Chapter 4

4 0 0
                                    

At kinabukasan, pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom namin, inaasar na naman kami ng mga kaklase namin. Ginagaya pa nga nila kung paano ang mga reaction namin kahapon. Natatawa lang ako na nahihiya. Hanggang sa may ina-nounce sa amin ang class president namin.

"Okay class, sino ang gustong mag volunteer sa darating na National Singing Contest?"

Bigla naman nagtaas ng kamay at sumagot ang isang kaklase namin.

"Sige Juno, may sasabihin ka?"

"Yung lola ko kasi, gusto niyang sumali doon"

Pabiro nyang sinabi, lahat naman ay nagtawanan.

Bigla ko naman din tinaaas yung kamay ko at nag volunteer, nag umpisa nanaman ang mga kaklase ko mang asar at maghiyawan, napatigil nalang bigla si Ayeong. Ang totoo nyan kaya ako nag volunteer, para may representative ang school namin, hindi naman sa pagmamayabang pero marunong akong kumanta.

Makalipas ang ilan pang oras, recess time na, lumabas ako saglit para magbanyo. Pero pagkalabas ko ng banyo, bigla kong nakita si Brown Bear sa hindi kalayuan, at sa takot tumakbo ako. Ng medyo makalayo na ako ay may tumatawag sa pangalan ko.

"Choi Jeongu.. Choi Jeongu.."

Ahh, si class president nanaman pala, hingal na hingal sya.

"Ang bilis mo palang tumakbo kanina pa kita hinahabol."

Nagtaka naman ako kung bakit nya ako sinusundan, nang bigla nyang sinabing.

"Hindi ba inaaya mo akong lumabas? halika sumama ka sakin."

Hindi ako makapabiwalang inaya nya ako na lumabas. Kaya sumama nalang ako, hanggang sa dinala nya ako sa isang kainan. Mama pala Dokwon ang may ari ng kainan na iyon.

"Ohh.. Ayeong ikaw ba yan? ikaw yung top student sa Namil High hindi ba?"

Magandang bati agad nito sa kanya, at ng makapasok na kami.

"Ikaw si Choi Jeongu hindi ba? ikaw yung sasali sa gaganaping National Singing Contest."

Nagtataka lang din ako kung bakit ako kilala nya.

"Ayeong boyfriend mo ba sya?"

Tanong nya kay Ayeong.

"Po??"

"Hmm.. Ang cute nyo tignan, sige, hindi ko na kayo iistirbohin ahh.. kumain lang kayo dyan."

Nagulat lang si Ayeong sa tinanong ng Mama ni Dokwon, pagkatapos namin kumain, ay bumalik na kami sa eskwelahan para umuwi. At ng malapit na kami.

"Jeongu.. bukas, magkita tayo sa puno ng Pinetree, hihintayin kita doon."

Hindi naman ako naka-imik at umu-o nalang ako.

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na unang beses akong inaya ni Ayeong. Ito na ata ang pinaka masayang nagyari sa buhay ko.

My First CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon