Return

22 5 0
                                    

"Keith, gising na. Love may pasok ka pa sa trabaho. Pstt, tanghali na."

Naalimpungatan siya dahil sa pamilyar na boses na kaniyang naririnig. Pinilit niyang imulat ang mata kahit ayaw niya pang bumangon sa higaan.

Muntik niya nang mahigit ang kaniyang hininga noong nakita niya ang nakangiting mukha ng asawa sa harapan ng kaniyang mukha.

"AHHHHHHH" hindi niya naiwasang mapasigaw sa sobrang pagkabigla. Napatalon pa siya pababa sa kaniyang hinihigaan at nagmamadaling dumampot ng pang-hampas.

"Sino ka?" tanong niya sa lalaking kamukhang-kamukha ng kaniyang asawa habang iwinawasiwas niya harapan ang dala niyang pamalo.

"Ilang linggo mo lang akong hindi nakita, hindi mo na alam pangalan ng asawa mo." nakangiti pa ring sabi nito.

"Patay na ang asawa ko" agad niyang sabi.

Umayos ito ng tayo noong narinig ang kaniyang tinuran. Tinalikuran siya ng lalaki at pumunta sa harap ng bintana. "Keith, natatandaan mo pa ba noong una tayong nagkakilala sa harap ng presinto na pinapasukan ko? Haha, you were shouting at the molester who, you claimed, assaulted your friend. Tandang-tanda ko pa no'ng binuhos mo sa lalaki yung kape na katitimpla ko lang. Meron pa, there's this one time na sinabi mong hindi mo ako sasagutin kapag hindi ko pinahawak sayo ang baril ko. And you turned red as a tomato when I asked what gun of mine you were referring to. Oh, when you and I got married, you wanted me to wear my uniform at the church because you want to brag to your friends and family that you have a handsome policeman as your groom. Also-"

Hindi niya na narinig ang susunod pang mga sinabi nito dahil bigla siyang nabingi. Nanlabo ang kaniyang paningin dahil sa luhang tuloy-tuloy na umaagos mula rito. Itinungkod niya sa sahig ang pang hampas na kinuha niya kanina dahil nararamdaman niyang ano mang segundo ay bibigay na ang kaniyang binti.

Kahit nanlalabo ang paningin, pinilit niyang maaninag ang lalaki na nagkukwento habang nakatayo sa harap ng bintana. Albert! Albert! Albert! Tawag niya rito ngunit parang may bikig sa kaniyang lalamunan kaya walang lumalabas na boses mula roon.

Lumakad siya sa kinaroroonan ng lalaki at akmang yayakapin ito ngunit tumagos siya sa katawan nito na nagpasalampak sa kaniya sa sahig. Hindi siya gumalaw sa kinauupuan, wala sa sariling nakatitig lang siya sa sahig at sa mga paa na nasa kaniyang harapan. Sinubukan niyang hawakan ang mga ito ngunit tumagos pa rin ang kaniyang kamay.

Nanlulumo siyang napapapikit ng mariin na nagparagasa pa lalo sa luha niya.

Am I hallucinating right now?

"You are not hallucinating" napataas siya ng tingin sa nagsalita.

Sinuri niya ng matagal ang itsura nito. He look so real.

"Then, are you real?" tanong niya.

"Yes," he answered without hesitation.

"But I saw you died, paano ka naging totoo? Isn't this a hallucination?"

"No, I'm real. Pwede mo akong kausapin, pwede mo akong makatabi pero hindi mo ako pwedeng hawakan."

"But...how?!" naguguluhan siya sa sinasabi nito.

Umupo rin ito sa harapan niya bago sumagot. "I told you to wait for me, right? You know that I don't break promises so here I am."

"Pero, p-pero...nakita kita. I saw how you bleed and took your last breath. I saw your cold body lying inside the coffin. I saw you slept with no chance of waking up. You already leave me...very miserably... Kaya paano kang nandirito ngayon?"

Fragment of Phantasm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon