II

5.8K 100 7
                                    

[Saint's POV]

"Excuse me, ikaw ba si Saint, 3rd Year Law Student?" 

Habang abala akong nag-aaral dito sa library, ay bigla nalang may lumapit  saaking isang babae. Wala akong ideya kung sino sya, kaya naman ibinaba ko ang aking tingin sa kanyang id na naka pin sa laylayan ng kanyang blouse - hindi sya law student.

"Yes, ako nga. May kailangan ka?"

"Ako nga pala si Abby, 3rd Year Broadcasting major and writer sa university paper. Pasensya ka na sa pang iisturbo ko, pero may nakapagsabi kasi saakin na magkakilala daw kayo ni First. Yung team captain ng basketball team from Faculty of Economics"

"Si First? O-Oo, kilala ko sya. At sa tingin ko, kilala din sya ng lahat" nangingiti kong sagot sakanya, habang napapailing naman sya sa sagot kong pabalang.

"No, what I mean is--- Na kung  magkaibigan kayo---- yung alam mo ang schedule nya, nakakausap mo sya, something like that"

Hindi ko alam  pero awkward ang pakiramdam ko sa mga tanong nya. At tsaka, pwede naman syang dumiretso kay First o sino man sa mga ka-teammates nito kung sakaling may kailangan nga sya sakanya. Bakit kailangan pa nyang dumaan at magtanong saakin?

"Pasensya ka na, kung sayo ako lumapit. Kailangan lang kasi naming makausap si First ngayon, nangako sya saamin ng isang interview after namin pagbigyan ang request nya. Pero pagkatapos naming magawa ang favor na hiningi nya, ay hindi na namin sya nakita o makontak. Hindi tuloy namin ma-umpisahan ang interview. Pasenya ka na, beating the deadline na talaga kami, tapos na inform na din namin ang project na 'to sa Head Editor, kaya kailangang maituloy namjn ito. Kaya, hihingi sana ako ng favor sayo, pwede mo bang matawagan si First sa personal number nya para makausap ko, magkaibigan naman kayo diba?"

"Magkaibigan?"

Sa haba ng kanyang mga sinabi, yan lang ang salitang naintindihan ko sa lahat. Napapailing nalang ako, habang napapangiti sa kanyang mga sinabi. Tama nga naman sya magkaibigan kami ni First, pero kung nakakausap? Nakikipag-usap lang naman sya saakin pag malapit na ang mga deadline.

.
.
.
.
.

Ilang taon na kaming magkaibigan ni First, nasa  highschool palang ay magkaklase na kami. Marami na kaming kalokohan, asaran, katuwaan na pinagsamahan. Isama pa natin ang mga iyakan moment, at pati nadin ang kanyang first heart-break ay magkasama kami. Madalas pa nga akong pagtawanan at pag-usapan noon dahil parati akong nakabuntot kay First - ang tawag pa nga nila saakin ay Mr. Alalay. Kaya naman pag hindi ko nakakasama si First ay na bu-bully ako. Dahil masakit daw sa matang makita na nakikipag kaibigan ang number player ng school sa isang nerdy student na katulad ko. Pero kahit ganun, hindi sumagi sa aking isipan na dumistansya kay First. Dahil ang hindi alam ng lahat ay ako mismo ang tumutulong sakanya. Sabihin na nating si First talaga ang may kailangan saakin at hindi ako.

Hindi naman sa pagmamayabang pero parati akong nasa honor list, hindi katulad ng kaibigan kong 'yun na parating nasa bokya list. Pumapasa na lamang sya dahil laging dinadahilan ang pagiging good athlete nya. Si First, ang team captain ng basketball team noong nasa junior at senior highschool palang kame. Kaya naman ngayong nasa college na, nakuha nya ang inaasam asam ng lahat - ang pagiging team captain ng kilalang basketball team ng university.

Si First lang naman ang basketball team captain ng Faculty of Economics - at ang team lang naman nila ang nagbigay sa university ng 3-consecutive championship trophy at sya din ang hinirang na MVP sa dalawang magkasunod na taon ng National Sports League.

Hindi ko din maisip kung paano na ang isang popular team captain na kagaya ni First ay kaibigan ng isang nerdy Law student na kagaya ko.

Everything was fine sa pagkakaibigan namin hanggang sa makatungtong kami ng 2nd year college. Dahil sa hectic ng schedule, bihira nalang kaming magkasama, magkita at mag usap. Pero bilang isang tapat nyang kaibigan, nakaisip ako ng paraan para magkaroon sya ng dahilan para makipagkita saakin at magkausap pa din kami. I volunteer as his personal na taga gawa ng kanyang school requirements. Kung dati nahihirapan na syang pagsabayin ang basketball at ang pag aaral, 'edi lalo na ngayong nasa college na kami. Kaya bilang isang tunay na kaibigan, ito ang naisip kong paraan para matulungan na din sya.

Umbrella Love [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now