1 KABANATA

194 9 4
                                    

Daphne's P.O.V



"CLEMENTINE DAPHNE LOPEZ!! NAMAMAOS NA ANG MANOK KAKAGISING SA'YO HINDI KA PARIN GUMAGALAW DIYAN SA HIGAAN MO?! GUSTO MO BANG SABUYAN KITA NG IHI GALING SA ARINOLA KO?!"

Umikot ako sa kabilang parte ng kama ko at tinakpan ng unan ang tenga ko at nagkumot. Kay sarap matulog e ginigising na kaagad ako? Ano bang meron at parang atat na atat ata ang aking ina na gisingin ako?.

"CLEMENTINE DAPHNE LOPEZ!! BABANGON KABA O BABANGON KA?!"

Mas lalo ko pang diniinan ang pagkakatakip ng unan sa tenga ko na pakiramdam ko ay dumudugo na kakatalak ng aking ina.

"CLEMENTINE DAPHNE LOPEZ!!! BABANGON..."

"OPOOO!! ETO NA'PO OH? BUMABANGON NA. ETO NA!" Inis na sigaw ko pabalik.

"Ay kabayong manok!" Gulat kung sigaw dahil pabagsak na bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa noon ni Mama na kunot noo at umuusok ang ilong sa inis.

"Bilisan mo diyan at baka nakakalimutan mong unang araw ng pasok mo ngayon?!" Pasinghal na sabi niya saaken. Kaya napakamot nalang ako ng ulo ko ng maalala kong tama pala si Mama.

"Opo" Bagot kung sagot at hinablot ang tuwalya ko na nakasabit sa gilid at deretsong pumasok sa banyo ko.

"Daphne, Siguraduhin mong maayos at presentable at pambabae naman ang suotin mo!" Dinig ko pang sabi ni Mama at tumango ako sa loob ng banyo at alam kong hindi niya nakita.

"NAKIKINIG KABANG BATA KA?!" Napaiktad naman ako sa lakas ng boses ni Mama. Nasapo ko ang dibdib ko sa gulat.

"Opo! Aishh!" Inis na sigaw ko pabalik. "Siguraduhin mo lang" dinig ko pa ang pagbabanta niya.

Napapikit ako at nagsimula ng maligo. Mga thirty minutes lang akong naligo dahil nagmamadali ako. Kadalasan kasi isang oras talaga akong naliligo, pero dahil sa klase ay kailangan ng madaliin.

Inis akong lumabas ng banyo ko habang nakatapis ng tuwalya at dumeretso sa cabinet ko.

Ano kaya ang idadamit ko ngayon? Napangiwe ako ng mahagip ng paningin ko ang bestida na naka hanger. Sa inis ko ay kinuha ko ito at nilukot sabay bato sa basurahan ng kwarto ko.

"Boom, Three points para sa gwapong tulad ko." Nakangiseng bulong ko at nahagip ng paningin ang isang pantalon at T-shirt. Napangise ako. Hindi naman siguro magagalit ang aking Ina pag nakita niyang ito ang susuotin ko hindi ba?. Beside civillian naman ngayon dahil first day, Two weeks naman ang civillian days namin. So kahit mag bikini kapa diyan o magkapa walang sasaway sa'yo.

Sinuot ko iyon at kinuha ang sapatos kung nike sa gilid at sinuot sabay hablot ng baseball cap ko at bag sabay takbo pa baba at pumuntang kusina. Naabutan kung kumakain na sina kuya at Ate habang si Mama ay busy sa pagluluto ng pancake.

Naibuga ni ate ang iniinom na gatas at nabitin ni kuya ang pandesal na sanay isusubo niya sana. Parang nagslow-mo naman ang paglipad ng pancake dahil nanlalake ang mata ni Mama na nakatingin saaken. Habang si Papa na nagbabasa ng dyaryo ay naibaba at nanlalakeng nakatingin saaken.

"What's with that outfit?" Ate

"Ang astig mo diyan, bunso." Kuya

"Tarantado ka talagang bata ka! Diba sabi ko maayos at pambabae?."  Mama

"Anak gamitin mo 'yong perfume ko, mabango 'yon." Papa

Napa face-palm nalang ako dahil sa komento ng pamilya ko. Sabihin niyo matino paba ang pamilyang kinalakihan ko?.

Hindi na ako nagsalita at kumuha ng kape ng sawayin ako ni Mama.

"Ano ka matanda? Yung gatas ang inomin mo! Na iis-stress ako sa'yo Daphne! Na'ko sinasabi ko sa'yo umayos ka! Dalawa ang babae kong anak ha? Hindi dalawa!" Sigaw niya at tinapik ang kamay kung kukuha na sana ng tasa ng kape. Napabusangot ang mukha ko at isang lagok na ininom ang gatas kahit nandidiri ako.  Parang hindi pumapasok ang gatas sa tiyan ko kasi.

"Hay nako, Mama! Nagulat kapa? Kung hindi mo sana napaglihian ang pinsan mong tomboy hindi naging ganiyan yan." Bigla ay singit ni Ate at napangiwe pa ng napatingin saaken. Napairap nalang ako.

Sa inis ko ay nilamon ko ang pancake at pandesal sabay inom ng juice at tumayo na at bumalik sa kwarto ko at nagsipilyo at bumaba ulit at bumalik sa kusina.

"Ma, Pa, Ate, Kuya. Alis na'ko. Don't worry uuwi kaagad ako ng maaga at baka ipahanap niyo na naman ako sa barangay tanod!" Nakangiseng sabi ko and I wave my hands at tumakbo papalabas ng bahay. Napasulyap pa ako sa motor kong nasa garahe na hindi ko pa pwedeng gamitin dahil napagtripan iyan noong nakaraan. Napangise ako. Mamaya ka sa'ken hayop ka. Tatamaan ka sa'ken.

Seducing That LesbianWhere stories live. Discover now