Ilang araw silang hindi nag-usap ni Albert dahil sa nangyari. Iniiwasan siya nito tuwing gusto niyang makipag-usap kaya hinayaan niya na lang at hindi na ito ipinilit pang kausapin.
Dahil sa pag-iwas nito, ilang araw na rin siyang walang katabi kumain, walang katabi matulog at walang makausap. Parang bumalik siya sa panahon noong mga unang linggo nang namatay ito.
Hindi pa naman matagal na panahon ang nakalilipas noong nakita niya mismo sa kaniyang harapan kung paano bawian ng buhay ang kaniyang pinakamamahal na asawa pero tila'y nakalimutan niya ng patay na talaga ito dahil lagi pa ring nasa tabi niya si Albert.
Kaya ngayong bumalik na sila sa dati, na siya na lang mag-isa, yung puwang na unti-unting napunan ng presensya ng kaniyang patay na asawa ay wala na ulit laman. She feel sad, she's in pain, she feel empty. Parang tumigil na naman sa takbo ang kaniyang buhay.
Nakakapagpatuloy lang siya kahit papaano dahil araw-araw bumibisita sa bahay nila si Anthony simulan no'ng pangyayari sa grocery. Kinakausap siya nito para tanungin kung kamusta na ba siya...sila ni Albert.
Funny, isn't? Kung sino pang puno't dulo ng lahat ng 'to, ito pa ang nasa kaniyang tabi ngayong pakiramdam niya'y wala na naman siyang kasama.
She feels relieved and at the same time grateful because no matter what she said to him and to her sister way back when she was painfully grieving for her deceased husband, he let it pass, and now, he's the only one who she can share her pain with.
She thought maybe he was doing this because of his conscience, but it doesn't change that he's here.
-------------------
Pumasok siya sa kwarto para magpa-alam kay Albert na papasok na siya sa trabaho.
Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya ang lalaki na nakaupo sa kama nila habang nakatitig sa hawak nitong wedding photo nila na nakalagay sa kulay puting picture frame. Nakatalikod ito mula sa pinto kaya hindi niya makita ang itsura nito.
Ayaw niyang istorbohin ng matagal si Albert kaya nagpaalam na lang agad siya. "Albert, papasok na'ko sa trabaho. See you later." Pinihit niya ang siradora ng pinto para lumabas na uli pero natigilan siya dahil sa pagtawag ng lalaki.
"Keith"
Nilingon niya ang lalaki at nakita niya ang di maipaliwanag na ekspresyon nito.
"Bakit?"
Pumikit ito ng mariin at ikinuyom ang mga palad bago siya tiningnan. "I can't shed tears anymore" emosyonal na sabi nito.
Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan nito at umupo rin sa kama. "Ano? Anong hindi ka na naluluha?"
"I...I was staring at our wedding photo. Nakatingin ako kanina pa, nalungkot ako. Nasasaktan ako kapag nakikita ko yung picture pero...p-pero wala. Walang luha, hindi na ako maka-iyak. Gusto kong umiyak pero walang tumutulo." Tumigil ito saglit atsaka nagpatuloy. "Gusto kitang hawakan pero hindi ko magawa. Gusto kitang sabayan kumain, matulog, magtrabaho pero hindi ko na kaya. Gusto kitang mahalin...katulad ng dati. Pero paano ko 'yon magagawa kung pati simpleng paghalik hindi ko na maibigay. I know we don't need to touch each other to feel love pero dahil din doon, nagsy-sync in lalo sa akin na buhay ka pa at patay na'ko. Ansakit...mahal na mahal kita Keith. Sobra-sobra."
She was lost for words because of what he blurted out. Akala niya siya lang ang nalulungkot, hindi niya naisip na mas mabigat ang nararamdaman nito.
Yayakapin niya sana ang lalaki para pakalmahin at sabihing okay lang ang lahat pero bigla siyang tumagos dito na nagpatulala sa kaniya ng ilang segundo bago siya binalot ng samu't saring emosyon.
BINABASA MO ANG
Fragment of Phantasm (COMPLETED)
Short Story◂ A short story ▸ What would you do if the one who caused you to lose everything is the same one who gave you everything back? Will you accept the gift, or will you remain in the realm where grief and despair lurk? Date Published [Started]: May 28...