabaho ng hindi ako iniisip, isama na natin ung taon ngayon, all in all 10 years na. nakakagulat na hindi nagbago yung nararamdaman ko sakanya, sana ganun din siya, pero sa sitwasyon ngayon, sobrang labo na mangyare yon.

habang nagiisip ako, binuksan ni colin ung pinto ng office ko tapos pumasok siya.

"Bakit nandito ka pa?" tanong niya.

"Wala lang, office ko naman to kaya may karapatan akong magstay.. ikaw? paano mo nalaman na nandito ako?"

"wala lang.... may itatanong ako.."

"ano?" sabi ko.

"Siya ba?"

"Sinong siya?" sabi ko.

"Si Kenji, Si kenji ba ung kinekwnto mo na kahit kaylan ay hinding hindi mo makakalimutan?" sabi niya.

"Oo.." sabi ko.

"Mahal mo ba siya?"

"Oo, alam mo naman yun diba?"

"Bakit ako hindi mo magawang mahalin?" tanong niya.

"Kasi mas mahal ko si Kenji."

"Ganon? sa loob ng 10 years na nalulungkot ka, ako yung nasa tabi mo.. why can't i be the one?" 

"Kasi nga mas mahal ko siya.. oo mahal din kita, pero hanggang sa pagkakaibigan lang.. may nangyare satin dati pero tapos na yon, lust lang yon pero hindi affection.." sabi ko.

natahimik siya.

"Sorry ah?" sabi ko.

"Hindi, wag ka nang magsorry, hindi mo naman kasalanan eh, bakit ko nga naman ipagpipilitan ung sarili ko sa taong may ayaw naman sakin, parang pinipilit ko lang ung sarili ko na bumili sa isang tindahan na sarado naman..." sabi niya.

di na ako sumagot.

"Tara na, sumabay kana sakin sa paguwi.." aya niya.

"Siguradong ayos lang?" tanong ko.

"Oo naman! kalimutan mo muna ung sinabi ko.."

"Sige.."

sumabay na ako sa paguwi nya..

---------------------------------------------------------------------

World's Greatest Love: A Man love Man story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon