Chapter 5

4 0 0
                                    

At ito na nga, hindi ko sinasadyang makalimutan ang sinabi sa akin ni Ayeong, actually hindi ko naman talaga nakalimutan, na late ako ng gising kaya hindi ko na sya na abutan. At pag dating ko sa classroom, nakatingin na nanaman sa akin si Ayeong, at nag papasalamat din ako kasi tinigilan na kami ng mga kaklase namin sa pang-aasar.
Hanggang sa dumating ang Math teacher namin.

"Sino ang makakasagot sa formulang ito?"

Yumuko ang lahat, kasi hindi nila alam, Math kaya yan. At tinawag ni Ma'am si Ayeong.

"Yang Ayeong."

Tumayo naman agad si Ayeong. Teka at hindi pa pala tapos si Ma'am, may katuloy pa ang pagbanggit nya ng pangalan ni Ayeong.

"Yang Ayeong's boyfriend."

Umupo naman agad si Ayeong dahil hindi naman pala sya, at nabigla ang lahat. Ako naman na si walang kamalay-malay ay nagmumuni-muni.

"Jeongu, Jeongu."

Pabulong na tawag sakin ni Dokwon.

"Ah..??"

Nabigla ako at sabay tingin kay Ma'am. Habang ito na mang mga kaklase namin ay nagsimula na naman mang-asar.

"Choi Jeongu, alam mo ba sagutin ito?"

"Ah.. ahh.. ah, sorry po Ma'am hi.. hindi ko po alam."

Pautal-utal kong nasabi.

Hanggang sa mag uwian na. Habang naglalakad ako sa daan ay may nakita akong Boxing Gym, bigla ko tuloy naalala yung sinabi sa akin ni Brown Bear, kaya pumasok ako ng Gym, may tao doon at ang sabi nya sya daw ang Manager doon, pinasuot nya ako ng Boxing Gloves para hindi daw ako masyadonf masaktan.

Hanggang sa isang sandali ay nakita kong may pumasok ba isang lalaki, patay si Brown Bear pala, dito pala sya nagte-training sa Gym na 'to. Tumakbo ako papalabas ng Gym, doon ako lumabas sa likod ng Gym para hindi nya ako makita.

Pero ng lumabas ako, nakita kong bigla si Ayeong, inaya nya akong sumabay na umuwi. Pumayag naman ako.

"Jeongu, nag-aaral ka ng boxing?"

"Ah? ahaha.. Pano mo nalaman?"

"May suot ka kasing Boxing Gloves."

Sabay tingin ko naman sa kamay ko at dali-daling hinubad.

"Pinapaghandaan mo ba ang laban nyo ni Yokho? Hindi sya masamang tao."

Hindi lang ako umimik.

Hanggang sa dumaan kami sa tulay na bato, at muntik ng madapa si Ayeong, naka alalay naman ako bigla, pero imbis na gawakan nya ang kamay ko nauna sya sa akin.

Tapos lumingon sya sa akin.

"Jeongu, Bakit mo ako inayang makipag date sayo?"

Seryosong tanong nya sa akin.
Hindi ako naka-imik.

"Sana maging totoo ka sa akin, Interesado lang akong malaman."

Pahabol pa nya.

Gusto ko sanang sabihin, sa kanya na.. Pero ang ginawa ko lang ay lumapit ako sa kanya at tinakpan ang dalawang tenga nya.

*BACKGROUND MUSIC "Maybe by Kim Hyung Joong"*

"Sekreto lang natin 'to haa.."

Hanggang sa nilapit ko ng unti-unti ang mukha ko sa mukha nya, at hinalikan ko sya sa noo. Hindi sya nailang o pumalag man lang, at wala rin naman akong intensyong gawin yun sa kanya, pero hindi ko alam kung bakit ko nagawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon