Kabanata 19Nanghina ako pagkatapos ng pagduduwal sa lavatory habang hinahagod ni Arkiel ang likod ko. Umirap ako bago kumuha ng toothbrush at nagsipilyo. Hindi ko talaga gusto ang naiiwang lasa sa bibig ko pagkatapos ng lahat lahat!
"Everything good?"
Pagod akong tumango kay Arkiel. I still have strength to do little movements but Arkiel is worried. Tinulungan na akong ibalik ang toothbrush ko bago kumuha ng face towel at binasa 'yon. Paunti unting dinadampi ang basang face towel sa mukha ko. I can feel his hand behind me to support my balance as I hugged him loosely, almost exhausted. Nakatingala lang ako sa kanya at nakadikit ang dibdib ko sa kanya.
"I hate morning sickness," I complained.
Pansin niya ang pagod sa mukha ko. His gaze went gentle as he combed my hair gently while still wiping my face.
Laging ganito ang naging umaga ko araw araw. I'm six weeks pregnant. Nitong linggo ko lang nalaman nang minsan akong ginising ng pagduduwal isang araw at nagpatingin ako sa Obgyne. And guess what? Hindi man lang sinabi ni Arkiel ang tungkol sa pagbubuntis ko! He kept it to me for the run of a month and waited for me to discover it myself!
Naalala ko kung paano ko siya gustong supresahin no'n. Galing pa ako ng ospital at sa kanya agad ang tungo ko para sabihin sa kanya ang magandang balita!
He's on his bed, cuddling with his pillow cuz he feels sick. Mata ko agad ang nahanap nang bumukas ang pinto ng kwarto para sa pagpasok ko.
I knew he is sick so I came prepared. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. I'm not mad or irritated and this is probably from my hormones.
"You had your medicine taken?" tanong ko habang lumalakad papunta sa kanya.
"I did. Why are you here?" his voice low and husky.
I bit my lower lip. Sa tabi ng kama ako tumigil at pinagmasdan siya.
Look at your father, baby! Cuddling with his pillow cuz he can't cuddle with us cuz he's sick.
"I miss you..." naglalambing ang boses ko dahil alam kong papaalisin niya ako!
"I miss you, too. I'm trying everything to get well very soon. Just wait for me a bit."
I am still elated by the news of getting pregnant so I am unstoppable today! Ngumisi ako at umiling. Arkiel glared at me in an exhausted manner.
"Come on, Zaureen. I need you out of here..."
Matigas din kasi talaga ang ulo ko minsan. Malas lang at susundin ko pa ang gusto ko imbes na makinig sa kanya. Arkiel realized I am being stubborn again. Tinulak niya ang katawan paahon, siguro ay papagalitan ako o gusto niyang umalis na ako. Hindi nga lang alam kung paano ako kukumbinsihin na sumunod.
I pouted. "Nagtatago ka na sa'kin, Suivaro?"
"What do you mean?" lito siya ng kaonti.
"I can't believe you didn't tell me! I hate you for that!"
"Zaureen!" may diin niyang suway sa akin nang sumampa ako sa kama.
"It's been three days. Miss na kita pero nagtatampo ako sa'yo!" giit ko.
He nodded at me frustratingly as he watched me settling myself on his lap.
"May sakit ako..."
"Lagnat lang naman..."
"Kahit na," suplado niyang agap.
My lips protruded. Kinuha ko ang nakaipit na pill sa bulsa ng pantalon ko. Iginala ko ang paningin sa bed side table at nakitang may laman pa namang tubig ang baso niya. I smiled. Good!
BINABASA MO ANG
He Who Stole Her Heart (Amiche Series 7)
Romance(COMPLETED) She is never the ideal. Not even the model daughter. Zaureen Lin Levres is never after the spotlight. She is fine being in the shade of her family's glory and honorable reputation. Pangarap na ng pamilya ang magandang pangalan at ngayong...