Chapter 1

22 0 0
                                    

Ako si Jeongu, 25 years old, single, huwag nyo ng tanungin kung bakit wala pa akong asawa, may hinihtay kasi ako. By the way isa akong High School Teacher sa kilalang paaralan dito sa Seoul, South Korea.

Isang gabi, chi-neck ko ang facebook account ko, at ang page ng dati kong school nung high school palang ako, nakita kong, naroon pa pala ang mga picture namin ng mga dati kong high school friend, biglang na refresh sa utak ko ang mga sandali kasama ko sila, at kung gaano naging mahalaga ang bayan na iyon sa akin.

Hanggang sa mga ilang sandali, nakita ko ang picture naming dalawa ng class president namin, sya si Yang Ayeong. Actually sya ang first crush ko, hanggang ngayon ay naghihintay parin ako sa kanya, kahit na malabo ng mangyari iyon. Maraming dahilan kung bakit malabo ng mangyari iyon. Una, baka nakalimutan nya na ako at hindi nya na ako tanda. Pangalawa, baka may asawa na sya at nagkapamilya na. Pangatlo, baka wala na sya dito sa Korea ngayon.

Mga ilan pang sandali ang nakalipas, tumawag sa akin ang dating kong matalik na kaibigan, si Dokwon, ibinalita nya sa akin na pumanaw na ang lolo ni Yokho. Tinanong ni Dokwon kung makakapunta ba ako sa burol, ang isinagot ko lang ay indi ko pa sigurado kasi, marami akong ina-asikaso. Pero ang sabi ko sa sarili ko na kailangan kong pumunta kahit saglit lang.

My First CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon