Naia POV:
Magtatanghali na nang bigla akong tinawag ni kuya, "Naia, punta tayo sa big brew, bagong bukas sa may tapat ng school." At syempre dahil napapalabas din naman ako ay pumayag ako pero may naalala ako.
"Wait, hanap ka nalang iba mong kasama, try ko akitin sila Maer", sabi ko, dahil feeling ko kasi mas mag-e-enjoy ako kasama sila. Don't get me wrong na ayaw ko sa kapatid ko, lagi ko lang talaga kasama sa bahay at nakakasawa na mukha niya, plus pangit din kabonding minsan.
In-open ko na ang messenger ko at hinanap ang GC namin saka nag type.
Naia Garcia:
OIII
MAGSEEN KAYO
MAY CHISMISJulie Soroa:
ANO YONMaer Bagasbas:
SPILLTa'mo itong mga ito, basta chismis ang bilis mag seen. Mga walangya. Sinend ko yung SS ng post ng big brew na opening na today.
Naia Garcia:
Oi char lang, tagal nyo kasi mag seen
Sent a photo.
Punta us?Julie Soroa replied to you:
Kung libre mo tara
HAHAHAAHZHHSA CHARNaia Garcia:
Kafal beh
HAHAHAHHAHAHAHAMaer Bagasbas:
Ngayon ba yan?Naia Garcia:
Yup
Nakauwi na sa si Sim?
Baka magtampo HAHAHAHAHHAHANaalala ko tuloy si Sim, baka kasi magtampo. Umuwi kasi siya sa lola niya at kabilin bilinan niya sa'min ay huwag daw kaming magset ng gala ng wala siya kasi maiinggit daw siya. Niloloko pa nga namin noon na maswimming kami pagkaalis niya HAHAHAHA.
Nagpatuloy ang aming chat at sa huli, hindi na tuloy ang lakad dahil busy daw sila sa research nila. Hindi kasi kami parehas ng school. Noong junior high na kami ay sa Naga na ko pumasok samantalang sila ay dito pa rin sa Sta. Elena. Actually dalawa kaming napahiwalay nang mag JHS, ang isa ay si Kathara, 'di ko na matandaan kung saan siya pumasok, basta hiwalay kami noon sa tropa ng pinasukan. At ngayong senior high naman ay lumipat sya sa Bayani, kung saan pumasok ang the rest ng tropa kaya ako nalang napahiwalay.
Sinabi ko kay kuya na kami nalang pupunta at busy sila, pumayag naman siya. Mga mamayang 4pm daw kami aalis dahil nililinis niya pa yung sasakyan dahil inutusan siya ni daddy. Alauna palang naman kaya umakyat muna ako sa kwarto ko para gumawa ng activities.
Online class kami dahil sa COVID-19, at may sabi sabi na next school year ay magfe-face-to-face na.
Dumating ang alas tres, maliligo na sana ako para maghanda nang biglang may nag chat.
Maer Bagasbas:
San kauJulie Soroa:
Ano tara na baMaer Bagasbas:
TARA NA RITO KILA JESSAMichie Apilar:
San kayoSim Arpia:
Kila Jessa
@Julie SoroaMaer Bagasbas:
@Naia Garcia @Kathara Belenda @Zariyah BravoSim Arpia:
@Michie Apilar
@Naia GarciaNakailang mention din sila, at sinabi ko din na pupunta ako. Dali dali akong bumaba para sabihin kay kuya na mapunta ako kina Jessa. Nagpaalam na rin ako kina daddy at buti nalang ay pumayag.
Nang matapos ako maghanda ay tinawag ko si daddy para sana magpahatid pero sabi ay sumakay nalang ako, bibigyan nalang akong pamasahe.
Wala naman masyadong naging ganap. Nagkwentuhan lang at napag tripan si Michie dahil umiyak ang gaga dahil dinambahan ng aso nila Jessa. Tatawa tawa lang ako pero nakatago ako noon sa likod nila dahil takot din ako sa aso HAHAHAHAHA.
Lumipas ang sunod na araw, which is linggo na ang naging ganap lang ay nagsimba ako ng 2nd mass, nag attend ng meeting para sa CYM, may binili sa palengke para sa experiment sa PT namin at tumambay muna sa park bago umuwi. Mag-a-ales tres na rin ako nakauwi.
Dumating ang Lunes at nag aya na naman ako dahil may ganap na naman mamayang gabi. May pageant, gay pageant. Gusto ko manood, well, tumambay hehe, di naman kasi ako mahilig sa ganyan, gagawin lang palusot para makalabas ng gabi. Mamayang gabi ito gaganapin sa gym. Pinagpaalam ako ni kuya kay mama at buti naman pumayag si mama. Wala din si daddy dahil nagpa Manila para sa trabaho, malapit na kasing lumuwas ulit.
Nakarating kami sa park, magkatabi kasi ang gym at park, nauna na si kuya sa loob dahil andon na mga kasama niya, samantalang ako'y tumambay sa playground dahil wala pa kasama ko, papunta palang.
Nakaupo ako sa nilalambitinan ng mga bata, para syang monkey bars pero pa u na baliktad ang style. Doon ako tumambay at habang naghihintay at chinachat sila kung asan na, naiinis na ko sa mga bata na nandito. Hindi naman sa pagiging assuming pero parang mga nagpapapansin. Naglalaro sa may sakin tas masyadong maingay. May isang airpods ako sa tainga sa kaliwa kaya rinig ko pa rin sila. Bumaba na ko kasi pupuntahan ko na mga kasama ko, sasalubungin ko nalang ang tagal eh, narinig ko pang sabi ng bata, "yan tuloy umalis si ate". I stopped the urge to roll my eyes. Like dude, I don't like kids. Pinsan ko nga dati nasapak ko sa ulo e, napagsabihan tuloy ako ni tita na if papaluin ko daw, wag sa ulo, sa pwet nalang daw, so ayun sinunod ko, the next time, pinalo ko na sa pwet.
Ang mga makaksama ko ngayong gabi ay sina Mich, Thea, at Benedict, kasama dapat si Sim pero ang gaga nahuli ng nanay na tumakas na naman. Yan kasi di nagpapaalam, nasanay nang tumakas, pati samin hinahanap na ng nanay. Hayss.
Tinawagan ko sila sa messenger. Kay Thea ako tumawag kasi siya yung nagre reply eh.
Calling Anthea Dela Vega...
"Hoy", bungad ko nang sinagot niya na. "Nasan na kayo?"
"Sa may school na", sagot niya. Malapit na rin naman, pero pinatuloy ko na lakad ko. Palabas palang naman akong park, dadaan lang ng simbahan tas ang sunod na ay ang school kaya gora na. "Sasalubungin ko na kayo, gutom na ko, ang tagal nyo yawa"
Nag-usap pa kami habang naglalakad, tinanggal ko na yung airpods kaya naka speaker ako, tas habang naglalakad ako may lalaki sa gilid na nagpapapansin, tinawag ako, akala ko nga sila Budit na yun e, kasi malay mo tigtripan na namn ako tinaguan pala ako tas malalampasan ko na pala sila. Pero paglingon ko di naman kaya nagpatuloy lang ako, sa may gate kami nagkakita kita.
BINABASA MO ANG
Pagtingin
Fiksi RemajaA girl na hindi masyadong masunurin sa magulang, hindi mo masasabing isa talaga siyang mabuting anak dahil sa may bad sides din naman siya. Ang mga nakaka MU niya ay hindi naman tumatagal. Ang pinaka matagal siguro ay isang taon, at pinaka mabilis a...