"People! Last round of this fashion show! Make it work!"
This is it! Last round na tapos final walk with the designer na lang ang gagawin at makakapagpahinga na rin siya! I can't wait to end this event. Since huli na ito, ang mga damit naman na suot ng mga models na nandito sa backstage ay puro gowns na iba't ibang style and length. Nakatayo siya ngayon habang may nagma-make up sa mukha niya at inaayos din ang buhok habang yung isa naman ay inaayos ang ang damit na suot niya.
I'm wearing a white eyelet cotton slip dress with spring flowers and butterflies tube ang design na may halong swarovzki na nagkalat sa buong damit. Sa unahan ng damit ay hindi pantay-pantay ang manggas na hanggang knee length lang na pagdating sa likod ay humaba na hanggang sahig. Ang theme ng final walk ay Love in general, bawat damit ay may ibang interpretasyon ng love kaya lalong mabagal phasing ng bawat model na rarampa. May sasabayan daw kaming kanta kaya dapat makiramdam daw kami sa tugtog at sa changing of stage lights ulit.
Nagsimula na ulit magtawag si Mr. Organizer pagkatapos ng break at sa pag-aayos ng runway for the last walk. Lalong kumapal ang tensyon sa backstage at lalong nagkakagulo ang mga staff. Siguro dahil nga last walk na kaya mas mataas ang pressure kasi you have to leave a mark for the audience to remember the event. Muffled ang sounds na maririnig mo sa backstage pero pansin niya na parang live ang background music. Mellow ang tugtog na akma sa theme ng last walk.
Naiinip na siya habang inaantay ang pagtawag ng pangalan niya kung kailang malapit na matapos ay tsaka niya nararamdaman ang tagal ng oras. Base sa ilang minuto na niyang paga-antay ay iba't ibang kanta ang background music na para bang isang compilation ng mga kanta ang pinapatugtog na dumedepende sa style ng damit na mga model na rumarampa pero maririnig mo na live yung tugtog.
Napakibit-balikat na lang siya at napailing para mawala sa isip ang mga katanungan na umiibabaw sa kanya ngayon patungkol sa background music. Ano ba naman ang pakialam niya sa background music, di ba? Hindi naman siya kinuha para pakialaman ang tugtog para dito sa show kundi ang rumampa na mga damit ang dahil bakit siya nandito. Basta siya, gusto niya lang matapos na itong fashion show ng walang aberya.
"Alex! You're next!" sigaw ni Mr. Organizer sa backstage. Siya naman ay mabilisang nire-touch nung 2 staff na nakatoka sa kanya bago hinila papunta kay Mr. Organizer.
Napailing na lang siya sa mga nangyayari at nagpahatak ng walang reklamo sa kanila. Pagdating niya sa lugar ni Mr. Organizer ay nakangiti ng maluwang ito sa kanya na ikina-taas ko na lang ng isang kilay ng hindi na niya mapigilan ang sarili.
"Dear, don't walk too fast, just go with the flow. This last round is a free walk because there's a live background music that you have to synch with your walk. This is the last minute change of program alright?" mahinahong sabi ni Mr. Organizer na matapos sabihin iyon ay tumirik ang mga mata nito na nagpapakita na hindi din nito gusto ang nangyaring last minute change ng program.
Kung siya din naman ang nasa katayuan ni Mr. Organizer ay hindi din siya matutuwa sa nangyayari. Bakit kasi binago? Bumalik tuloy ang kabang nararamdaman niya kanina. Paano na lang kung matalisod siya? Long gown pa naman ang suot niya.
Napabuntong-hininga na lang siya ng malalim para maibsan kahit papaano ang kabang nararamdaman.
"Walk slowly ok?"
Napatango na lang siya.
"In 1...2...3...Go!"
Napabuntong-hininga ulit siya bago naglakad palabas ng backstage. Paglabas niya sa runway ay hindi na gaanong madilim sa paligid at parang nag-transform ang runway into a romantic atmosphere. There are roses all over the runway at may nahagip siyang isang live band sa dulo ng runway at tumutugtog. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya nang nakita niya ang isang malapad na bulto na nakatalikod sa kanya kasi nakaharap sa audience ito habang kumakanta na parang pamilyar sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/26112492-288-k315280.jpg)
BINABASA MO ANG
Echoes of the Raindrops
Aktuelle LiteraturMichael Galvex is experiencing so many regrets that keep on haunting him even when he tries to forget and leave everything behind to move on to his life. He has everything, he is popular locally and internationally as the vocalist and main composer...