"Are you okay?" Maysen worriedly asked.
I just stare at him like he was the most stupid person right now to ask that while I am gasping for air.
Katulad ng sinabi nila kanina, lumabas nga kami ng mansion, na kung saan ay iyon lamang ang tanging mataas na gusali dito. Bukod doon ay puro isahang palapag lamang ang mga bahay at shops.
And speaking of this place, paanong hindi ako magha-hyperventilate? I am completely lost! It's like I am living in a dream. It is just-
"Superficial, right?" Vigor said, pointing out what I was thinking just now, like a mind reader.
I looked at him and found that he is intently staring at the view of what they called a city.
Umayos ako ng tayo dahil hindi ko talaga kinaya ang nakikita ko ngayon to the point na napahawak ako sa pader malapit dito sa kinatatayuan namin.
Muli kong tiningnan ang syudad na tinatawag nilang Amber City. Aakalain mong nanaginip ka dahil ang paligid ay hihigit pa sa depinisyon ng salitang maganda.
May mga malilit na shop sa gilid ng kalsada na maayos ang pagkakagawa, hindi minadali. Pinalalamutian ito ng magagandang mga bulaklak ng bonggambilya na kapag hinahangin ay wari'y nagsisilbing confetti sa daan. Malinis ang kalsada na dinaraanan ng mga nakabisekletang mamamayan upang mamasyal, tumingin-tingin sa mga shop, magpadala ng dyaryo at sulat at marami pang iba.
Don't they have cars or something?
Ngunit hindi lang 'yon ang dahilan upang maging ganon ang reaksyon ko-kundi ang malalagong mga puno na kahit malayo ay natatanaw kong nakapalibot dito sa lugar na ito.
Para kaming nasa isang snow globe at ang mga puno ang nagsisilbing glass. Ang kalangitan ay maliwanag. Inilibot ko pa ang aking paningin at nakita na ni isa, bukod sa mansion, ay talagang puro pang isahang palapag lamang ang mga kabahayan dito kaya naman makikita mo pa rin ang nasa dulo-kundi ang nagtataasang mga puno. Wari'y may nagbabadyang kapahamakan sa likod ng mga ito.
Napalingon ako sa kabilang dako ng kalsada, kung saan naroon kami ngayon, at nakitang may mga tumutugtog ng iba't-ibang uri ng instrumento. May mga nagpipinta rin at nagguguhit ng mga taong lumalapit dito. Masasaya ang mga ito ngunit napansin ko na hindi sila nanghihingi ng perang kapalit, bagkus ay may binibigay ang mga customer sa mga ito na para bang calling card.
"That side of the street is called Artes. A place where varieties of artists are performing and showing their artistic side to make a profit." paliwanag sa akin ni Maysen nang mapansin na nakatitig ako roon.
Napakunot ang noo ko. "But I saw it. The customers don't pay money. Instead, they are handling cards to them."
"Simply because we don't use any currency aside from using our skills." pagpapatuloy ni Vigor nang marinig ang pinagu-usapan namin. Tumingin ako rito at pinahiwatig na hindi ko pa rin naiintindihan ang sinasabi niya.
Mukhang naintindihan naman nito at mas lalong ipinaliwanag sa akin. "In this place, it's what we called Collins Ideology. Dalawa ang tinutukoy nito. Una, kung gusto naming bumili ng mga bagay na kailangan namin, dapat sapat lamang sa pangangailan, bawal ang sumobra dahil kailangan din naming isipin na may mga taong nangangailangan din. Pangalawa, ang ipinambabayad namin ay kung ano ang kaya naming ialok." mahabang pagpapaliwanag nito.
"Just look over there," ngumuso si Maysen sa isang bakery shop na ang pangalan ay Karol's. Lumabas dito ang isang middle-aged na babae na nakasuot ng puting coat at kasalukuyang tinitingnan ang orasan sa palapulsuhan nito habang may bitbit namang brown paper bag sa isang kamay. Malamang ay tinapay ang laman nito na mula doon sa Karol's.
BINABASA MO ANG
Confidential File: Dungeon of Axlberm
Science FictionWhat if there is a world where there is no hunger, pollution, corruption and discrimination? What if this world can give the life of the starving and dying citizens of the Philippines been wanting for? A place we can call Utopia or the desired socie...