Kabanata 13"That man is getting old. Bigyan mo na kasi!"
Siniko ko si Vicente. Sumulyap ako kay Arkiel na abala pa sa pagkakarga ng mga gamit namin sa sasakyan.
"Huwag kang malisyoso! Arkiel is still young and he's damn hot!"
Umismid si Vicente sa naging compliment ko kay Arkiel. Para kaming tangang dalawa na nagbubulungan dito.
"Bigyan mo na nga ng anak! Secure him. Bahala ka, baka maagaw 'yan sa'yo," bulong niya, may diin na at gigil nang makumbinsi ako sa gusto niya.
"Arkiel won't get over me if he ever finds a girl after me. Isa pa, hindi pa kami nagmamadali! We are enjoying our relationship and I don't think he's ready for a family."
"Not ready? Binigyan ka na ng singsing tapos inuuwi ka na sa bahay niya, still not ready?" he taunted. "You don't know how he asked me to reserve that house in Puerto just to..." his voice faded when he realized it is a secret he's spilling to me.
Nagtaas ako ng kilay. Humalukipkip na rin.
"Ano? Ano?" hamon hamon ko sa kanya.
He shook his head to remind himself not to mention it again.
"Basta boto ako sa'yo para sa kaibigan ko. Say he is young and you should take advantage of that. Magsimula na kayo habang bata pa para masundan ng marami sa susunod!"
I scoffed at his ridiculous suggestion.
"Sulsul ka, Vicente! You are giving me so much idea! I don't want that! Oh my gosh! Isusumbong kita kay Arkiel!" kunwari akong nataranta at agad na nilingon si Arkiel.
"Bebu!" sa tawag ko pa lang, nataranta na rin si Vicente.
Tinulak niya agad ako papunta kay Arkiel. I almost tripped! Mabuti na lang at bumangga ako sa likod ni Arkiel. He's done with his thing so he tended me.
"Girlfriend mo, Suivaro, ang daldal!" pahabol ni Vicente nang sumama ang tingin ko sa kanya.
"What is it?" ako ang pinansin ni Arkiel at hindi na ang kaibigan.
Umangat ang sulok ng labi ko habang nagiging mayabang na ang tingin kay Vicente. Pinandilatan niya ako na para bang sinasabi na huwag kong sabihin ang suhestyon niya.
I turned to my bebu and smiled.
"Vicente has a suggestion," sinadya kong bitinin siya sa sinasabi.
Kabadong kabado si Vicente nang nag-usap kami ni Arkiel. I don't know why he is so scared about it. It was just a simple suggestion, anyway. To have a family. What's wrong with that?
Natuwa naman ako do'n. I enjoyed toying him like this but of course, I didn't tell Arkiel about having a child. Siyempre, nahihiya ako!
"Salamat, Vicente," paalam ko nang aalis na kami.
He nodded at me. "No problem. Balik ulit kayo dito kapag may oras kayo."
I am sure to be back here.
Hapon na nang tumulak kami pabalik ng Puerto Alegre. We still have a few hours left before the sun rises for tomorrow. Bukas. Bukas na ang totoong laro.
Arkiel suggested to drive straight to San Hartin but I didn't agree. Hindi ko kayang mas matagal pang makipagplastikan sa mga Levres kaya gusto kong bukas na kami bumiyahe pa lungsod. Isa pa, namiss ko rin ang bahay kaya gusto kong umuwi na muna ng Puerto at dito na magpalipas ng gabi.
At siguro, baka bukas ng hapon na ang dating namin sa San Hartin.
"Pagod ka ba? I can drive," tanong ko nang naabutan na kami ng dilim sa daan.
BINABASA MO ANG
He Who Stole Her Heart (Amiche Series 7)
Romance(COMPLETED) She is never the ideal. Not even the model daughter. Zaureen Lin Levres is never after the spotlight. She is fine being in the shade of her family's glory and honorable reputation. Pangarap na ng pamilya ang magandang pangalan at ngayong...