𝗜𝗩

4 2 0
                                    


"Aces are those people you've seen in the frames in the manor. Collins is the school of thought who made ideologies na hanggang ngayon ay sinusunod namin. While Hannes bloodline is the one who is in charge of agriculture, Zachary is for industrial. They are the founders of the Axlberm and the reason for what we have today," paliwanag ni Vigor nang tanungin ko ang tungkol sa mga bloodlines na nabanggit niya. "They mastered every field of education to a point where they can build a city with the desired society."

"And where there is no hunger." dugtong ni Maysen.

"At kapag walang magugutom, walang krimen, makakapag-aral nang maayos ang kabataan, walang kailangang magtrabaho nang hindi naman gusto,"

"Higit sa lahat," Vigor paused, leaned on the table, and intently stare at me. "We can love anyone regarding what sexuality we have without people judging us." he said.

Umiikot pa rin sa isipan ko ang mga sinabi sa akin nila Maysen at Vigor. Kung paanong nagkaroon ng ganito paraiso, kung paano itinaguyod na magkaroon ng mapayapang buhay ang mga tao.

Nasabi rin nila na kaya't ikawalo si Vigor sa Aces ay dahil kailangan may magmamana ng lahat ng tungkulin ng isang Ace at pamunuan ang ibang bloodline.

Napapikit ako at nilagay ang braso sa noo. Nandito ako ngayon sa kwarto kung saan ako nagising. Nang matapos kasi ang senaryo doon sa library, bigla na lamang nagwalk-out si Vigor habang sumunod naman sina Guilliana, Evo at Naddielade sa kaniya. Ni hindi ko na nga natanong kung anong ibig sabihin ng huli niyang sinabi. Tanging si Maysen ang naiwan na kasama ko at sinabing doon ko sa library makukuha ang mga kasagutan sa iba ko pang mga tanong.

Isa pa ang Welvory Hannes na iyon. May kakaiba sa aura niya na kung saan ayokong maiwan sa iisang silid na tanging siya ang kasama. Pakiramdam ko ay hindi ako makakalabas nang walang galos. Ang paraan ng pagtitig niya, may nagbabadyang panganib.

All these beautiful men are so troublesome!

Bumangon ako at umupo sa dulo ng kama. Pinagsalikop ang dalawang kamay at itinungkod sa hita ang mga siko. Iniisip ang lahat ng tungkol sa lugar na ito— ang Axlberm.

Bakit hindi nila nagawang gawin ang mga ito sa buong bansa? Bakit dito lang?

Napapikit ako sa inis sa ideyang masyadong makasarili ang mga founders ng lugar na ito upang hayaan na ganon ang sitwasyon sa labas.

Napatingin ako sa pinto nang may biglang kumatok.

"Zakia, it's me." rinig kong sambit ng nasa labas.

Napataas ang kilay ko.

Anong ginagawa niya rito? Humupa na ba ang drama niya?

Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan upang buksan ang pinto.

Bago ko pa mahawakan ang knob ay nahagilap ko ang repleksyon ko sa salamin.

I was wearing a black sweater that Vigor let me wear. My hair is kind of messy.

I want to go home.

Umiling-iling ako.

Let's not think about that for now.

Pinihit ko ang seradura at nakita ang kalmadong nang mukha ni Vigor. Nakasuot ito ng simpleng gray shirt at sweat pants. His hair is kind of messy just like mine. Napatingin naman ako sa lalaking kasama nito.

Confidential File: Dungeon of AxlbermTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon