CHAPTER 2

22 3 0
                                    

Jog

Kanina pa ako nag ra-rant sa buhay ko, kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi tama ang ginawa nila sa akin. I'm their daughter and yet hinahayaan lang nila ako rito, na nalulungkot! Mag isa sa barriong ito! Tanggap ko pa kung grounded lang ako, pero ito? Itong pag papauwi nila sa akin dito? Hindi ko ito tanggap! Kayang-kaya nilang malayo ako sa kanila! Siguro nga hindi nila ako mahal at talagang pera lang ang importante sa kanila kaysa sa anak nila.

Tiningnan ko ang buong paligid ng aking silid. Malayong-malayo ito sa kuwarto ko sa manila. Malaki ang kuwartong ito pero ibang-iba talaga. Ang interior ng kuwartong ito ay maka luma. Para bang prinsesa ang may ari nito. Ang mga muwebles ay malayang naka lagay sa tamang puwesto. Ang kurtina ay kulay gold at malaking bintana na makikita mo ang buong likod ng mansion na ito. Sa malayo ay matatanaw mo ang madilim na gubat at maririnig mo ang mga huni ng kung anong hayop sa malayo. Ang buwan ay maliwag na siyang nag sisilbing ilaw ng langit na maitim, ang mga bituin naman ay parang mga glitters na nag kalat sa langit. Tahimik dito ang maririnig mo lang ang huni ng mga hayop. Sa 'di kalayuan ay matatanaw mo ang mga kabahayan na nag sisilbing ilaw sa malayo. Walang city lights, walang ingay ng sasakyan, walang traffic, at walang saya...

Ibinukas ko nang maigi ang malaking bintana ko at nag dasal na sana maka alis na ako rito. Hindi ako relihiyosong tao, dahil hindi naman ako naniniwala na may Panginoon nga, pero ngayon—kailangan kong maniwala na may Diyos nga at mag dasal na sana panaginip lahat ng ito.

Nang matapos akong mag dasal ay bumaba ako para maka inom ng tubig. Naka suot na ako ng aking pang tulog na lingeries. Ang mahaba kong buhok ay malayang naka lugay. Hindi pa ako nakakababa sa hagdan ay narinig ko na sila lola na kausap si enzo, si atticus naman ay nandoon din habang nakikinig kay lola.

"Okay lang ba talaga sa'yong samahan ang aking apo? Si amelia," Marahan na tanong ni lola sabay ngiti.

Kahit nasa malayo ako ay kitang-kita ko kung paano nag sigalawan ang muscles sa mukha ni enzo.

I rolled my eyes. Naka tago ako ngayon sa likod ng malaking vase ni lola. Madilim dito kaya hindi ako kita puwera nalang kung gumawa ako ng ingay, t'yak na malalaman nilang may tao rito.

"Okay lang naman po," ani enzo.

"Puwede ka namang humindi. Makulit si amelia, sakit lang sa ulo 'yan!" sapaw ni atticus habang nilalaro ang kaniyang susi.

Ang buwiset na 'to! Ma karma ka sana!

"Ano kaba atticus! Have you seen her attitude earlier? Naging okay na siya!" ani lola sabay baling kay enzo.

"She's just pretending, la, kase nandiyan si enzo..."

Nag taas ako ng kilay.

"At kanina, naging bugnutin ulit! Wala pang isang oras bumalik ulit sa dating attitude!" si atticus.

Nakakainis 'yang atticus na 'yan! Kanina pa siya ganiyan sa akin! May araw ka rin sa akin! Humanda ka!

Inis akong bumalik sa kuwarto ko at padabog kong isinarado ang aking pinto. Wala akong pakialam kung narinig nila! What's the point, hindi ba? Akala nila mag ba bago ako dahil lang sa lalaking mahirap na 'yon? Hell no! Mukha niya! Tingnan lang natin! Attracted lang ako sa kaniya kase wala akong choice! Siya lang ang type ko rito kaya ma-s'werte siya! Sa oras na maka-uwi ako sa manila makakalimutan ko na rin ang pag mu-mukha niya. Kapal niya! Akala mo naman kung sino! Hoy mukha mo lang may dating sa'yo! Unti-unti kong naisip iyong katawan niya kanina. Agad na nag init ang mukha ko. Oo na pati 'yong katawan niya may dating!

Damn you, enzo!

I woke up early. Bumaling ako sa bintana at naka bukas pa ito, hindi ko naisara kagabi dahil naka limutan ko. Tumayo ako at pumunta sa bintana para makita ang labas. The sun is finally raising, I have the urge to jog this morning kase maaga naman akong nagising.

Heartfelt Roses (Costello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon