cake

38 9 3
                                    

Cake

Warning : This story contains sensitive content which are not suitable for sensitive/young readers.

"Tick tock tick tock"

Katahimikan at tunog ng grandfathers clock lamang ang namumutawi sa loob ng marangyang bahay. Napapalibutan ang paligid ng lobong itim, gano'n din ang mga banderitas parang bawat sulok ng bahay ay kulay itim ang namumutawi. Ito ang thema ngayon sa darating na birthday party ni candy ang pinsan ng dalagitang pormal na nakaupo sa gusgosin at may bahid ng alikabok na kotson. Makulimlim ang panahon at malamig ang simoy ng hangin parang may pinaglalamayan ang panahon.

" Christina ano pa ang inuupo upo mo dyan? Halika na at tulongan mo ako dito " pagbabasag ng isang malalim na boses na nagmumula sa matandang babae. May awtoridad ang boses nitong pag-uutos sa dalaga kaya dali-daling tumayo si Christine sa kanyang pagkakaupo at tinulongan ito sa pag-aayos ng gamit para sa celebrasyon.

" Wag niyo sanang masamain tiya pero maari ko bang tanongin kung bakit kulay itim ang thema ng birthday ni Candy? " walang alinlangang tanong niya sapagkat sobrang nagtataka talaga siya kung bakit ganito ang thema.

" May magagawa kaba kong iyan ang gusto ng anak ko? " masungit na patanong na tugon nito sa dalaga.

" Pero diba po birthday dapat matitingkad na kulay kasi masayang araw ngayon dahil ipinagdidiriwang natin ang kanyang kaarawan? " depensa nito dahil parang ang pangit tingnan pag puro itim ang iyong makikita parang lamay ang dinadalohan nila imbes na kaarawan.

" Ang mahalaga nabili natin ang paboritong niyang cake. " tugon ng matanda sabay turo sa nagbubukod tanging kulay sa paligid.

Isang simpleng cake na napalibotan ng pulang bulaklak sa ibaba nito. Ang kulay puting icing nito ay nahaloan ng kasing tingkad ng dugo na parang tumutulong desiñio ng icing na kung sino mang makakita dito ay tiyak na matatakam.

Pagtango na lng ang tinugon ng dalaga kasi ayaw niyang baka mauwi pa sa pagdedebatehan.

" Maghanda kana dahil papunta na si Candy." malamig na pagpapaalam ng kanyang mudra.

Inayos niya na ang kanyang nagusot na damit at pinagpag ang mga alikabok na nanggaling sa kanyang inupoan kanina.

"Ate Chrisy!" ibinaling ni Christine ang kanyang tingin sa batang masiglang tinawag siya sa kanyang palayaw na ito mismo ang gumawa.

" Candy Happy birthday ang laki-laki mo na haha " nangigigil na sabi niya at kinurot ang matambok na pisnge ng bata.

" Aray masakit atee christyy " pagrereklamo nito.

" May regalo ako sayo candy. " ilalahad pa lng sana ni Christine ang regalong kanyang pinagtiponan para sa pinsan ay sumingit bigla ang ina nito.

" Mag sta-start na tayo. Mamaya mo na ibigay yan. " Sumama ang bata sa Ina nito at pumwesto na din si Christine katabi ng pamilya.

Ang kanyang tiya at tiyo ang nagpalaki sakanya at nagsilbing mga magulang niya dahil maaga itong naulila sa kanyang mga magulang. Sanggol pa lamang ito ay nagkasakit ang kanyang itay na hindi kaagad nadala sa hospital hanggang sa lumala ang kalagayan nito at tuloyan ng binawian ng buhay. Ang kanyang Ina naman ay labis ang pagkaulila sa asawa, halos hindi na ito kumakain ng tama dahil sa lungkot na nadarama at hanggang sa nagpahinga na din ito kasama ang asawa. Malaki ang utang na loob ni Christine sa kanyang pangalawang pamilya kaya kahit maari ay hindi niya gustong magalit Ito sakanya at baka idekta ang utang niya dito.

" Sa pagbilang ko ng tatlo ay bigyan niyo ako ng isang napakagandang ngiti sa inyong labi " ang camera man ang nagsabi. Ngumiti ang lahat at tuloyan na talagang nag umpisa ang celebrasyon.

" Make a wish Candy before you blow your candle " wika ng daddy ni candy tango lng itinugon ng bata. Pumikit muna ito at ilang saglit lng ay hinipan na nito ang candila.

Parang may kung anong pwersa ang sumanib sa katawan ni Christine na nagsasabing gawin ang bagay na iyon.

Abot hanggang tenga ang ngiti ng bata habang pinagmamasdan ang cake niya.

"Maraming Salamat Mama Pa-- " naputol ang sasabihin nito ng biglang nasubsob ang mukha nito sa cake.

" Hindi kompleto ang kaarawan kung hindi matitikman ng Mukha mo ang iyong masarap na keyk" wala sa sariling sabi ng dalaga.

Ilang sigundo na ang nakalipas pero hindi pa din umaangat ang ulo ng bata. Lumaki ang mata ng Ina nito ng makitang hindi na ito gumagalaw. At ang mapulang icing ng cake ay mas lalong pumula.

"Candyy!!" Sigaw ng matanda habang inaangat ang ulo ng anak mula sa pagkakasubsob. Doon napagtantong natusok ang mukha nito sa cake dowels. Tatlong cake dowels ang sumusuporta sa laki ng cake ang dalawang dowels ay natusok sa dalawang mata at ang isa ay sa baba ng bata. Masaganang dugo ang umaagos mula rito. Hikbi at hagulhol ang tanging nagawa ng mag-asawa sa sobrang kaba hindi nila alam kung anong gagawin. Naghalo ang sipon at luha ng mga magulang ng bata habang sinisigawan ang dalagang may kagagawan sa anak nila.

" Christine bakit mo ito nagawa?! " ngunit parang wala sa katinoan ito at tahimik lng na nakatingin sa kanila.

"Bakit mo nagawa toh?! Wala namang kasalanan sayo ang anak ko bakit ang anak ko pa napagtripan mo?! Bakit bakit?! " Sinugod siya ng umiiyak at nanggagalaiting ina ng bata. Doon lng natauhan si Christine ng isang mabigat na kamay ang dumapo sa kanyang mukha. Napahawak siya dito dahil naramdaman niya ang pag-init ng pisnge niya.

" Papatayin kita! " Nagulat siya ng sinabi iyon ng matanda

"Hindi ko po-- " naputol ang kanyang sasabihin ng pinagsasabonotan na siya nito.

"Papatayin kita! Papatayin kita!! " Wala sa sariling paulit ulit na sigaw nito.

"Papatayin kitaaa!!" sa huling pagkasabi niyang iyon ay may hawak na siyang kutsilyo.

"Wag poo " pagpupumiglas at sigaw ng dalaga dahil buhay niya na ngayon ang nanganganib.

"Papatayin kita Christine!" Sigaw ng matanda sabay hawi ng patalim.

"Wagg" hinihingal na sigaw ni Christine. Pawisan at grabe ang kabog sa dibdib ng magising ang dalaga.

" Isang masamang panaginip nmn "
sambit niya sabay hawak sa patuloy na pagkakarera ng dibdib niya.

" Papatayin kita Christine" isang malamig na tono. Nanindig ang kanyang balahibo at nanghina ang mga tuhod niya ng marinig ang salitang ito.

"Sisiguradohin kong wala ka ng kawala ngayon! " sigaw ng tinig na nagmumula sa itaas ng ding ding umangat ang kanyang tingin doon ngunit huli na dahil nasapo ang kanyang mga dalawang mata at bibig ng malalaking stick. Umaagos na parang gripong napabayaang nakabukas ang dugong nanggagaling sa katawan ng dalaga.

"Christine huy!" napabalik sa katinoan ang dalaga ng tinampal siya ng mahina ng kaibigan.

"Tulala ka nmn dyan ang lalim ng iniisip mo. Mag ayos kana andyan na si boss. " sabi ng kaibigan niya sabay alis.

Pinaglalaroan naman ulit siya ng kanyang utak dahil sa traumang kanyang natamo 2yrs ago. Nahospital ang kanyang pinsan dahil sa kagagawan niya. Sa araw din na iyon pinangako niya sa sarili niya na hindi niya na uulitin ang pagkakamaling kanyang ginawa. Ibinaon niya na sa limot ang nangyari pero binabagabag pa din siya ng kanyang konsensya. Kaya sa lahat ng nagbabasa nito bago kayo gumawa ng bagay dapat alamin niyo kung ano ang magiging bunga nito dahil baka pagsisihan niyo ito sa huli.

Credits to the owner of the image I use.

© Sleepynatural
A

ll right reserved 2022

histoires courtes (One Shot stories)Where stories live. Discover now