IKATLONG KABANATA

101 2 0
                                    

ZOE's POV

 

Natatawang naiiling na lang ako sa nangyayari kay Agua.

Hanggang ngayon ba naman po kasi ay tulala pa din at nakahawak pa din sa labi niya.

Ibinaba na namin ang dala naming gamit at nakita kong papalapit na din naman sa amin si Clyde.

Nakatungo lang si Agua.

Hindi pa yata bumabalik ang kaluluwa niya sa lupa mula ng siya ay mahulog sa tubig.

"Hey best! naputulan ka ba ng dila? Kanina ka pa diyang hindi gumagalaw ah" — sita ko sa kanya

"Ah., Eh. Am.." — Agua

"Hoy! Ano ka ba naman Agua? Naengkanto ka ba at ganyan ka na magsalita?"— sabi naman nitong si Charm.

"Yata...." — Agua

"Malala na ang tama niyan guys!" — May

"Uso isarado yung bibig. Kakahiya naman kasi sa akin na harap harapan mong ipinapakitang naglalaway ka sa akin."

What the?

Pigil pigil ko ang tawa ko sa sinabi ni Clyde.

Imagine this cool guy said that thing? Eh gawain lang yun ni Harry at Crein eh -_____-

"Hindi naman ako naglalaway sayo nuh!" — Agua

"As if I will buy your alibi." — Clyde

"Pssh. Nashock lang naman ako sa pagkakahulog ko sa tubig."

"Defending yourself?"

"No I'm not."

"Eh ano lang pala?"

"Ang sama mo."

"Kung masama ako, hindi na sana kita iniligtas."

"Masama ka talaga. Nanunumbat ka ng ginawa mo."

"You should be thankful kasi nga iniligtas kita."

"Well thank you! Next time kahit magpapasag ako dun sa gitna ng tubig, wag mo na akong lalapitan."

"Okay. Sabi mo eh."

"Hey! Tama na nga kayo diyan at baka kung saan pa matuloy yang bangayan niyo."

Pinatigil ko na silang dalawa na mukhang magpapanabong na.

Hmmm.

Seems I've seen this before.

Not once but twice.

Una sa amin ni Harry

Sunod kina Crein at Zhy.

Not bad kung Clyde and Agua?

"Kayong dalawa lage niyo ng pinagdiskitahan yang spray na yan." — natatawang sabi ko na lang.

"Eh kasi naman ang daming langgam." — Clyde

"Sus, inggit ka lang kasi wala kang kalanggaman :))))"

"Anlahoy!"

"Ayan o si Agua. Naghahanap yan ng kalanggaman ^_____^!" sabay nguso ko kay Agua na kasalukuyang punumpuno ang bibig ng kinakain nitong chocolate cake.

Napatingin naman sa amin si Agua at tila nagtataka kung bakit kami nakatingin sa kanya.

"Bakit?" — Agua

"Lalanggamin talaga ang babaeng yan. Sobrang kalat ba naman kumain ng cake." — ani Clyde na dumukwang palapit kay Agua at pinahid ang icing ng cake na nasa gilid ng labi nito.

THE RIVAL GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon