Chapter 3

9 0 0
                                    

Kinabukasan narinig ko na nag-uusap sina class president at ang kaibigan nya sa roof top. Pinakinggan ko naman kasi bigla kong narinig na binaggit ang pangalan ko.

"Ayeong, ito oh, uminom ka muna.. Hindi ba cute naman si Jeongu, atsaka cool sya."

Natuwa naman ako sa sinabi ng kaibigan nya, hindi ko alam na may ganito pala aking appeal.

"Huh? sinong Jeongu?"

"Si Choi Jeongu, yung bagong transfer. Tss kunwari ka pang hindi mo alam eh ikaw ang class president"

"Ahh, sya ba? bagong salta lang sya dito kya gusto kong lagi ko syang utusan."

"Haa?? ibig sabihin pinagti_tripan mo sya?"

"Hindi noh, ako ang class president, kaya sa ayaw nya at gusto, susunod sya sa akin."

Nainis naman ako sa narinig ko sa kanila, gagawin nya akong utusan, kala ko pa naman mabait sya, kaya pala sa akin nya pinalabhan ang mga kortina. At ng nasa classroom na ang lahat, ay bigla naman syang lumapit sa akin.

"Choi Jeongu, pwede bang kunin mo yung Table of Elements sa Faculty?"

Hindi ko pinansin ang sinabi nya sa inis ko.

"Jeongu, kinaka-usap ka ni class president."

Bulong sa akin ni Dokwon. Tinignan ko lang sya.

"Sige salamat nalang, ako nalang ang kukuha."

Hanggang sa umalis sya ng nakatitig lang ako, hanggang sa tumayo ako at tinawag ng malakas ang pangalan nya.

"Class President!!"

Napatingin ang lahat sa amin, lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa balikat habang nakatitig ang lahat sa amin.

"Class President, kukuni ko ang pinapakuha mo, sa isang kundisyon."

Napatigil ang lahat ng ginawa ko iyon, pati si Ayeong.

"Pwede ba kitang ayain mag-date?"

Gulat na gulat ang reaction ng lahat.

"Si.. si.. sige.. okay lang."

Gulat din na reaction ni Ayeong. Biglang tumahimik ang lahat, at nang ilang sandali lang, naghiyawan na ang lahat, at panay ang kantiyaw sa aming dalawa. Hanggang sa hindi na tumuloy si Ayeong sa paglabas ng classroom, pumunta sya sa kanyang upuan ng nanginginig at para bang nahihiya.

Habang ako naman ay hindi naka-alis sa aking pwesto, nanginginig din at hiyang-hiya. Hindi ko alam kung bakit at paano ko nasabi ang bagay na iyon sa kanya. Hanggang sa sinamahan nalang ako ni Dokwon na lumabas para kunin ang pinapakuha ni Ayeong.

Nang pabalik na kami ng classroom.

"Jeongu, nagulat ako sa ginawa mo kanina ah, sabihin mo nga san ka kumuha ng lakas ng loob mo? gusto mo ba sya huh? huh?"

Habang ako naman ay tulala pa sa nangyari. Ng makabalik na kami, inabot ko sa kanya ang pinapakuha nya.

"Cl.. cl.. class president.. i.. ito na pala yung pinapakuha mo."

Nanginginig na pag-aabot sa kanya.

"S.. salamat.."

Nang sinabi nya na iyon, nag tilian nanaman ang mga kaklase namin at kinantyawa naman kami. Nalaman agad ng buong eskwelahan ang ginawa ko, sa kadahilanang sya ang top student sa buong eskwelahan namin. At ang dating Invisible man ay tinawag ng famous man.

Habang papalabas na ako ng eskwelahan, ay pinagtitinginan ako kasama si Dokwon. Maraming bumubulong, ngunit ang ginawa ko lang ay taas noong naglakad at pinagmalaki ang pag-aya ko kay Ayeong.

*habang nag lalakad papalabas sa hall, BACKGROUND MUSIC "Paradise by T-Max"*

My First CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon