(VI) Pregnant

3.4K 129 15
                                    

NAGTATAKA SI RANDALL, pilit niyang inaalala kung bakit nga ba sila naroon ngayon. Maaring nalaman ng kanyang mga magulang ang meron sa kanila ni Randall, ngunit hindi 'yon sigurado.

Farhan was laughing with his parents, kasama pa nito ang kanyang mga magulang. Tila bang isang tagpo sa pamamanhikan. Whatever it is, tulad ng isang katakot-takot na palabas, alam niyang may mali.

"Randall, son, we're very pleased to finally meet you," sambit ng ina ni Farhan sa kanya. Pinilit niyang ngumiti upang hindi nito mahalatang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.

"I'm please to meet you, too," tugon niya.

"You know what, I heard that Farhan has investments in the three biggest companies in the country right now. Hindi ko akalaing magiging ganito ako kasaya," sambit ng sarili niyang ina.

Everybody knows that his own parents never accepted his wife as their family, ngunit mas hindi niya akalaing isang lalaki ang tatanggapin nila.

"E-Excuse me, guys," sambit niya sa mga ito. "I want to have a minute with Farhan, would that be okay?"

Napalingon ang seryosong si Farhan sa kanya, saka ito tumayo.

"You guys better take your time, talk about your plans and your future," sambit pa ng ama ni Farhan.

Ngumiti sila pareho at tuluyang lumabas mula sa dining room. Sinundan niya palabas si Farhan habang magkasalubong ang mga kilay. He don't understand why this has to happen—I mean, this far. Wala sa kanyang bokabularyo o plano ang gawin ang mga bagay na ganito. This is not a child's play.

"Is this your plan?" tanong niya nang humarap si Farhan.

"What are you talking about?" kaswal na balik nito.

Nagpupuyos siya sa galit, makikita 'yon sa mga nanginginig niyang kamay. He's more than afraid. "Gusto kitang suntukin ngayon, but I won't. I won't cause a scene in front of our parents—"

"Randall," pigil sa kanya nito. "Calm down. If you're mad because you're thinking that I was the one who wanted this, you're wrong."

Lumapit ito sa kanya at ngayo'y magkalapit na ng sobra ang kanilang mga katawan. Saka siya hinagkan ni Farhan at hinila ng mahigpit palapit. He can't focus on anything, Randall knows this is a mess.

"Amore mio, look at me," malambing na tawag ni Farhan sa kanyang atensyon. "Your parents and my parents decided to meet today. They saw how close we were. Of course, I admitted what are we."

"And what are we?" seryoso niyang balik.

Napa-iwas ng tingin itong si Farhan mula sa kanya. Pinilit na takpan ang pagkadismaya sa reaksyon ng lalaking minimithi niyang makuha ang loob.

"Answer me," pilit pa ni Randall.

"I thought we're cool as... As boyfriends?" tugon nito sa kanya. Tila ba nakatikim ng isang pambihirang alak ang lalamunan ni Randall. He was out of words. Tulad ng pag-inom ng alak, he was red.

"W-We are?" natatawa niyang pagkumpirma kay Farhan.

"Yes, Randall. So, I deserve your kiss right now." Saka nito marahas na hinalikan ang kanyang labi. "Your wife caused you a miserable life, now take back everything that you missed since you got married."

Sumunod ang tawang mala-demonyo, hindi 'yon napigilan ni Randall na tila ba may naiisip na namang kalokohan para sa magaling niyang asawa.

"Want to make her miserable with me?" anyaya pa niya kay Farhan.

Ang hindi nila alam ay naroon si Melanie at nakasilip mula sa pintuan. Nanlalaki ang mga mata at tila ba kainin ng lupa sa pangingilabot. Randall's loyalty on her is the last thing she'll doubt about. But finding out that his husband is with her paramour is more than enough to make her vomit.

Cheating Husband ©Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon