Chapter 19

48 10 10
                                    

TW: Strong language.




Nakatingin lang ako sa bintahan ng kwarto ko. Binabalewala ang presensya ni Mitsui sa harapan ko. Kanina pa sya seryosong nakatingin saakin.





"Bakit hindi ka nagsabi saakin?" Nahihimigan ko ang inis sa boses nya.





"Bakit ko sasabihin sayo?" Parang wala lang na sabi ko at tumingin sakanya. Hindi naman sya makapaniwala sa sinabi ko.





"Diba busy ka sa practice mo? Hindi ka pwede that time kaya hindi ikaw ang tinawagan ko." Kaswal na sabi ko. Nararamdaman ko naman ang panlalamig ng mga palad ko. Hinang hina talaga akong ngayong araw. Sana naman hindi nya ako pahirapan magpaliwanag.





"KAHIT NA LESLEY! DAPAT AKO ANG PINUNTAHAN MO! AKO ANG MAS MALAPIT SAYO!" Pagtataas nya ng boses saakin. Puno ng hinanakit ang mga mata nya.






"OO IKAW ANG MALAPIT!PERO AVAILABLE KABA? ALAM KONG BUSY KA SA PRACTICE MO MITSUI! ALAM KO ANG PAGHIHIRAP MO! NAKIKITA KO YON! KAYA KO ANG SARILI KO MAY MGA TAO SA PALIGID NA KAYA KONG LAPITAN!"





"AKO ANG BOYFRIEND MO LESLEY! SAAKIN KA DAPAT LUMAPIT!"





"Act like one Hisashi. Isang buwan mong tiniis na hindi ako kamustahin! Hindi mo lang ako dinalaw kahit saglit!" Doon na tumulo ang luha ko. Ako lagi ang dumadalaw sakanya dahil namimiss ko sya pero ako hindi manlang nya matingnan kahit saglit lang.





Nakita ko naman ang pag iwas nya ng tingin sa sinabi ko lalo ako nakaramdam ng sakit. Ibig sabihin totoo. Tangina.





"Bakit hindi mo sinabi saakin na may sakit ka?" Mahinang sabi nya.





"Ayokong mag aalala ka" maikling sabi ko.





"Nag aalala parin ako ngayon! Ano ba nangyayari sayo Lesley!" Galit na sabi nya saakin.





"Bakit anong gagawin mo kung sakaling sabihin ko? Tatakas ka sa practice?" Sarkastikong sabi ko habang nakatingin sakanya




"Oo.." sagot nya napatawa naman ako kaunti.





"Kaya nga hindi ko sinabi dahil iyon ang gagawin mo. Tatakas ka sa practice mo. Tatakas ka sa pangarap mo. Bakit ba andito kapa? Tryout nyo na. Tsaka mo nalang ako kausapin"





"Hindi ako tutuloy na ganyan na ang kalagayan mo.." natigilan ako sa sinabi nya.





"Anong sabi mo?!" Hindi makapaniwalang sabi ko. Napakunot pa ang noo ko dahil mukhang desidido sya.





"Wag mo akong gaguhin Mitsui! Umalis kana at tumuloy kana sa Tryout. Pwede mo akong puntahan bukas. Tumuloy kana..." kalmadong sabi ko para naman magdecide sya na tumuloy dahil kumalma ako.





"Ayoko, ako mag aalaga sayo. Sasabihin ko kay Tetsuo.." pagpiprisinta pa nya.  Napapikit ako at huminga ng malalim.





Sabi na nga ba ito ang gagawin nya...





"Tangina naman Mitsui! Tumuloy kana don! Wag mo isuko ang pangarap mo para saakin! Girlfriend lang ako! Marami pang dyan!" Sigaw ko sakanya. Kumunot naman ang noo nya at lumapit sa kinahihigaan ko.





"ANO BANG PINAGSASABI MO!" Galit nyang sigaw saakin.







"Lahat ng pag aantay ko, pagtiyaga na hintayin mapupunta sa wala? Inantay kita ang tagal kong hinintay na makamit mo ang pangarap mo para magkasama na tayo! Kaya mag antay ng relasyon natin. Unahin mo ang pangarap mo. Matagal mo nang gusto makamit yon at ito na way para makuha mo. Andito kana kailangan mo yon"





"Mas mahal kita Lesley! Hindi mo naiintindihan?! Paano ako makakatuloy ng ganyan ang sitwasyon mo! Nag aalala ako sayo! Kase hindi ako ang kasama mo! Hindi ako ang sumalo sayo! Alam mo ba ang pakiramdam ko?! Pwede pa naman next year mag tryout. Aalagaan muna kita" tinulak ko sya nang subukan nyang lumapit saakin. Nagsisimula tumulo ang mga luha ko.





"WAG MO AKSAYAHIN ANG LAHAT NG PAGHIHIRAP KO PARA SA PANGARAP MO MITSUI! Nag antay ako. Hinintay kita ng napakatagal tapos hindi kalang tutuloy?!! Alam mo ba ang sakripisyon ko para sayo! Tumuloy kana Mitsui wag mo akong pahirapan pa!" Sigaw ko sakanya pero bigla nya akong niyakap ng mahigpit dahilan para humagulgol na ako.





"Mahal na mahal kita Lesley, hindi ko kayang tumuloy na ganito ang sitwasyon mo. Handa ko isuko lahat para sayo. Ikaw na ang pangarap ko Lesley." Mahinang sabi nya saakin na nagpasakit ng puso ko.






Handa nya isuko lahat para saakin. Maski ang matagal nyang pangarap. Ang pangarap na pinaghirapan nyang abutin tapos kung kelan malapit na sya tsaka pa nya isusuko.





Hindi ko kayang makita sya na nagsisi na hindi nya inabot ang pangarap nya. Nakakakonsensya.





Marahas akong humiwalay sa pagkakayakap nya. Matapang ko syang tiningnan. Huminga ako ng malalim at kinuyom ko ang kamao ko.





Nasasaktan naman syang tumingin saakin. Nakita ko din ang mga luha sa pisngi nya.





"Maghiwalay na tayo.." tanging nasabi ko. Gulat naman syang napatingin saakin.





"Nahihibang kana ba?" Galit na sigaw nya at hinawakan ang braso ko.





"Mukha ba akong nababaliw sayo Mitsui? Nakikipaghiwalay lang ako."





"Bakit parang napakadali para sayo?" Nasasaktang sagot nya saakin. Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay nya dahil nakahawak sya saakin.





"Mahal na mahal kita. Wag mo naman ako hiwalayan dahil lang sa tryout Lesley, pangako lagi na ako andyan para sayo. Kung gusto mo lilipat ako sa course mo para magkaklase nalang tayo. Lilipat ulit ako dito sa bahay nyo para lagi tayo magkasama. Wag naman ganito. Babe wag mo naman ako hiwalayan." Parang bata na sabi nya saakin nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya.





Nahihirapan na ako huminga dahil sa bigat ng dibdib ko. Kailangan ko nang tapusin ito.





"Bakit madali? Dahil nawala na ang pagmamahal ko sayo. Sino ba naman ang mananatiling mahal ang isang tao na hindi nabigyan ng tama atensyon? Babae ako Mitsui. Kailangan ko ng Atensyon pero hindi mo binigay saakin. Isang buwan mo akong hindi kinamusta, kinita, sinilip tapos iisipin mo mahal na mahal parin kita? Paano mo patuloy mamahalin ang isang tao ginustong hindi ka makita? Nawala ang pagmamahal ko nung oras na wala ka sa tabi ko. Doon ko narealize bakit ako nanatili sa lalaking mas mahal ang pangarap nya kesa saakin? Umalis kana ayoko ko nang makita ka!" Kunwaring galit na sigaw ko. Nakita ko naman ang sakit na dumapo sa mukha nya dahil sa mga sinabi ko. Nakita ko ang pagpipigil nya ng luha nya.





"Mahal kita Lesley, mahal na mahal kita" nanghihinang sabi nya saakin. Nag iwas naman ako ng tingin.





"Hindi na kita mahal Mitsui, umalis kana dito at tumuloy kana sa tryout." Malamig na sabi ko. Hindi ko naman inaasahan lalapit sya saakin para humalik sa noo ko. Napatingin ako sakanya pero dinampian nya ng magaan na halik ang labi ko. Pilit syang ngumiti saakin at lumabas ng kwarto ko.





Doon ko binuhos ang luha ko. Ang sakit sakit. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit kailangan ganito ang mangyari.





"Kung mahal mo ako kesa sa pangarap mo.... Mas mahal naman kita kesa sa buhay ko.."

THE DANCE OF LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now