“Ria...” nasambit na lang ni Mike sa kawalan habang nakatingin pa din sa likod ng dalaga na unti-unting nawawala na sa paningin niya.
This can’t be happening, bakit hindi ko man napansin na siya si Ria kanina. Galing kasi ako sa trailer van na naka-assign sa banda namin. Nagpalit lang ako ng damit nang matapos na yung concert at nagpalipas lang ng oras para mawala ang madaming tao sa venue. Nang mapansin kong konti na lang ang mga tao sa labas ng trailer van ay lumabas ako para maglakad-lakad na papunta sa parking lot kung saan nandoon yung kotseng maghahatid sa amin sa hotel na tinutuluyan naming lahat. Sila Rick ay susunod na lang sa akin, ang gusto kasi nila ay isa-isa kaming pupunta sa kotse para hindi kami makatawag ng pansin sa mga tao dahil kung sabay-sabay kami ay dudumugin kaming lahat at iyon ang ayaw niyang mangyari.
Pagod na siya at wala na sa mood na makihalubilo sa mga fans. Bago kasi kami pumunta dito sa California ay tinapos namin ang lahat ng commitments sa Pilipinas at walang pahingang dumiretso dito para lang maka-attend sa event. Lalo pa siyang na-bad trip kanina kasi habang kumakanta siya ay paglingon niya sa harap ng mga nanunuod ay nakita ko si Ria na madalas namang mangyari sa akin kaya hinayaan ko ang sarili na makipagtitigan sa babeng nakita kong Ria para man lang pagbigyan ang sarili dahil sobrang nami-miss na niya si Ria.
Lumingon-lingon ako sa paligid habang naglalakad. Hindi alintana na may ilan-ilang tumitingin sa kanya kasi hindi naman siya makilala ng mga ito dahil sa suot kong cap. Nang biglang mapadaan siya sa harap ng bathrooms at hindi napansin ang isang babaeng nakatayo sa labas ng bathroom at may hinahanap sa bag na dala nito. Huli na nang mapansin ko na magkakabungguan ko ang dalaga. Anlakas ng impact pero buti na lang nahawakan ko kaagad siya bago pa siya maglanding sa sahig.
Dahil sa nangyari ay kinabahan na siya at baka may mga lumapit na mga tao sa lugar nila ng dalaga. Naku po, huwag naman sanang makilala ako ng babaeng ito at ipagsigawan ang pangalan ko kundi lagot na talaga!
“Miss? Talk to me, please. I don’t want to get caught here, I don’t have much time...” nag-aalalang untag ko sa dalaga habang palingon-lingon siya sa paligid.
Hindi niya pa natatapunan ng tingin ang dalaga para makaiwas na din siya.
May mangilan-ngilan nang nakahinto sa paglalakad na nakatingin na sa kanila. Lalo tuloy siyang kinabahan.
“I’m alright...Don’t worry, Mike.” pabulong na sabi ng dalaga sa kanya na para bang sinadyang hindi iparinig sa ibang tao ang sinabi.
Gulat na napatingin siya sa dalaga pagkarinig ng boses nito.
Namutla siya at nanlalaki ang mga mata niya na nakatunghay sa dalaga. This can’t be real! No way...no freaking way... Lord naman, kakausap lang nating dalawa ah tapos agad-agad namang nangyayari ito. Hindi ako handa! Sana man lang may pasabi ka or nagbigay ka sana ng signs para napaghandaan ko ito.
Hindi siya nakakibo sa sobrang gulat niya habang nakatingin siya sa dalaga. Akala siguro ng dalaga na kaya siya nagkakaganito ay natakot ako dahil nakilala niya ako as Mike ng Rain kaya ngumiti sa kanya ang dalaga.
“Don’t worry, Mike. I won’t expose you. You can let me go now.” untag sa kanya ng dalaga pagkaraan na hindi ako kumibo.
Lalo kong nahigpitan ang pagkakahawak sa kanya dahil sa mga sinabi ng dalaga pati na din sa magandang ngiti nito. This is her, she’s really real and not just a part of my imagination. Wala pa ding kupas ang ganda ng ngiti niya at lalo siyang gumanda ngayon after all this years.
Nakita kong nagtataka ang dalaga sa inaakto ko at magsasalita sana siya nang may bigla akong narinig na nagsalita sa tabi naming dalawa.
“Oh, Alex! There you are! I’ve been looking for you.”
BINABASA MO ANG
Echoes of the Raindrops
قصص عامةMichael Galvex is experiencing so many regrets that keep on haunting him even when he tries to forget and leave everything behind to move on to his life. He has everything, he is popular locally and internationally as the vocalist and main composer...