Chapter 8

89 15 3
                                    




Nakasimangot ako habang nakikinig sa Klase. Paano! Umagang umaga iniinis ako ni Mitsui! Kelan ba aalis yon sa bahay naiirita na ako! Kaninang umaga ginulat nya ako kaya nadulas ako sa hagdanan ang sakit ng pwet ko pero ang loko tinawanan ako! Letse!





Nang tumunog na ang bell. Nag ayos na kami nakalabas na rin ang prof. Inaayos ko ang bag ko at hinahanap ang wallet ko. Sabay sabay kami kakain nila Mito.





"Lesley, sama ka pupunta ako sa gy--" nagsalita sa likuran ko si Aya.





"HINDI!" Agad na sabi ko. Nagulat pa sya sa inasta ko.





"Okay?anyare sayo? Napasobra ka sa kape?" Tanong nya pa saakin. Nang makuha ko ang wallet ko umalis na agad ako narinig ko pang tinawag nya ang pangalan ko. Pababa na ako ng hagdanan nang makasalubong ko pa si Mitsui.







Potek! Ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko!







"Oh ano?" Maangas na Sabi nya saakin pero pinilit ko syang inirapan. Sumama naman ang mukha nya. Mukhang paakyat sya sa gym.







"Alis nga dyan Bungal" kunwaring naiirita kong sabi at diretso nang bumaba hindi na ako nagtagal sa harapan nya dahil baka lumabas na ang puso ko sa lakas ng tibok.







Pumunta ako sa malaking puno na malapit sa building namin. Malilim doon pag ganitong oras. Nakita ko na agad sila Mito doon kaya lumapit na agad ako at naupo sa tabi nya.








"Tagal ah" nakangiting sabi nya at pinatong ang Uniform coat nya sa hita ko.






"Ang tagal ng prof e, anong ulam mo? Pashare!" Nakangusong sabi ko sakanya. Hindi ako nakapagbaon dahil bumungad saakin si Mitsui!







"Taray ang ganda pero buraot" pang aasar saakin ni Takamiya. Nang makita sya sumandok ako sa pagkain ni Mito. Nilunok ko muna iyon bago sya harapin.





"Bakit ikaw lang pwede?" Maangas na sabi ko at sumubo ulit sa pagkain ni Mito. Napaawang naman ang labi ni Takamiya at tinawanan sya nila Noma.






"AYAN TABACHOY KA KASE!" Pang aasar sakanya ni Ohkusu habang tinatapik ang malaking tyan nya.






"Ngayon lang naging PG si Lesley!" Pagtatanggol pa saakin ni Noma.






"Hindi ata sya nakapag baon. Wala ata si Tetsuo" sabi pa ni Mito at binigay saakin ang lunch box nya na agad ako nilantakan. Tiniran nya din ako ng iniinom nyang orange juice.






"Hindi ko alam don kay Kuya. Panay alis sya nung mga nakaraan e" sabat ko nang matapos ko ang kinakain ko. Nakangiti ko ito binigay kay Mito. Natawa naman sya sa Inasta ko at inaabutan ako ng Tissue.






"Baka nakikipag away ulit" sabi ni Noma saakin sumandal ako sa puno at nag isip. Wala naman syang sugat pag nauwi sa bahay baka hindi.





"Pero wala naman syang sugat sa mukha, pusta ko nagtatrabaho iyon ng hindi sinasabi saakin" late na kase kung umuwi si Kuya. Madalas kami ni Mitsui ang naiiwan sa bahay which is hindi komportable para saakin! Baka lalo ko sya magustuhan! Hindi pwede! Ayoko! Wala pa ito sa balak ko! Marami pa akong pangarap letse!






----






Pagpasok ko ng bahay naabutan ko nanaman si Mitsui na nagluluto naman. Kumunot ang noo ko sakanya at nilapitan sya tiningnan ang niluluto nya.





THE DANCE OF LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now