The You I Once Have

16 4 0
                                    

If someone were to ask him if he resent Anthony for accidentally killing him...Yes he did. He resented him too much to the point he want Anthony dead instead of him lalo na nong nakita niya mismo sa kaniyang harapan kung paano siya unti-unting napapalitan nito bilang kabiyak ni Keith.

Sobrang sakit, para siyang pinapatay ulit sa tuwing dinadaanan na lang siya ng tingin ni Keith dahil ang buong atensyon nito ay napunta na kay Anthony.

Ilang taon siyang nanatili sa tabi ni Keith para siguraduhing magiging maayos ito pero hindi niya inasahan na makikita niya rin mismo kung paano nagmahal uli ang babaeng mahal niya.

Nakita niya kung paano bumalik ang dating masiglang Keith bago siya mamatay. Naibalik ni Anthony ang ngiti at saya nito na nawala dahil sa kaniya. 

Nang sinabi niya na dapat sundan ni Keith si Anthony sa airport ilang taon na ang nakakaraan, hiniling niya sa sarili na sana hindi ito gawin ng babae. Habang humahangos ito na magbihis para makapunta lang kay Anthony, hinihiling niya na sana magbago ang isip nito at manatili na lang sa kaniyang tabi. But, the moment Keith leave their house without looking back, he knew, talo na siya. Alam niyang hindi na sa direksyon niya nakatingin ito. Alam niyang sa ibang tao na 'to tatakbo at yayakap. Hindi na siya ang taong makakasama nito sa mga susunod na oras, araw, buwan, o taon. Siya na lang ang natira rito pero wala na si Keith sa kaniya. He will  be always by her side while she will, until her last breath, remain in Anthony's.

Masakit isipin at lalong lalo na makitang may kasama na itong iba pero napapalitan lahat ng kalungkutan na nararamdaman niya ng tuwa tuwing nakikita niya ito na masaya at puno ng buhay habang kasama ang lalaking katabi nitong sumumpa sa harap ng altar sa pangalawa nitong pagkakataon.

After all those years of watching them flourish in their love that begins from hatred, he's now certain that his place is now finally replaced with Anthony—wala ng puwang para makasingit siya.

Masaya siyang nakatingin sa pigura ni Keith, Anthony, at ang dalawa nitong anak habang naglalaro sa buhanginan ng beach kung nasaan sila ngayon. Nagtatawanan ang mga ito habang bumubuo ng sand castle malapit sa tubig. Nawala lang ang kaniyang atensyon sa mga ito ng may yumakap sa kaniyang likuran.

For some reason that he could somewhat explain, ang batang nakayakap sa kaniya ngayon ang isa sa tatlong tao na nakakakita at nakakahawak sa kaniya, Kieth and Anthony are not one of those three. The last time Keith was able to see him was the day when she went to the airport. After that, both she and Anthony lose their ability to see him. 

When they realized that they can no longer see him, both of them frantically looked at every nook and cranny where he might be but disappointingly, they cannot see nor hear him even though he was by their side all the time—truly ironic.

"Daddy, daddy, daddy. Bakit 'di mo po ako pinapansin?" nakangusong tanong ng bata sa kaniya na ikinatawa niya dahil nakikita niya ang itsura niya rito noong bata pa siya. Well, gano'n talaga kapag pogi. Malakas ang dugo. Pagyayabang niya sa isip.

"Daddy, nakangiti ka na naman po mag-isa. Iniisip mo na naman kung gaano ka kapogi no? Tama nga si Mommy, feeling po talaga kayo." sabi ng anak niyang mas tumulis na ang nguso kaysa kanina. Kinurot niya ang pisngi nito at ginulo ang buhok.

Yes, Aaron—his son. Anak nila ni Keith.

Sa pinakahindi inaasahang paraan pa nila nalaman na buntis si Keith, 9 years ago. Nang pumunta ito sa airport para habulin ang papaalis na si Anthony, bigla itong nahimatay sa harapan ng lalaki kaya agad isinugod sa ospital. Doon nalaman na nahimatay ito sa sobrang stress due to pregnancy. Gulat na gulat si Keith dahil sa nalaman lalo na noong sinabi na 7 months pregnant na siya. She never imagine that she's pregnant at that moment kasi hindi rin halata sa tiyan nito. Mukha lang itong madaming nakain kaya never sumanggi sa isip ni Keith ang posibilidad na buntis ito. Nevetheless, natuwa ito sa balitang buntis siya sa anak nilang dalawa and Anthony gladly accept the child as his on behalf of him.

Fragment of Phantasm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon