10 KABANATA

13 3 0
                                    


Daphne's P.O.V

"Clementina, sa'n ta'yo?." Tanong saakin ni Antonia matapos naming magpaalam na magbabanyo kami.

Binalingan ko ng tingin si Alexandra. "Quickie tayo?" Alok ko at sabay nila akong binatukan.

"Aray! Anong kasalanan ko?!" Hiyaw ko at masama silang tinignan.

Umusok ang ilong ni Antonia at Alexandra na nakatingin saakin. "Anong quickie?!"

Inis ko silang tinignan. "Mag cutting class tayo! Quickie! Quickie! Sibat! Hindi niyo ba alam na slang 'yon?!" Singhal ko.

Napalunok sila at napatingin sa isa't-isa. "Sa dami ng slang words ng cutting-class, yun talaga? Seryoso?" Imik ni Alexandra at tinignan ako sabay iling.

"You're hopeless, bud" Antonia

"Tara na, quickie na tayo" Yaya ni Alex na parang binagsakan ng langit at lupa. Napakunot nalang ang noo ko dahil sa inakto ng dalawa.

Nakarating kami sa likod at tinignan ang hindi kataasang bakod.

"Kaya ba natin to? Ngayon lang tayo dumaan dito." Kinakabahang tanong ni Antonia saamin. Napatango ako. Oo nga naman, dahil tuwing mag ka-cutting class kami eh sa gate kami dumadaan.

"Sus! Basic lang 'yan! Parang wala naman tayong lahi ng magnanakaw ah?" Ngiseng ani ni Alexandra at kinuha ang isang upuan sa gilid.

"Pakyu" natatawang sagot ko.

"Watch!" Maangas na sabi nito at sumampa sa upuan at inabot ang dulo ng bakod. Parang pro naman itong umakyat sa taas at nagbalance pa.

Sumenyas ito saamin. "Tara!"

Napabuntong hininga ako. Pakiramdam ko maling tao tung sinamahan ko. Naunang sumampa si Antonia at nagawa pang mag ala spider man dahil sa tricks na ipinakita.

"Ano na, Clementina? Akyaaat!" Sigaw ni Alexandra na hindi umaalis sa itaas. Nagbabalance parin ang mga loko.

"Ito na!" Singhal ko at sumampa sa kahoy at inabot ang bakod.

"H-hoy! Mga pasaway na estudyante!"

Nanlake ang mata ko at tinignan ang nasa medyo malayo pero malapit na teacher saamin. Tagaktak ang pawis ko at mabilis pa sa lightning na inakyat ang bakod. Hindi ako magpapahuli oi!

"Whop!" Sabay na sabi namin at swabeng lumanding

Takbo ang ginawa namin ng makatapak kami sa lupa sa labas ng eskwelahan.

"Sinong lec 'yon?" Tanong ni Alexandra habang umiinom ng soft drinks.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko kilala pero parang kilala ko."

"Ha?" Alexandra and Antonia

"Bale," Itinabi ko muna ang kinakain kong fudgee bar. "Parang familiar pero parang hindi? Nakita mo na pero parang hindi talaga? Parang nakita mo sa panaginip tapos bigla mong nakita sa real world?! Ano bang tawag dun? Ahh! Deja vu!" Ta-tangong sabi ko at muling kinain ang fudgee bar.

Nagtitigan silang dalawa. "May na miss ba akong nangyare kanina? Hindi kaya ulo niya ang lumanding?" Tanong ni Antonia kay Alexandra

Nagkibit balikat si Alex. "Malay ko"

Mariin akong binalingan ng tingin ni Antonia. "Nag lu-lucid dream kaba? Or magpapatingin ka pa sa psychiatrist? Sakto! May friend si mamang ganun! Yung may mga saltik sa utak" suggest nito.

"Basta ako anytime meron din akong mai-offer!" Sabat ni Alex.

"Ano?" Baling ni Antonia sa kaniya. "Mga albularyo eh. May kapit bahay kami, si Aling Rose ba'yon? Basta yun!" Alex

Nanliliit ang mata ko silang tinignan. "Kayong dalawa! Nababaliw naba kayo? Psychopath si tita baka pwede siyang maka advice sa inyo"

"Psychopath?" Tanong ni Alex at tumango ako at tinapon ang wrapped ng fudgee bar.

"Hindi psychiatrist o psychologist?" Naniniguradong tanong ni Alex at umiling ako. "Nope"

"Aray!" Singhal ko ng batuhin ako ng snow bear sa ulo ni Antonia.

"Mga masasamang ugali!" Imik ko at ininom ang soft drinks ko at siyang ikinatawa nila.

"Computer shop tayo?" Yaya ni Alex at nag inat. I snapped out at tinignan nila ako.

"Mag hunting kaya tayo?" Alok ko at itinaas baba ang kilay.

"Mukha bang may gubat dito?" Tanong ni Alexandra at tumayo sabay stretching.

"Sino bang nagsabing sa gubat lang pwedeng mag hunting?" Seryosong tanong ko at sabay silang napatingin saakin.

"G ako! Saan ba?" Antonia at tumayo narin.

Ngumise ako. "Mamimingwit tayo"

"Anak ng! Ano?!" Alex at Antonia.

"Mamimingwit, mangingisda, fishing ba! Ganun" nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Antonia.

"Oi! Bakit?!" Inosenteng tanong ko.

"Hawakan mo ng mahigpit!" Utos ni Alexandra at nag-aastang magboboxing.

"Anak ng!" Nanlalake ang matang bulong ko.

Dinikit ni Alexandra ang kamao sa mukha ko at parang tinatansiya ang layo nun mula sa kaniya. Napalunok ako.

"Hawakan mo ng maayos!" Alexandra

"Isa!"

"Dalawa!"

"Tatlo!"

Sasapakin niya na sana ako ng bigla akong yumuko.

"Boom! Ang lakas non!" Sigaw ko at tumawa ng malakas dahil si Antonia ang tinamaan.

"May pa team work pa kayo saakin eh hindi naman kayo uubra" maangas na ani ko sa kanila at sumuntok sa ere.

Tinignan ni Alex si Antonia na hawak ang mukha. "Part... Hindi ko sinasadya part..." Naiiyak na ani ni Alexandra kay Antonia.

Nanlilisik ang mata ni Antonia na tinignan kaming dalawa.

"Patay na!" Ani ko at umatras.

"Sibat na!!!" Sigaw ko at sabay kaming tumakbo ni Alexandra papalayo kay Antonia na hinahabol kami.

"Patay kayo sakin!!"

Seducing That LesbianWhere stories live. Discover now