Calliopi (PoV)It's been a week nong naaksidente ako gamit ang scooter bike ko. And hanggang ngayon hindi ko pa alam kung sino yung tumulong sakin. Hindi ko kasi matandaan kung sino yung na-encounter ko nong gabi na yun sa sobrang kalasingan eh. But dad said na valeste daw pangalan nya, buti nalang may tumulong pa sakin nong gabi na yun at nagpapasalamat talaga ako sa kung sino man yung taong nag-abalang tumulong sakin.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni averi, hindi pa ako naka get over. Syempre masakit parin sakin na ipamukha na hanggang magkaibigan lang kami. Ikaw kaya ma friend zone ng ganun? Masakit talaga yun noh.
Naisipan ko naman na pumunta sa malapit na bar para atleast kahit papaano mawala yung sakit na naramdaman ko at mawala narin sa isip ko yung mga sinabi nya.
Pagkalabas ko naman ng bar na lasing na lasing, nag drive parin ako sa scooter ko at namalayan ko nalang na natumba na pala ako. Buti na nga lang di masyadong malakas yung pagkaka drive ko. Dahil kung hindi, hindi lang injured ang aabutin ko. Ngayon ok naman na yung na injured ko na braso. Tsaka medyo nawawala na din yung sugat ko sa tuhod.
Habang kami naman ni averi ngayon.. gaya ng sinabi ko. Hindi ko na nga sya iniiwasan at pinipilit ko nalang sa sarili ko na tanggapin nalang ang lahat saamin. Tinanong nya ako kung ano ang nangyari sakin nong nakaraan kung bakit umabsent ako at kung bakit may band aid ako sa braso, sabi ko nalang may emergency kaming pinuntahan ni dad sa province at may nangyari saking maliit na aksidente. Hindi nya pa talaga alam kung ano nangyari sakin maging sila dev.
Nakatingin lang ako sa nagpa-practice na mga cheerleaders ngayon kasama si averi. Ang galing talaga nya!
"Calli!" Kinawayan nya ako at ganun din ako sa kanya.
Pinapunta nya ako sa practice nya ngayon kaya heto, nanunuod lang. Sabi nya namimiss daw nya akong nakatingin sa practice nila kaya pinayagan ko ang sarili kong manuod sa kanya ngayon.
Nangunot naman ang noo ko nang lumapit ito sakin. Ah, baka kailangan lang nya ng tubig.
Kinuha ko ang tubig sa bag ko at ibinigay ko ito sa kanya nang makalapit sya na kaagad nya namang kinuha at ininom.
"May sasabihin ako.." nakangiting ani nito at umupo sa tabi ko.
"Ano yun?"
"May date kami ni merk mamaya, sama ka please.." sabay lingkis ng braso nito sakin.
"Ave, ano ka ba.. date nyu yon. Hindi ako pwede sumama." Ngumuso naman ito.
"Ayus lang naman yun eh, sige na naman calli.. I miss hanging out with you."
"Eh di.. ibahin natin yung atin. Iba yung date nyo as a jowa, iba naman yung atin as a bestfriend."
I can't bear to see their sweetness. Alam naman nyang nagmo-move on pa ako papasamahin pa ako tch.
"Eh calli, alam mo naman na first time ko lang lumabas with boyfriend. Need ko ng chaperone."
"Ayun naman pala.. alam mo, magpasama ka nalang sa ibang friends mo--"
"No! Ayoko! Gusto ko ikaw."
"Pero--"
"Mamaya at 6 pm ok? I'll treat you mamaya." Sabay kindat nito sakin at umalis sa harap ko.
Napabuntong hininga nalang ako.
Meisi (PoV)
I was checking my student's paper when I suddenly notice the witten paper of Ms. Calliopi Monverde.
YOU ARE READING
Never Thought
RomanceI am not a fvcking gay. I don't like dumb people. But I Never thought... that I would fall in love with my dumb lesbian student. "I LOVE YOU! YOU DUMB FREANKIN' IDIOT!"