CLYDE's POV
Ano bang ginagawa ko? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa amin ni Agua.Aaminin kong special ang nararamdaman ko para sa kanya pero alam kong hindi ko kayang palitan si Angel sa puso ko.
Ayokong mag-assume sa mga sinabi ni Agua sa akin kanina pero hindi ko din naman mapigilan na mag-isip na baka nga ako iyon. Hindi ako manhid.
Nararamdaman ko ang kakaibang pakikitungo sa akin ni Agua at iyon ang ikinakatakot ko.
Hindi ko siya kayang saluhin sakali man na mahulog siya sa akin.
Alam kong masasaktan siya pero mas masasaktan ko naman siya kung hahayaan ko siyang mahulog sa akin pero alam kong si Angel pa rin.
I saw sadness in her eyes nang sabihin kong hindi niya ako pwedeng mahalin.
I want to spend time with her.
I love doing some stuffs with her.
Pero alam niyo iyon, yung sintomas na malapit ka na ulit magmahal unti-unti mong makikita ang sarili mo na kasama ang isang taong hindi mo kayang kalimutan.
I am really confused of my feelings.
Pero ano nga ba ang sintomas na magmamahal ka na ulit pagkatapos nang mahabang panahon?
Yun ba yung gusto mo siyang lageng nakikitang nakangiti?
Yun ba yung masaya ka kapag masaya siya?
Tulad din ba yun nang gustong gusto mong asarin siya at pag napikon, handa kang yakapin siya para mawala ang inis niya?
Yun ba yung kapag wala siya namimiss mo siya?
Yun ba yung kapag umiiyak siya, gumagawa ka ng mga bagay na mapapangiti siya?
Yun ba yung katext mo na, katawagan mo pa, kachat at kakomentan mo pa sa FB tapos may mention pa sa twitter?
Yun ba yung hindi ka kuntento na hindi siya nakikita?
Yung tipong napapangiti ka kapag naaalala mo ang mga kalokohan niyong dalawa?
Kung itong lahat ang nararamdaman para malaman mong inlove ka na ulit, then...
Inlove ako kay Agua?
NO!
I promised not to love anyone except Angel.
Siya lang ang gusto kong mahalin.
Kailangan ko sigurong umiwas muna kay Agua.
![](https://img.wattpad.com/cover/38109771-288-k812200.jpg)
BINABASA MO ANG
THE RIVAL GHOST
General FictionCLYGUA's Novellete That 0.1% Hope Side Story Started: September 2014 Ended: December 2014