VI

2.7K 85 35
                                    

Napahinto nalang ako ng mapansin kong may kung sinong nakatayo sa aking harapan. Dahan dahan kong inangat ang aking tingin para makita kung sino ito, ngunit imbes na magsalita ay napa-atras ako ng ilang hakbang sa pagkabigla.

"F-First? M-may kailangan ka ba?" nauutal kong pagsasalita.

Ewan ko ba kung anong nangyari saakin, dahil hindi lang basta pagkabila ang nararamdaman ko ngayon kung hindi takot. Takot na baka may gawin ulit sya saakin.

"Saint, k-kasi ano e---- ahm---- busy ka ba?"

Si Perth ang gusto kong makita at makausap, pero bakit si First ang nandito ngayon. At bakit kailangan nya pa akong yayain na sumama sakanya? Prank ba 'to? may gagawin na naman ba sya saakin? Matagal kaming naging magkaibigan ni First, pero hindi pala nasusukat sa kung ilang taon kayo magkakilala para matawag mong kaibigan ang isang tao. Dahil sa nangyaring yun, ang pagiging magkakilala ang pagiging makaibigan naming dalawa ay nagkaroon na ng pagdududa at pag-aalinlangan. Na mukhang hindi na na maiaayos pa.

"Saint? Ok lang bang mag-usap tayo?"

"A...E... Balita ko, may incoming assessment ang mga Economics student. I-send mo nalang saakin via email yung instruction and coverage, para matulungan kita" salita ko, ngunit naka distansya pa din sakanya.

"Thank you sa concern mo saakin, thank you. Pero hindi ito tungkol sa assesment, gusto kitang makausap dahil gusto kong mag-sorry sayo. Sorry, Saint"

Tama ba ang rinig ko? Sorry?

Para akong natulala sa sinabing iyun ni First. Kailan ba sya huling nag-sorry saakin? Ay mali, wala pang bagay ang inihingi ni First ng sorry saakin na ganito sya ka-sincere. Hindi ko maintindihan pero sa isang kisap mata, ang nakikita kong First ngayon ay ang First na minahal ko noon, ang dating First na kaibigan ko noong nasa highschool palang kami, ang bestfriend kong si First.

Ilang minuto din kaming nakapag-usap - nag-usap kami ng tulad ng dati, nag-usap kami bilang isang magkaibigan, nagbibiruan at nagtatawanan. At aaminin ko namiss ko ang ganito, namiss ko syang maka-usap ng ganun. Sa maikling oras ay naipaliwanag namin sa isa't-isa ang mga bagay bagay, at masaya akong nagkaintindihan din kami.

"Pwede bang maging magkaibigan pa din tayo?" salita nya, kasabay ng pag-abot ng kanyang kamay para makipag-kamay.

"Matagal na tayong magkaibigan First, at hindi magbabago yun. Kilala mo ako, tawagan mo lang ako pag may kailangan ka" nakangiti kong sagot sakanya, kasabay ng pag-abot ko sa kanyang pakikipag kamay.

Ang saya sa pakiramdam. Kahit hindi man nauwi sa ginusto kong ending ang kwento namin ni First, atleast hindi ako nawalan ng kaibigan. Nagkaroon man kami ng malaking hindi pagkakaintindihan, mabuti nalang at nagkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap ng ganito. Masaya ako dahil hindi nya pa din kinalimutan ang samahan namin noon hanggang ngayon.

"Nga pala, Saint. Pag pinaiyak ka nya, isumbong mo saakin. Huwag kang mag-aalinlangang magsabi saakin, ok?"

"Huh? Ako? Pinaiyak ako? Nino naman?"

Ngunit imbes na sagutin ang tanong ko ay ngumiti nalang si First at naglakad na paalis, habang kinakaway ang kanyang kamay sa hangin. Samantalang ako ito naiwang nakangiti nalang, habang nagtataka pa din sa kanyang mga sinabi.

"Tsk! Ano yun? Feeling nya ba cool syang tingnan ng ganun?"

Hindi ko naitago ang aking pagkagulat ng biglang may kung sinong nagsalita mula sa aking likuran.

"Ay Sh*t! Si------- Perth? Bakit ka ba kasi nanggugulat?"

"Sa sobrang concentrate mo sakanya, hindi mo na namalayang nandito na ako. Ganyan ka ba talaga ka focus pagdating sakanya?" salita ni Perth habang nakahaba ang kanyang nguso na parang isang bata.

Umbrella Love [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now