Chapter 1

206 9 2
                                    

"Jonathan, bat kailangan mo pang umalis?"

"Nics I'm sorry. kailangan ko talaga gawin to."

"Akala ko ba mahal mo ko? Bat kailangan mo pa umalis? Bat kailangan mo pa ko iwan?"

"Jonathan we need to go, your father is waiting for us!" sabi ng mama niya.

"Sorry, but I have to go. Bye.." 

Wala kong magawa. Gusto ko siyang tawagin pero parang naubos na ang boses ko, gusto ko rin siyang yakapin pero ayaw kumilos ng katawan ko. I am crying my heart out and waiting for him to look back pero nabigo ako. Iniwan na niya ko. 


Iniwan na ko ng taong pinaka mamahal ko. Yung lalake na simula pa nung una minahal ko na. sa dami ng pinagdaanan namin, sa mga panahon na magkasama kami at sobrang saya namin. Iniwan niya lahat yun dito, at mahirap pa don wala siyang sinabing rason kung bat aalis sia.


Ako si Nicole Romano, isang babae na palaging umaasa at naloloko, laging pinaglalaruan. Bat ba laging ganto? May nagawa ba kong masama para lokohin nila ko ng ganto? Ngayon kagaya ng date, eto nanaman ako, nag mukha nanamang tanga. iniwan nanaman ako ng taong minahal ko ng husto. Ano pa bang ineexpect ko, lagi naman ganto e. Lahat ng minamahal ko iniiwan ako. Lahat sila di makukuntento sakin, iniiwan akong luhaan at babalik sila pag ayos na ang lahat. Minsan nga naiisip ko nalang


Ano bang mali saakin? bakit lagi nalang ako iniiwan at niloloko ng taong minamahal ko? Ano bang pag kukulang ang nagawa ko sakanila at nagawa nila kong saktan ng ganto? ;(


Habang nag lalakad ako pauwi biglang umulan ng malakas, dinadamayan ata ko ng kalikasan. Sa sobrang pag iisip ko na kung ano-ano. Nadaanan ko ang bahay ni Rona, ang best friend ko, ang nag iisang tao na nakakaintindi sa nararamdaman ko.


"Ano bang katangahan ang ginagawa mo nics?! Bat ka nag papaulan? Halika nga dito pumasok ka dali!!"-Rona

"O eto muna isuot mo ha? Dito ka na muna mag pahinga."-Rona

"Bhes, iniiwan na ko ni jonathan."

"Wag kang mag alala may darating na mas better dyan para sayo. Maybe hindi talaga kayo para sa isa't isa. But honey, next time wag kang agad agad mg titiwala sa isang tao. Kilalanin mo muna siya para next time di ka na agad masaktan." Pinisil niya yung kamay ko as a sign na lagi siyang andyan para sakin at hinding hindi niya ko iiwan gaya ng iba.

"Yeah, maybe tama ka nga." I gave her a fake smile, para mabawasan ang pag aalala niya. Kilala ko si Rona. Since elementary kaibigan ko na yan. Siya yung tumayo bilang nanay ko kasi walang ibang ginawa ang mommy ko kundi mag trabaho ng mag trabaho. Kaya pag nasasaktan ako laging kay Rona ang takbo ko dahil naiintindihan niya ko at binibigyan niya ko ng advice para alam ko ang gagawin ko.

"Ganto gawin mo. Matulog ka muna para mabawi mo ang lakas mo ok? Wag mo na iintindihin si tantan(Jonathan) sguro masaya na siya sa ginawa niya."

"Sge, Salamat ha " :)

"Salamat para san?"

"Para sa pagtulong mo sakin, para din sa pag aalaga mo sakin. Para sa lahat."

"Haaayyyyy oo na mag dadrama pa e. Mag pahinga ka na muna."

Pain Makes People ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon