V

2K 54 0
                                    

Dati dati kapag ganitong malakas ang ulan ay mabilis akomg naglalakad dahil ayaw kong mabasa. Pero ngayon, ewan ko ba, para bang gusto ko pang bagalan ang aking paghakbang para mas matagal pa kamjng magkasama ni Perth.

"Saint--- ahm--- pwede ba akong magtanong sayo?"

"Bakit biglang naging formal ka yata? lahat naman pwede mong itanong" nagingiti ko namang sagot.

"Can you be my boyfriend?"

"Huh? B-boyfriend?" Wala naman akong kinakain pero para bang may biglang bumara sa aking lalamunan. Halos hindi ko maisip kung anong dapat na isagot sa kanyang tanong. "Joke ba yan? Hindi nakakatuwa?" dugtong ko pang salita, ngunit nasa malayo ang aking tingin.

"Sinong may sabing nagbibiro ako?" mabilis nyang sagot, kasabay ng kanyang paghawak sa aking mukha, at tiningnan ako diretso sa mata. "Alam mo namang gusto kita,'diba?"

Mas lalong lumakas pa ang kabog ng aking puso na para bang gusto ng kumawala sa aking katawan, hindi ko inaasahang dito nya ako tatanungin - dito sa gilid ng daan habang bumabagsak ang ulan. Ilang segundo din akong napatingin sa kanyang mga mata, nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanyang buong mukha.

Sino bang hindi magkakagusto sa isang Perth Tanapon. Bukod sa kanyang maamong mukha, ay talaga namang magaling pagdating sa acads. Hindi lang yun, hilig nya din ang musika - maganda ang boses at marunog tumugtog ng gitara. Idagdag ko pa ang pagiging mabait, maalalahanin at natural na masayahin. Pero paano kung-----

"Saint? Ok ka lang? Sorry kung nabigla ka sa tanong ko. Kalimutan mo na lang yun" nangingiti nyang salita, kasabay ng pag kamot nya sa kanyang buhok.

"Pasensya ka na, pero sabihin mo nga---- totoo ba talaga 'to o panaginip lang? sigurado ka ba talaga? O baka naman naaawa ka lang saakin? Hindi mo ba naisip na---- na baka--- pag-usapan ka, tayo sa university, baka kung ano nalang ang sasabihin nila tungkol saiyo. Baka dahil saakin masira ka" unti unti na akong napapayuko habang nagsasalita, hindi ko na mapigil ang aking sarili na sabihin ang aking mga kinatatakot at alalahanin.

Pagtapos kumalat ng video tungkol sa pag-confess ko ng aking feelings para kay First ay bigla nalang akong naging papular sa campus. Pero hindi bilang magaling ng law student kung hindi, isang estudyanteng lalaki na nagkakagusto sa Team Captain ng sikat na basketball team ng university pero binasted at kung ano ano pa.

Ayokong maulit ulit yun, hindi dahil magiging laman na naman ako ng usap usapan, dahil kung hindi ay ayokong si Perth naman ang husgahan nila ng ganun- ganun lang.

Ngunit imbes na makarinig ng mga salita ay isang yakap ang nakuha ko mula kay Perth - isang mahigpit na yakap na nagpagaan sa aking nararamdam.

"Tandaan mo 'to Saint, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao saakin. Pagtawanan o gawan man nila ako ng kwento ayos lang, tawagin man nilang bakla o ano 'man, ayos lang. Dahil kilala ko ang sarili ko at handa akong magpatawag ng bakla para lang sayo. Ang ayaw ko lang na mangyari ay masaktan ka dahil saakin. Gusto ko lang na malaman mo na totoo ang nararamdaman ko para sayo, kung hindi mo pa ako kayang pagkatiwalaan ngayon, ay ayos lang saakin. Mag-aantay ako" bulong nya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa bawat salitang binibitawan ni Perth. Sa bawat salita ay nakakaramdam ako ng kakaibang saya na umiikot sa aking buong katawan. Gusto ko na din ba sya? Napalitan nya na nga ba si First sa puso ko? Hindi naman mahirap mahalin si Perth, sa totoo nga nyan marami ako kilalang may gusto sakanya, pero bakit nagdadalawang isip pa din ako? Natatakot ako, hindi para sa saakin kung hindi para sakanya. Naranasan ko kung gaano kasakit mahusgahan ng mga taong hindi ka naman kilala, kaya naman bilang kaibigan nya ayaw ko syang malagay sa ganung sitwasyon

Umbrella Love [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now