Daphne's P.O.V
"Lumusong kana!" Utos ko kay Antonia na hindi umaalis sa lupa.
"May tumutubo bang kaliskis at buntot sa'yo kapag nakaapak ka sa tubig?" Tanong ni Alexandra sa kaniya at biglang nag dive kahit hanggang bewang lang ang tubig.
Ngumiwe si Antonia. "Wala akong damit ulol!" Sigaw nito saamin at pinakyuhan kami.
"Mukha bang may mga damit kaming dala?" Sarkastikong sagot ko sa kaniya.
"Ehhh! Malamig!" Ani pa nito at umatras ng may tumalsik na tubig sa kaniya na gawa ni Alexandra na may pa dive effect.
Manmade kasi tung parang dagat na'to. Hindi ko naman alam na dinidrain pala kaya hanggang bewang nalang ngayon ang tubig dahil pinatigil ko ang pag drain. Talino ko no?
Sirado din kasi yung fish pond nila. Sayang, magfi-fishing sana kami.
"Arte mo! Halika na!" Yaya ko at sinabuyan siya ng tubig.
"Kanina pa kayo ha!" Sigaw niya at biglang tumalon sa tubig at sabay kaming tumakbo ni Alexandra papalayo sa kaniya.
Ramdam kasi naming down si Antonia ngayon. Down ba, mababa. AHAHAH naks! Talino ko.
Siguro dahil sa threats na paparating sa Privé Alliance.
Una niyang nakuha si Alexandra na parang kiti-kiti dahil nilulunod siya ni Alexandra.
Tumakbo ako papalapit sa kanila. "Kameeeeh kameeeh waveeeee!" Sigaw ko at hinampas ang tubig papunta sa kanila.
"Tangina!!!"" Natatawang mura ni Alexandra ng sabay silang bumagsak ni Antonia.
"Oy teka! Walang ganyanan!" Sigaw ko at umatras dahil papalapit sila saakin.
"Humanda ka! Lulunurin ka namin!" Alex at nag stretching.
"Osige! Lapit!" Itinaas ko ang manggas ng damit ko at umamba ng suntok.
"Sinong lalapit saakin tatamaan!" Giit ko pa kaya pareho silang napalunok.
''Biro lang, ito naman! Binibiro kalang parang di ka naman mabiro." Tumawa ng pagak si Alex at umatras.
"Part, ikaw na." Tapped nito sa balikat ni Antonia at bigla siyang bumalik sa itaas.
"Antagal na nating nakababad! Tara na! Ha ha!" Tumawa ng peke si Antonia at sumunod kay Alex sa taas.
"Mga chicken nuggets!" Asik ko at tumawa bago sumunod sa kanila.
"Uwi na tayo?" Alok ko sa kanila matapos makaahon sa tubig.
"Tara!" Naunang maglakad si Alexandra kaya sumunod kami sa kaniya.
"Wag na tayong sumakay! Gastos lang eh!" Bagot na ani ni Alexandra.
Kita mo 'tong tomboy nato. Kuripot masyado. Akala mo walang milyon sa bangko.
"Wala nadin akong pera eh." Sabat ng multi-millionaire na si Antonia.
Bumuntong hininga ako. "Ako din"
Kaya ang kinse pesos na sana ay pamasahe namin ay binili nalang namin ng cotton candy sa daan. Tutal 15 minutes lang din naman ang lalakarin namin pabalik sa eskwelahan.
Saktong alas kwatro ng hapon kami nakarating sa eskwelahan.
"Patay" bulong ko ng makita ang gate.
"Sino ang patay?" Sabay na tanong nilang dalawa.
"Patay tayo" sagot ko naman.
"Bakit?"
"Patay talaga kayo saakin! Mga estudyanteng pasaway!" Sinalubong kami ng naka-kunot noong lecturer.
"Anak ng teneneng!" Kinakabahang mura ni Alex.
Sabay kaming umatras ng may hawak na mahabang stick yung lecturer.
"Teka! Siya yata yung bagong disciplinarian!" Ani ni Antonia na nanlalake ang mata.
"Anak ng!" Bulong ko. Sa dinami dami ng makakakita saamin disciplinarian pa talaga? Ang swerte naman talaga!.
"Follow me" Ma awtoridad na utos nito saamin at sumunod kami hanggang sa office nito.
Napasipol pa si Alexandra ng maabutan namin si Troy na prenteng naka-upo.
"Isang malamig na hangin~~" Pakantang bulong ni Antonia at sabay silang tumawang dalawa. Nagtitigan kami ni Troy hanggang siya na mismo ang umiwas ng tingin.
"Sinabi ko bang tumawa kayo?!" Matinis na sigaw ng disciplinarian.
Ngumiwe si Alexandra. "Wala din naman siyang sinabing bawal tumawa. Me' saltik din eh" bulong ni niya pa.
Ngumite ako ng peke. "Ano pong kasalanan namin?" Inosenteng tanong ko.
Tinignan ako nito na para bang nababaliw na ako. "Nag cutting kayo hindi niyo alam?! Ipa-expell ko kaya kayo tapos sabihin kong hindi ko sinasadya?!" Sigaw nito kaya napangiwe ako.
Matigas tong isang 'to
"Ahh? May ebidensya ho ba kayo, Ma'am?" Mariing diin ko.
"Witness ako ng katarantaduhan niyo. Ano pang ebidensya?"
"Concrete evidence po yung talagang magpapatunay. Malay ba namin kung writer kayo tapos gumagawa kayo ng story, story maker ba." Sagot ko at ngumite.
"Then where did you three came from?!"
"Kami po?" Inosenteng tanong ni Alex at tinuro ang sarili.
"Naligo po" dugtong na sagot ni Antonia.
"Naligo---What?!"
"Naligo ho! Kita mo po 'yung banyo diyan malapit po dito? Diyan po kami naligo. Hay! Ano ba kasing klaseng private school to! Walang aircon." Kunyare ay naiinitang sagot ko sa kaniya at pasimpleng kinindatan si Alexandra at Antonia.
Nag-isip sandali yun disciplinarian bago binili yung palusot ko.
"And how about you, Mr.?" Baling nito kay Troy.
Ay, andito pa pala 'to? Hindi ko napansin.
Tinignan siya ni Troy. "What did I do?" Balik na tanong ni Troy sa kaniya.
"Bakit mo sinira ang isa sa mga CCTV?!" Sigaw ng disciplinarian kaya pati kami ay nagulat.
Ngumise si Troy. "Wala po kayong ebidensya."
Nanggigigil ang disciplinarian saamin at tinuro ang pinto. "You! All of you! Get out!"
Nag-apir kami pagkalabas. "Ayos!"
YOU ARE READING
Seducing That Lesbian
RomanceMeet Clementine Daphne Lopez ang sikat na tomboy sa kanilang lugar. Nanghihinayang ang mga tao sa kanilang lugar kung bakit ito sumali sa Federasyon at kung bakit imbes na lalake ang hanapin ay kabaro nito ang napili?. Is this beacause she's hurt? p...
