Chapter 3

111 13 1
                                    


"Nasaan si Lesley, Hinahamon ko sya. Bat sya ang mas pinili nyo eh mas magaling ako!" Papasok palang ako ng gym ng marinig ko yun. Dito muna kami sa basketball Gym saglit. Nanghingi na ng permiso si Abby sakanila.




"Mich, may practice kami. Tumahimik kana jusko naman" namomoblemang sabi ni Abby. Andun sa gilid ang Basketball Team. Mukhang nakikichismis. Andun din sila Mito.




"Bakit ano ba ang gusto mong patunayan saakin Mich?" Sabat ko. Napatingin naman sila saakin. Dahan dahan akong lumapit sakanya na hindi pinuputol ang tingin ko sakanya.




"Mag show down tayo" hamon nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay. Tumawa ako ng mahina.




"Really?, sige nang matahimik ka" kaswal na sabi ko. At hinubad ang sweater na suot ko. Naka Tshirt naman ako at naka Shorts na hindi masyadong maikli yung tama lang sa pangsayaw.




Pinindot ko ang music player  namin para sa music. Pinagbigyan ko na dahil baka umiyak pag hindi pinansin.




Nauna syang sumayaw halos puro hand gestures sya. At panay din ang kembot na syang nag paingay sa loob. Maganda ang katawan nya. Sexy kung tutuusin. Nanlaki pa ang mata ko nang nag twerk sya.




"WOW GRABE ANG SEXY MO TALAGA MICH" sigaw ng isa sa mga audience. Nagkibit balikat nalang ako at sumayaw. Umikot ikot ako sabay kembot. Hinawakan ko pa ang hita ko pataas sa tyan ko tila nang aakit. Nang marinig ko ang chorus. Dahan dahan ko tinaas ang ibabang bahagi ng Tshirt ko tila mang aakit sa audience. Sabay wave ng katawan. Magaan lang ang katawan ko. Kaya medyo smooth lang sa tingin ko.




"MAY ABS SI LESLEY!NAKITA KO"




"AKALA KO PATOMBOY TOMBOY SYA MAGALING MANG AKIT PRE"




"MAS MAGALING KUMEMBOT SI LESLEY KAYA NAMAN PALA PINILI"




Nakangisi ako kay Mich nang matapos ako hindi ko inaasahan mag wawalk out sya.
Natatawa namang tumingin saakin si Abby at pumalakpak ang mga tao don




"Grabe, iibahin ko na ang concept natin Lesley, masyado mong ginalingan!" Nakangiting saad nya saakin, natawa nama ako sakanya. At kinuha sa saglit ang jacket na hinagis ko sa sahig. Napalayo pala ang pagtapon ko. Lumapit ako sa kinaroroonan nun para pulutin malapit pala kila Mitsui.




"Wow!ang galing mo talaga Lesley ang sexy mo" bati saakin ni Ayako sabay abot ng Sweater ko.




"Talaga?Salamat nakakahiya HAHA" sabi ko at napatingin kay Mitsui kanina pa ako tinitingnan. Tinaasan ko sya ng kilay pero ngumisi lang sya saakin at pailing na inalis saakin ang tingin. Nagkibit balikat nalang ako at tinapos ang practice namin sa gym.




Nag aayos ako nang buhok habang naglalakad sa hallway papunta na sa room namin. Nang makasalubong ko si Mitsui.




"Akalain mo yun may Talent ka pala?" Bungad nya saakin. Tinaasan ko naman sya ng kilay. Hindi ba obvious?




"Oo ang sumayaw?ano nanaman problema mo?" Barumbado kong sabi sakanya. Natawa naman sya unti at lumapit saakin




"Hindi yon" natatawang sabi nya




"Eh ano?" Sumimangot na ako sakanya.




"Ang mang akit" mahinang sabi nya at nilagpasan ako. Kumunot naman ang noo ko at tiningnan sya papalayo.




THE DANCE OF LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now