“Ria...Totoo bang aalis ka na ng bansa? Paano na lang ako?” mahinang tanong ng isang lalaki sa dalaga habang nasa soccer field sila ng school.
Wala na masyadong tao sa school dahil examination week at tapos na ang lahat ng extra-curricular activities for all levels kasi end of the school year. Samantalang ang mga Seniors naman ay kailangang pumasok pa sa school kahit na mas nauna kami ng 1 week na kumuha ng final examinations at ngayon nga ay puro preparations na lang para sa nalalapit na araw ng graduation ball at actual ceremony.
Huminga siya ng malalim habang nakatingin pa din sa malawak na soccer field sa unahan nila. Hindi niya kasi alam ang sasabihin sa katabi niyang lalaki. Bago pa naman kasi natapos ang 2nd semester ng school year ay nagsimula nang lumabo ang relasyon naming dalawa at ngayon lang niya ulit ako kinausap ng masinsinan na kaming dalawa lamang.
“Ria, please talk to me?” pagmamaka-awa pa nito sa kanya.
“Iel, ikaw ang nagsimulang lumayo sa akin at hindi tumupad sa mga pangako mo...” mahinang sabi niya na hindi siya sigurado kung narinig nito iyon.
“I heard from Shane that you’ll go to the States right after the day of our graduation day... I thought you’re going to college here in Philippines? Why the sudden change?”
“...”
Naramdaman ko na lang na hinawakan ako sa magkabilang balikat at pilit na iniharap ng lalaki para magkatitigan silang dalawa. Mabilis akong nag-iwas ng mga tingin para hindi ako traydurin ng mga mata ko at baka makita pa niya ang saloobin ko. Nagsisimula na siyang makaramdam ng pamilyar na paninikip at sakit sa puso na para bang unti-unting pinipiga ang puso niya na matagal-tagal na niyang nararamdaman simula nung tumuntong sila ng 4th year nila sa high school kapag nasa malapit o kaya katabi lamang niya ang lalaki. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, nalilito pa din ako sa nararamdaman ko na hindi ko man lang mapangalanan.
“Ria, look at me. Please...” pagsusumamo ng lalaki.
Napipilitang lumingon siya sa lalaki.
Nakita niyang malungkot ang mga matang nakatunghay sa kanya kaakibat ng hindi niya mabasang mga emosyon sa likod ng mga mata nito. Wala na ang makakapal na lens ng salamin na nakaharang sa mga mata nito, ang makalumang hair style nito ay wala na din bagkus naka-clean cut na ito na akma para sa edad nila, naka-retainers na din siya kasi wala na kong makitang mga bakal sa mga ngipin nito nung bumuka ang bibig nito. Wala na talagang traces ng dating Iel na kilala ko na walang pakialam sa itsura basta magawa lang ang mga gusto nito na walang pagaalinlangan. Sa loob lamang ng isang taon ay madaming nagbago.
Ngumiti siya ng malungkot.
Wala naman kasi siyang maisip na dahilan kung bakit pa siya kinakausap nito. Simula kasi ng 2nd semester ay hindi na siya nito kinakausap tulad ng dating nakaugalian nilang dalawa kasi hindi ko siya matulungang ilakad sa gusto nitong babae na si Jane Smith na kaklase naming dalawa at naging parte ng bagong barkadang nabuo namin ngayong taon. Lahat naman ginawa ko para maging tulay nilang dalawa kaso wala talaga akong kwentang kaibigan kasi hindi nagkaroon ng progress kaya ipinagpalit niya ako sa best friend ni Jane na si Dianne para lang makausad siya sa diskarte niya kay Jane.
Matapos kong gawin ang lahat kahit na may nararamdaman siyang masakit na hindi ko maintindihan kung ano yun kapag tinutulungan ko si Iel ay gorabels lang basta makita ko lang na masaya siya, okay na ako kasi best friend ko siya. Pero nung huli ay puro mga pasakit na lang ang ginawa ni Iel sa kanya at ang last straw para umayaw na ako at bitawan ang friendship nila for 5 years ay noong pinahiya niya ako sa harap ng mga kaklase namin at kabarkada nang sabihin niyang hindi niya ako best friend at si Dianne ang best friend daw niya samantalang bago nangyari iyon ay pinapangalandakan niya na ako iyong best friend. Ang sarap sapakin di ba?! ANG ISIP BATA KASI NI IEL EH!
BINABASA MO ANG
Echoes of the Raindrops
Ficción GeneralMichael Galvex is experiencing so many regrets that keep on haunting him even when he tries to forget and leave everything behind to move on to his life. He has everything, he is popular locally and internationally as the vocalist and main composer...