A/N:
Last part na po ito ng ClyGua.
Sana po eh suportahan niyo din ito gaya ng pagsuporta niyo sa That 0.1% Hope at The Bitter Numb. Makikita at mababasa niyo pa din naman name nila sa TBN. Anyhoo, thank you in advance.
Salamat po ng marami.
Love lots,
—CHIMIMAY
********
CLYDE's POV
Nakakatanga ng pakiramdam.
Nakakagago.
Lumabas din ako at pinuntahan ko si Angel.
"Okay lang bang pakawalan na kita Gel? Okay lang ba na mahalin ko si Agua? Gulong gulo na ako. Hindi ko kasi siya kayang mawala sa tabi ko. Akala ko kapag lumayo siya, hindi na siya masasaktan. Pero mas nasasaktan ako. Mahal ko na siya Gel. Mahal ko na si Agua pero hindi ko alam kung tama bang magcommit ako sa kanya. Hindi naman kita kakalimutan eh. Hindi ko magagawa iyon. Hinding hindi. Pero pwede bang hayaan mo akong mahalin siya? Please naman oh. Bigyan mo naman ako ng senyales na okay lang sayo. Aalis na kasi siya. Iiwan na niya ako. Kakalimutan na niya ako. At hindi yun pwede. Hindi pwede. Hindi ko kaya. Gel, please help me."
Iyon na lang at napahagulhol na ako sa puntod ni Angel.
Hanggang sa mamalayan ko nang pumapatak ang ulan.
Napangiti ako.
"Ito ba yun Gel? Senyales ba ito na pwede ko siyang mahalin? Huwag ka na umiyak. Mahal pa din kita. Pero gusto ko din sumaya. Yun din naman ang gusto mo di ba?"
Tila naririnig ako ni Angel dahil lalong lumakas ang ulan.
Napangiti ako.
Nakapagdesisyon na ako.
PATRICK's POV
Hindi ko alam kung bakit may POV ako eh tapos na ang kwento. HAHA.
Well, kasi kinausap ako ni.. ano ngang pangalan nong lalaking nanakit sa mahal ko?
Ah basta, kinausap niya ako.
Sinabi niya sa akin na tulungan ko daw siyang makausap si Agua. Siyempre hindi muna ako pumayag. Sinaktan na nga niya eh. Pero sinabi niya sa akin na nakapagdecide na daw siya. Handa na niyang pakawalan yung ex niya para kay Agua.
Usapang lalaki sa lalaki tol. Kaya nagplano kami kung paano niya makakausap si Agua.
Alam kong sa gagawin ko magiging masaya na siya.
AGUA's POV
Sobrang nakakalungkot na iiwan ko pansamantala itong bahay na ito.
BINABASA MO ANG
THE RIVAL GHOST
General FictionCLYGUA's Novellete That 0.1% Hope Side Story Started: September 2014 Ended: December 2014