3 KABANATA

62 5 0
                                    

Daphne's P.O.V

Dumeretso na ako ng room ko dahil alam kung malapit na namang mag time.

Naabutan ko sa room ang ilang mga classmates ko simula nung mag sembreak kami.

"Hi everyone! Nagbabalik ang gwapong ako!!" I shouted ang greet them with a warm smile.

Sabay sabay silang napatingin sa pwesto ko at ngumite din.

"Si Daphne"

"Gosh! Ang cutee!"

"Crush ko talaga siya"

Napatingin ako sa banda ni Iza dahil sa sinabi niya nang magtagpo ang mga paningin namin ay kinindatan ko siya kapa impit na tumili. See? No sweat magpakilig.

"Clementina!" Napabugnot kaagad ang mukha ko ng mapalingon ako sa direksiyon ng mga kaibigan ko. Inis akong pumunta sa pwesto namin at pabagsak na umupo.

"Clementine, Hindi Clementina. Antonita! " Pang-iinis ko sa totoong pangalan niya.

"Gago ka talaga!" Inis na sabi niya at sinapak ang balikat ko.

"Oy, tigilan niyo na'yan." Suway saamin ni Alexandra---Alex for short. At dahil short naman talaga siya, I mean her height. By the way kami pala ang sikat na grupo dito sa campus. Tinatawag kaming 'Red Horse'. Seryoso, Si Katy Perry kase 'Dark Horse' Si Taylor Swift naman 'White Horse' Kaya naisip namin na gawan ng Philippine version, kaya doon nabuo ang Red Horse. Astig diba?.

"Kamusta ang break, Alexandra?" Tanong ko sa kaniya. Inis naman niya akong tinignan. "Ayun. Muntik ko ng masunog ang kusina dahil pinilit ako ni Mama na magluto." Inis na inis na sagot niya.

"E, Ikaw Antonita?" Tanong ko sa isang tomboy sa tabi ko.

"As usual, Kinulong na naman ako ni Daddy sa loob ng library niya at tinambakan ng sako-sakong libro." Nakabusangot ang mukha niya na parang naaalala niya pa ang mga nangyare na kung tutuusin ang hayahay ng buhay nila. Luto? Basa? Sus.

"Ikaw, Clementine?" Tanong saaken ni Antonita. I shrugged. "Well pinilit ipag-shopping ni Mommy at pinilit pasuotin ng mga revealing dresses. Yuck! Kadiri" umakto pa akong nasusuka kaya sabay nila akong binatukan.

"Grabe supportive ni Tita ah"

"Subra talaga promise" Sarkastikong sagot ko sa kanilang dalawa at dumukdok sa desk ko. Heck naman eh. Kulang talaga ako sa tulog, may ginawa kasi ako kagabi. Nag search ako tungkol sa Law, balak ko kasing kuhanin ang pagiging abugago este Law Course. Medyo thrill kasi siya at gusto kung mag-aral ng mga batas para naman malaman ko kung may batas ba na kailangang maaga dapat gumising araw-araw at laging ginagawa ni Mama 'yon saaken.

"Good Morning Class!" Ang masungit na boses pero nakangite naming Room Adviser ay nasa harapan namin ngayon. Todo smile pa nga e. No wonder may ginawa 'tong kakaiba kagabi. You know marami akong sideline kaya marami akong nalalaman. Secret Agent yata ako 'no.

"Good morning, Ma'am" hyper na sagot din namin pabalik sa kaniya.

Ibinaba niya ang mga libro niya at hawak niya nalang ngayon ang paburito niyang ballpen.

"May bago kayong ka-klase"

Napakunot ang noo ko at namutawi ang bulungan sa loob ng room.

"Third sem na ah?"

"Tumatanggap pa pala ang school ng transferre ngayon?"

"Gosh! Unfair! Last year bawal 'yan ah."

Hindi ko naman sila masisisi kung bakit. Last year may gustong magtransfer dito at bali-balita na hindi pinayagan ng school kasi Third Sem na kaya nakapagtataka.

"Mr. Ayala, Please come in" Nakangiteng sabi ni Ma'am kaya pumasok ang isang matangkad na lalake. Maputi, Singkit, Matangos ang ilong, Mapupulang labi----in short gwapo. Not interested mas trip ko pa si Ma'am kaya yumuko nalang ako.

"Ay puta! Clementina! Sa'yo ata nakatingin" Kalabit saaken ni Antonita at nginuso ang nasa harapan. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang tingin ng tranferre na Ayala daw ang apilyedo. Sa pagkaka-alam ko Mayaman ang mga Ayala sa bayan na ito. Hindi naipagtataka, Kutis mayaman nga siya.

Ngumise ako ng ngumise din siya. Parang tanga lang no? Syempre ngingise ako para sabayan siya kawawa naman kung magmumukhang tanga ngingiseng mag-isa.

"Hi! My name is Wesley Dylan Ayala. You can call me anything you want."

O so 'yon pala ang pangalan niya.


"ALAM mo parang crush sa'yo yung transferre e" Bulong ni Antonita.
Taka akong napatingin sa kaniya.

"Pano mo nasabi? Babae gusto ko no" kaagad na depensa ko at baka tuksuhin na naman ulit ako nito.

"Kase naman, kanina pa nagnanakaw ng tingin sa'yo. Kung nakakayaman lang siguro ang nakaw ng tingin. Sigurado bilyonaryo na'yan ngayon" Nag kibit balikat nalang ako at hindi pinansin ang mga sinabi niya. Kahit anong sabihin niya, wala akong pakialam kasi may gusto akong iba. Maganda pa.

"Anong binubulong niya diyan? Para kayong mga bubuyog. O ayan meryenda!" Saway at biglang pinatong ni Alex ang pagkain sa mesa namin. Recess na kase kaya tumambay kaming cafeteria.

"Wala. Sinabi ko lang kay Antonita na ibinigay ko nalang sa'yo yung mga damit na binili ni Mama para sa'ken." Nakangiseng sabi ko sa kaniya kaya binigyan niya ako ng nandidiring tingin.

"Hwag mo'kong subukan, Clementine ha! Hindi por que mas gwapo ka sa'ken ginaganyan mo na ako." Kunot noong angil niya kaya parehas kaming natawa ni Antonita

Seducing That LesbianWhere stories live. Discover now