haircut

31 6 0
                                    

Haircut

Warning : This story contains sensitive content which are not suitable for sensitive/young readers.

"do I really need to have some make over?"iritang tanong ko sakanya.

"Oh honey of course you need some make over. Come on Natasha it's your graduation day at hindi pwede na sabog ka doon at mukhang walking dead"she rolled her eyes

Makakahindi paba ako? Kung nanay ko na mismo ang nagdesisyon na kailangan ko ng make over. Arghh why do I have to be beautiful kapag graduation kung araw araw ay maganda naman ako. Why do I need to have some make over hindi sa mahangin ako ha pero kasi I have natural beauty and I love it.

"don't give me that frown face. Magbihis kana dahil aalis na tayo para maaga tayong makauwi mamaya"she said before going out.

As a masunurin na anak wala na akong magawa kundi ang sundin ang aking ina. I just wear a simple crop top and short shorts.

Wala pang isang oras ay andito na kami sa suking salon ni mama. Nakipagchikahan muna siya sa mga staffs and sa may-ari. What should I expect? Kahit saan naman mapunta itong si mama ay halos hindi mawawala ang chikahan moments nila ng mga taong makakasalamoha nito.

"siya ba? Grabe madam mukhang wala naman na akong dapat ayusin. Ang ganda ganda na nitong anak mo e"hindi naman bago sa akin ang kinocompliment pero sa baklang toh parang may halong kaplastikan e.

He started to comb my hair and stared at it from left to right. Siguro nag-iisip siya kung anong magandang hairstyle ang babagay sa akin. I have a heart shape face and chubby cheeks.

"what do you like na haircut ija?" he ask me. Napaisip naman ako kung ano nga bang bagay sa akin na haircut. I already try butterfly and wolfcut pero hindi siya masyadong naeemphasize dahil sa straight kong buhok. Hindi din bagay sa akin ang long hair.

"maybe medium length haircut?"suggest ko sakanya.

"that will do, omg excited na ako sa magiging resulta"he giggled mas excited pa siya kaysa akin e hahaha! Well I also want to know kung bagay nga ba sa akin iyong haircut na yun tas magsasalamin ako since malabo din naman mata ko. I will look like a nerd but a hot one.

He was busy trimming my hair ng biglang nandilim ang paligid. Power outage? sht ang dilim and it's giving me goosebumps! There's something cold na nakatapat sa aking leeg dahilan para magtayo lahat ng balahibo ko sa katawan.

"brown out?"narinig kong tanong ng baklang nag gupit sa akin.

"oo sis"sagot nmn ng isang boses

Isn't it obvious? jusko wala na ngang ilaw e malamang brown out. I rolled my eyes pero alam kong walang makakakita dahil nga brown out.

"hey careful with your— ahh" I was about to warn him about the equipment his using when there's a sudden sharp thing stabbed my neck. Kasunod non ay isang malakas na bagay ang parang nalaglag sa sahig.

"ouch, omg I'm so sorry fren"mahinhing saad ng taong nasa sahig. Siguro ay nadapa siya dahil sa pagkabunggo niya kay Fren. Teka kay Fren? Nanginginig ang kamay kong inilapat sa aking leeg para kapain ang bagay na nakabaon dito. Malamig itong bagay na ito at may dalawang butas siguro ay handle. Kinapa ko ang aking balat at doon mayroong mainit at malapot na likidong rumaragasa.

My body's trembling and I don't know what to think anymore. Don't tell me ang pagkabagsak ng taong nasa sahig dahilan ng pagkabunggo niya kay Fren na aking hairstylist ay nagbunga ng isang aksidente? Please don't tell me na tama ang hinala ko.

My eyes become teary and hindi ko magawang maialis ang kamay ko sa aking leeg. Ramdam ko ang hapdi ng pagkabaon ng bagay sa aking leeg. Ramdam ko din na parang mawawalan ako ng malay. I was about to faint when the lights turn on.

Bago pa ako tuloyang mawalan ng hininga ay nakita ko ang aking repleksyon sa salamin. Isang napakagandang babae na hinahawakan ang kanyang leeg na may nakatanim na gunting.

Ang babae ay naliligo sakanyang sariling dugo. Nakatirik ang mga mata at wala nang buhay sa tabi nito ay isang batang nakangiti. Tarantang nagtatakbohan ang mga tao sa loob ng salon hindi na alam kung anong unang gagawin. Nanginginig na tumawag ng ambulance ang mga tauhan ng salon habang ang ina naman nito ay walang masabi tanging tahimik lamang na iyak ang kanyang nagawa. Nagkakagulo ay ganoon naman ang labis na pag-angat ng mga labi ng batang nasa tabi ng bangkay ng babae. Halos mapunit na ang bibig nito kakangiti.

It was a perceived myth that those who are graduating are more prone to accidents. At ang kaso na ito ni Natasha ay isa sa mga makakapatunay nito. Aksidente lang ba talaga o mayroong mga hindi natin alam na nakikialam? We will never know.

Note : this story is pure fictional, lahat ng mga nabanggit at daloy ng istoryang ito ay kathang isip lamang na nagagawa ng utak ng manunulat. Hindi ito panakot (lalo na sa mga graduating stuffs na nabanggit)sadyang nagkataon lamang na ito ay nagamit ng author para sa daloy ng istorya.

🖋️Res
@sleepynatural

histoires courtes (One Shot stories)Where stories live. Discover now