Prince's POV
Bakit bumalik pa siya?
Lalong masasaktan si Princess eh.
*boooggssh
Marami ng nakatingin sa amin. Kasi nagpe-perform sila eh sumugod ako.
"Woah! Ang pinsan ng pinakamamahal kong babae! Long time no see ah!" sabi niya with sarcasm
May nag vivideo na sa amin.
Hindi ko na lang pinansin.
"Bakit ka pa bumalik?! Hindi mo alam ang pinagdaanan ni Princess nang mawala ka!! Hindi siya nakain. Nakakulong lang siya sa kwarto niya. Araw gabi umiiyak. Higit sa lahat Halos magpakamatay na siya!!! Lahat iyon dahil iyo!!" sabi ko
"Sorry!! Ok!!" pagalit niyang sabi
"Anong magagawa ng sorry mo? Wala na, wala na siyang pakiramdam ngayon. Nagbago na siya. Yelo na ang puso niya"
"Susubukan ko pa rin, dahil mahal ko pa rin siya. Magpapaliwanag ako sa kanya.!!"
"Ewan ko sa iyo!! Ako ang makakalaban mo kapag lumapit ka pa sa kanya at sinaktan mo siyang muli"
Sabay walk-out.
Pumunta na akong clinic.
Zen's POV
Tinititigan ko lang si Lorry. May kamukha siya.
"Baka matunaw" sabi sa akin ni Daryl
"Psh"
Bumukas ang pinto.
"Anong ginawa mo?" tanong ko kay Prince
"Inupakan ang ex ni Lorry" sabi niya
"Bakit naman?" tanong ko
"None of your business"
"Diba si Rain iyon? yung kalabang gang natin? Eh sino iyong Kaiser?" tanong ni Daryl habang nagcecellphone.
"Basta--
"Trending ka ngayon ah!" sabi ni Daryl kay Prince
"Patingin nga" sabi ko
'Woah! Ang pinsan ng pinakamamahal kong babae! Long time no see ah!" sabi niya with sarcasm
"Bakit ka pa bumalik?! Hindi mo alam ang pinagdaanan ni Princess nang mawala ka!! Hindi siya nakain. Nakakulong lang siya sa kwarto niya. Araw gabi umiiyak. Higit sa lahat Halos magpakamatay na siya!!! Lahat iyon dahil iyo!!" sabi ni Prince
"Sorry!! Ok!!" pagalit sabi niRain
"Anong magagawa ng sorry mo? Wala na, wala na siyang pakiramdam ngayon. Nagbago na siya. Yelo na ang puso niya"
"Susubukan ko pa rin, dahil mahal ko pa rin siya. Magpapaliwanag ako sa kanya.!!"
"Ewan ko sa iyo!! Ako ang makakalaban mo kapag lumapit ka pa sa kanya at sinaktan mo siyang muli"
"Eh, sino ba iyang Princess na iyan. Noong isang linggo pa iyan eh. Matanong ko nga kayo.Anong koneksyon niyo diyan sa Princess na iyan at kay Lorry. Pati iyong picture sa facebook na babae. Bakit kilala niyo iyon? Ang hirap kaya nang walang alam!!"
"We don't have the right to say the truth" sabi ni Daryl
"Ok, boss. Isa lang ang sasabihin ko sa iyo. Ikaw na ang bahalang tumuklas ng mga tanong mo.Si Lorry *turo kay Lorry. Kailangan namin siyang protektahan no matter what. Dapat hindi siya magalit. Sinabihan kami ng kuya niya na alagaan naming mabuti siya.Yun lang!!" sabi ni Prince
BINABASA MO ANG
Nerdy Gangster Princess (Completed)
Novela JuvenilPINAGLALARUAN. Minsan , laruan , madalas nararamdaman , may mga bagay talagang hindi mo maintindihan kahit pinipilit mong intindihin, sumasakit na ang ulo mo kakaisip, di ka na makakain, ayaw mo ng lumabas ng kwarto mo, namamaga na ang mata mo kakai...