IKAANIM NA KABANATA

68 3 0
                                    

KINABUKASAN

Nagising ako sa walang tigil na pagtunog ng doorbell. Inis akong tumayo para tingnan kung sinong may balak sumira ng doorbell ko.Tila nawala ang antok ko sa nakita kong nakatayo sa harapan ko.

Si Clyde.

"Anong ginagawa mo dito?" — malamig kong tanong

"Hindi mo kasi sinasagot ang mga text at tawag ko. Tapos kagabi dumaan ako dito sarado pa ang ilaw ng bahay mo. May isang kotse akong nakitang palayo dito kaya nag-alala ako sayo."

"Tapos ka na?"

"Huh??"

"Makakaalis ka na."

"Anong??"

"Alin sa sinabi ko ang hindi malinaw? Kung tapos ka na sa sinasabi mo, makakaalis ka na. Aga-aga mong mang-istorbo."

"Nag-alala lang naman ako sayo eh."

"Hindi mo obligasyong mag-alala sa akin."

"Ano bang nangyayari sayo Agua?"

"Bakit ba ang kulit mo Buenavista? Hindi mo ba ako naintindihan sa mga sinabi ko kagabi? DO ME A FAVOR and LEAVE ME ALONE!"

"Yun ba talaga ang gusto mo?"

"Pagod na akong bigyan ng pag-asa ang puso ko. Please, if you really care for me. Do that. And I'll appreciate that."

"I'm sorry."

Iyon lang at tuluyan na siyang umalis sa harapan ko.

Agad kong isinara ang pinto at napahagulhol na lamang.

Hindi pala madali.

Hindi madali ang kalimutan ang taong mahal na mahal mo.

Hindi madaling sabihin sa puso mo na tama na kasi nasasaktan ka na.

Narinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya agad naman akong pumunta sa kwarto ko para tingnan kung sino ang tumatawag.

Si Patrick.

Agad ko iyong sinagot.

"H..hello?" — ako

"Naistorbo ba kita?" — Patrick

"No. Gising na ako kanina pa."

"Teka.. Are you crying?"

THE RIVAL GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon