Chap 26

372 21 17
                                    

Calliopi

"Ave, anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko nang mapansing nandito sya sa loob ng court, nanunuod ng laro namin sa basketball.

PE class kasi namin ngayon kaya kahit ayokong maglaro, syempre wala akong magawa kasi for grades namin to.

Imbis na sagutin ako nito ay inabutan ako nito ng inumin habang nakangiti na takang kinuha ko naman. Nagulat naman ako nang punasan din ako nito ng towel.

"Magaling ka palang maglaro ah. Bakit hindi ka sumali sa women's basketball during intramurals?" Tanong nito habang patuloy parin sa pagpunas sakin.

"Tch. Ayoko, baka pag sumali ako mas madami akong magiging admirers hahahaha"

Biro ko sabay inom ng tubig. Natigilan naman ako nang mapansing natigilan rin sya sa ginagawang pagpunas sakin. Nawala na rin yung ngiti sa labi nya.

"I won't let that happen"

Kumunot ang noo ko dahil may ibunulong sya na hindi ko narinig.

Kahit ramdam kong parang nawala yung gana nya ay ngumiti naman ito kalaunan sakin kaya ipinagsa walang bahala ko nalang ang biglang pagpalit niya ng mood.

"Anyways, after ng PE class mo sabay tayong mag-lunch. Nang tayong DALAWA lang." Inimphasize pa nya yung 'dalawa'.

"Uhm.." napakamot ako sa ulo. "Sabay nalang tayo kina--"

"No, kailangan mong bumawi sakin. Hindi natuloy yung lakad natin kahapon kaya kailangan mong bumawi ngayon. And besides, palagi mo namang kasama yung mga friends mong kumain eh, so why not tayo naman magsabay diba?" Natawa naman ako.

"Ave, ano kaba? Eh halos araw araw na nga rin tayong magkasama eh." She pouted.

"Why? Nagsasawa ka na ba?" Napailing nalang ako habang natatawa parin.

"Syempre hindi no, ok sige, sabay tayo mag lunch mamaya." Nasabi ko nalang.

Lunch break came kaya nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko na hindi muna ako sasabay sa kanilang kumain.

"Tch. Nawawalan ka na ng time samin ah. Pansin namin palagi mo nalang kasama si ave." Patampong saad ni yangken.

"Oo nga yopi, simula nong mag break sila ni merk palagi ka nalang non inaayang lumabas." Reese.

"Well, what can you expect? Nong wala pa nga sila ni merk palagi nya rin inaayang lumabas tong si yopi eh, tapos nong magkaroon ng relasyon yung dalawa, nawalan na ng oras kay yopi. At ngayong wala naman sila ni merk.. bumalik na naman sya sa pagiging clingy bestfriend nya. Tch. For sure kapag magkabalikan yung dalawa o magkaroon na naman ng boyfriend yun mawawalan na naman ng time yun kay yopi." Dagdag naman ni bakla at napa-buntong hininga nalang ako.

"Hayaan mo na ryan, baka malungkot lang yun kasi nga kaka-break lang nong dalawa kaya sinasamahan ko lang kasi baka need nya ng company."

"Nako, ewan ko sayo. Gustong gusto mo lang makasama yung tao eh."

"Haist, ano ka ba? Walang malisya yung pagsama ko sa kanya. Isa pa, as a friend nalang talaga yung pagka gusto ko sa kanya ngayon noh--"

Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko nang marinig kong tumunog ang phone ko.

Tiningnan ko ang caller at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko nong pangalan ni ma'am ang nakalagay sa caller.

Luhh..

Ito yung second time na tinawagan ako ni ma'am!

Lumiwanag ang muka ko saglit pero agad ring nawala nong maisip kong baka may kailangan lang.

Never ThoughtWhere stories live. Discover now