Chap 7

453 20 1
                                        


Calliopi

Pagod na napabagsak ang ulo namin ni dev sa table.

"Na drain utak ko don, p*ta."

"Ako din." Pagod na sagot ko kay dev.

"Ano ba nangyari?" Tanong naman ni yangken. Matamlay naman akong nagtaas ng tingin.

"Pano ba naman, ang taas hng quiz namin kanina. Hindi namin alam na magpapa-surprise quiz pala si ma'am. Tapos pagkatapos naman ng quiz, ginamit nya pa ang time ni Mr. Paler dahil wala naman daw ito at pumayag  naman raw si sir na gamitin yung time nya. Kaya ayun, nagpa-oral si ma'am kanina at talagang kami pa ni dev ang binatatan sumagot sa mga tanong." Mahabang lintaya ko.

"Tapos ang hirap pa, yung mga tanong nya wala naman sa diniscuss at sa coverage na sinend nya! Agh, nakakainis kanina hindi ko nasagutan ang isa! Napahiya na naman tuloy ako!" Tch. Kala mo naman sya lang.

"Buti ka nga isa lang, ako dalawa! Hayyss, mas nakakahiyaaa!!" Iniuntog ko pa ulo ko sa mesa.

"Ayus lang yan, parte naman yan ng pagiging studyante natin." Sabi ni reese.

"Kaya nga, ang kaso.. parang kami talaga pinuntirya ni ma'am kanina sa oral eh. Huhu.. grabe si ma'am."

"Siguro dahilan yun nong isang araw dev." Napatingin naman sakin si dev. "Yung pinapunta tayo sa detention dahil nalate ka at palihim kitang sininyasan papasok sa loob? Baka yun ang dahilan kaya tayo binanatan kanina."

Pagkatapos nong araw na yun nagpunta nga kami sa detention at don na kami binigyan ng punishment. Pinalinis kami ng comfort room kaya pag uwi, pagod. Hays. Nadamay pa ako kay dev! Pero ayus lang dahil atleast nasamahan ko sya. Ganyan ako kabait na kaibigan hehe.

"Tss.. parang yun lang eh." Reklamo naman nito.

"Nako, ganyan talaga si ma'am vastes, kapag meron syang hindi nagustuhan sa behaviour ng studyante nya.. papahirapan nya ito." Sabat naman ni jea.

"Oo, pero sa tingin ko ang isa sa dahilan ng pagpapahirap nya sa inyo kanina sa oral ay nakita nya kayo kahapon na papasok sa karaoke." Agad nabaling ang atensyon namin kay bakla.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Duh, nakita ko kaya kahapon si ma'am sa mall na may kasamang hot guy, mukang nakatingin nga sya sa direksyon ninyu nong papasok palang tayo sa karaoke night eh. Akala ko naman wala lang yun. Nakalimutan ko studyante nya kayo at may balak na palang magpa long quiz at oral kinabukasan para siguro bigyan kayo ng leksyon na unahin ang studies nyo Hahahah.."

"Sh*t, may punto si bakla dev, baka yun nga dahilan." Napahilot nalang si dev sa noo nya.

"Agh, bahala na, tapos narin naman."

"Psh, oo nga naman.." nakalumbaba na sagot ko nalang.

"Ms. Monverde at Ms. Alizar." Agad kaming napatingin sa likod at nakita namin si President Phio.

Luh..

"Pinatawag kayo ni ma'am vastes sa office nya."

Nagtinginan naman agad kami ni dev at parehong napalunok.

Meisi

I scoof when I saw how terrified they are .

"Enjoying last night, huh?"

They are just looking down while calliopi is fidgeting her fingers whenever she's nervous as I notice.

"Answer me." I said in an intimidating tone.

"N-nakita nyo po pala--"

"Yes, I did." I said with no emotion. "Instead of studying at home like I have always mentioned. Ayun, Nagpakasaya lang kayo. I even saw how you both keep on laughing while entering at the karaoke. It's that fun, isn't it? Now, look at your scores." Nilapag ko kaagad ang papel nila sa mesa.

Never ThoughtWhere stories live. Discover now