She's gone
Unti-unting bumukas ang malaking pinto ng simbahan at iniluwal nito ang kaakit akit na pigura ng isang babae, naka suot ito ng simpleng white gown na binagayan ng kanyang naka pusod na buhok, ang kutis nito na kasing puti ng gatas at ang mamula mula nitong pisnge. All I can say is she's like an angel send by above. Namamaga man ang singkit nitong mga mata ay hindi pa din iyon hadlang sa kanyang kagandahang tinatangi. Hindi ako makapaniwala na ang isang angel na tulad niya ay papatol sa isang hamak na makasalanan na tulad ko ngunit sinong tao ba nmn ang hindi makasalanan diba?
Automatikong nagflashback sa aking isipan ang mga masasaya at malulungkot naming alala.Sinong mag-aakala na ang dating aso't pusa kung mag-away ay ngayon nandito sa loob ng simbahan at nag-iisang dibdib.Ang babaeng kumuha ng atensyon ko,ang babaeng nagparamdam sa akin ng mabilis na kabog sa aking dibdib kapag lumalapit siya sakin at ang babaeng nagdagip ng puso ko at siya ay walang iba kundi ang mahal kong si Christine dahil sa lutang ako hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala siya.
"Ken hijo ingatan,alagaan at mahalin mo itong anak namin katulad ng pag-aalaga at pagmamahal namin sakanya"sabi ng papa niya na nagpipigil sa pag-iyak.
Napangiti na lang ako at sinabing
"Masusunod po tito,wag po kayong masyadong mag-alala mamahalin ko po ng higit pa sa sarili ko ang anak ninyo at aalagaan ko po ito"sabi ko sa papa niya na may ngiti parin sa aking labi
"K-ken ibinibigay namin ang tiwala namin sayo ingatan mong mabuti ang unica hija namin at wag mo itong sasaktan"mangiyak ngiyak na sabi ng mama niya,tumango na lang ako at tuloyan na silang umalis at kaming dalawa na lang ang natira.Inilahad ko sakanya ang palad ko at kinuha niya naman ito sabay kaming lumakad papunta sa gitna ng altar.
"Alam mo kanina pa sila iyak ng iyak dahil ikakasal na raw ang nag-iisang anak nila na babae pero masaya parin sila dahil alam nilang hinding hindi mo ko sasaktan"pagputol niya sa katahimikan,magsasalita na sana ako kaso nakarating na kami sa harap ng altar at nag-umpisa ng magsalita ang pari at hindi nagtagal naglipatan na kami ng vow sa isat isa.
"You may now kiss the bride"sabi ng pari
Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya para sana halikan siya pero unti-unti ring nagfe-fade ang mga tao sa paligid.
"Mahal na mahal kita ken lagi mo yang tandaan"yun ang huli niyang sabi bago maglaho ang lahat at dumilim ang paligid.
Nagising ako na pinapawisan,kinuha ko yung tubig sa may lamesa na nakalagay at ininum ito,pumunta ako sa terrace at ipinikit ang aking mga mata.
Panaginip lang pala ang lahat akala ko totoo na naramdaman kong may bumubuong mainit na likido sa aking mga mata at huli na ng narealize ko na umiiyak na pala ako.
"Its been 3years since you past away crist pero bat parang sariwang sariwa parin ang nangyari?"may isang malamig na hangin ang biglang umihip at parang niyayakap ako nito."Siguro wala kana nga pero nandito ka parin sa pusot isipan ko ang mga alaala nating magkasama ay laging mananatili dito"sabay turo ko sa dibdib ko
"She's gone"i whispered as the cold wind blow.
© Sleepynatural
All right reserved 2022
YOU ARE READING
histoires courtes (One Shot stories)
FanfictionThis Anthology contains different categories The book cover was made by: Isabela Wp